7.2 [G]

6.9K 228 9
                                    

Part 2.

Bianca's POV

"Bianca, wala pa si Cha?" tanong ng president namin sa'kin.

"Ha? Wala pa ba?" sagot ko at napatingin sa relo ko.

Teka, mag a-ala una na ah?! Ba't wala pa siya? Malapit na matapos ang lunch break!

Bago pa ako nakalabas para sundan si Cha, nakasalubong ko ang prof namin sa labas ng pinto.

Napabalik tuloy ako ng upuan. Nakakatakot kasi siya magalit eh!

Sinubukan ko namang tawagan si Cha habang nagklaklase pero hindi siya sumasagot.

Dahil kinabahan na ako, tinext ko siya kung nasaan ba siya.

Siguro malapit nang matapos ang klase nang magreply siya sa'kin.

"Tambayan pala ng CSP gang ang likod ng Southern High."

Napa-reply naman ako, "Pinuntahan mo ang likod?"

Hindi pa siya nakakapagreply nang magtext ulit ako, "Bakit hindi ka pa bumabalik dito?"

"Hindi ko kasi matandaan 'yung daan pabalik."

Pero hindi niya alam na tambayan 'yun ng CSP? Kahit sino ata mapapansin 'yung malaking graffiti na may logo nila 'dun ah?

Kung sabagay, minsan lang lumabas si Cha sa bahay kaya parang lalong naging directionally challenged siya. Mabilis siyang maligaw.

"Pabalik na ako," reply naman niya 'dun sa huli kong tanong.

"Dinakip kasi ako nung Endou," text niya pa.

Nanlaki ang mata ko kaya napansin ako ng prof namin kaya agad kong tinago sa bulsa ang cellphone ko.

Pero dinakip siya? Bakit?!

Magtetext pa sana ako kung namukhaan kaya nila na dating gangster siya pero napansin ata ako ng prof namin na nagcecellphone.

Tinawag naman niya ako sa unahan para sagutin 'yung tanong sa board.

Bago pa ako makatayo ay tumunog na ang bell na hudyat na tapos na ang klase. Napahinga tuloy ako ng maluwag kasi hindi ko alam ang sagot dahil kanina pa akong hindi nakikinig sa kanya

Pagkalabas naman ng prof namin ay pumasok agad si Cha na dala 'yung pinamili niyang materials sa booth.

"Uy, Cha!" rinig kong tawag ni Prances. "Anong nangyari sa buhok mo?"

Hindi naman siya sumagot bagkus inayos na lang niya 'yon.

Nakita ko namang kinuha ni Pamsy ang mga pinamili niya. Natigilan lang siya saglit at napahawak sa braso ni Cha na may konting galos.

Agad naman akong pumunta malapit kay Cha at hinila siya palayo sa kanya.

"Samahan mo ko sa C.R.!" palusot ko at dali-daling nilabas siya sa classroom.

"Huy malapit na mag start 'yung sunod na klase!" rinig ko namang tawag ni Angelli sa'min pero hindi ko na lang siya pinansin.

Agad naman kaming nagtungo sa tagong lugar.

"Ayos ka lang?!" tanong ko at tiningnan ang braso niya na may konting galos.

Tiningnan ko tuloy kung may iba pa ba siyang galos o pasa sa katawan.

"Wala namang nangyari," sabi niya lang.

"Wala?" tanong ko. "Sure ka?"

Tumango lang naman siya at tiningnan 'yung galos niya sa braso.

"Pero bakit ka dinakip?"

"Ewan ko," sagot naman niya.

"Ilan silang an'dun?"

"Tatlo lang 'yung kasama niya 'don" sagot niya. "Pero may ibang miyembro ng 168 sa labas."

"168?" tanong ko. "Sa labas? Nakapasok—"

"May gang match ata sila mamaya kaya pinag uusapan nila 'yung agreements," sabi niya naman.

"Si... Orenji?" tanong ko.

"Wala siya 'dun," sagot niya agad.

Natahimik naman ako saglit at napansin 'yung kamao niya na may konting galos.

"Napano 'yan kung walang nangyari?" tanong ko.

Napahawak naman siya dito at huminga ng malalim.

"Almost," sagot niya kaya tiningnan ko siya para ituloy niya.

"He wants to... molest me," sabi niya kaya napatakip ako ng bibig.

"Kaya nasuntok ko siya," tuloy pa niya.

Niyakap ko siya agad. Hindi naman siya nagreact o umiyak.

"I almost killed him," sabi niya lang. "Pero I told myself to stop. Kasi naalala ko... Baka wala na namang maniwala sa'kin."

"Hindi ikaw—" naiiyak kong sabi habang inaalala 'yung nangyari sa kanya 3 years ago.

"At least naniniwala ka sa'kin," sabi niya kaya naiyak na ko.

Pinatahan naman niya agad ako sa pag-iyak.

Sinamahan ko siya sa clinic para magpalagay ng disinfectant.

Inutusan niya naman akong lagyan 'yon at 'yung mga galos niya sa braso ng concealer.

Nang matapos kong takpan, nagyaya na siyang bumalik ng classroom.

Nasa labas pa lang kami, narinig na namin si Gosu na nagsisisigaw 'dun.

"Who told her to go?!" nakakatakot niyang tanong sa mga kaklase namin. "Who asked her to go near Southern High?!"

Agad namang pumasok si Cha at pinigilan si Gosu na suntukin ang board kasi walang makapagsalita ni-isa sa kanila.

"Nag volunteer ako," sabi ni Cha kaya napalingon agad si Gosu at niyakap siya ng matagal.

Paano niya kaya nalamang pumunta siya 'dun?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon