3.5 [E]

9.4K 274 7
                                    

Part 5.

Charice POV

"Bianca!" rinig kong tawag ni Layzzah habang paakyat kami ng hagdan.

Napatingin tuloy kaming parehas ni Bianca.

Ugh. Tinatamad talaga akong pumasok ngayon!

"May tsika ako sa'yo!"

Sinabayan naman kami ni Layzzah paakyat para pumasok ng room. Maaga pa naman kaya wala pang teacher.

"Alam niyo na ba 'yung event?" tanong niya.

"Anong event?" tanong ni Bianca. "Yung para sa 6 years anniversary ng The Five Kings?"

"Oo! Yung para maka-attend sa kanilang party!"

Kinuha ko na lang notebook ko sa bag para magsulat ng mga di ko nakopyang notes sa Math.

So meron pala talagang willing sumali sa sinasabi nilang contest?

"Anong gagawin this year?" tanong ni Bianca.

Nakipag kwentuhan naman din sina Angelli, Prances at Kimberly. Busy naman ako sa notes ko. Kinopya ko na rin sagot ni Bianca dun sa assignment sa Math. Hindi ko masagutan eh.

Mamaya ay lumabas sila ng room. Hinila din ako ni Bianca. Pumunta lang pala sa CR para mag make-up. Eh konting liptint lang naman nilalagay ko minsan. Kaya nakatunganga tuloy ako ngayon habang kwentuhan sila ng kwentuhan.

"Cha! Sali ka rin sa event ha?" rinig kong sabi ni Bianca habang nagkikilay.

Tiningnan ko lang siya.

"Para more chances of winning!" dagdag pa niya.

"Ano bang event?" tanong ko.

"Pagandahan!" sabay-sabay nilang sabi.

"Manonood na lang ako sa inyo," agad na sabi ko bago pa sila mag expect.

Todo pilit naman sila sa'kin kaso ayoko talaga.

"Bakit?" tanong pa nila.

Si Bianca na tuloy nagpatigil sa kanila sa pagtatanong sa'kin tutal takot din siya siguro na magalit ako sa kanila.

Alam niya kasi how I hate nosy people.

Natapos naman din sila mag make up kaya bumalik na kami ng room.

Pupunta na sana ako sa upuan ko kaya lang... may nakaupo na 'don.

Kung sino?

Si Gosu. At tulog.

Ang sama tuloy ng tingin sa'kin ni Maria.

"Guys, and'yan na si Ma'am!" rinig kong sabi nung kaklase naming nakaupo malapit sa may pinto.

Si Bianca naman, kilig na kilig at katabi si Gosu. Kala ko ba loyal siya dun kay Ji?

Maka-upo na nga lang sa ibang upuan. San kaya may bakante?

"And where the hell are you going?" rinig kong sabi ni Gosu.

Napalingon naman ako sa kanya. Gising pala 'tong gagung 'to eh.

Hindi na lang ako nagsalita.

Pagkita ko, hinawakan niya yung isang silya na malapit sa kanya. May nakaupo don pero sinenyasan niya lang yung kaklase ko kaya dali dali itong tumayo at umupo dun sa bakanteng upuan na uupuan ko sana kanina.

Pagkatayo nung kaklase ko ay hinila naman ni Gosu 'yung upuan at itinabi sa kanya. Tinapik tapik niya rin 'yun na para bang inuutusan akong umupo don.

"Sit," utos niya.

What?

Ano ako, aso?

Bigla namang dumating si Ma'am, yung teacher namin sa Math.

Terror 'to eh kaya napaupo na lang ako sa tabi ni Gosu.

Ramdam ko naman na tinitingnan niya ako. At dahil di ako comfortable, tiningnan ko siya pabalik. Napangisi naman siya kaya tumingin na lang ako sa unahan.

Habang nagkaklase ay patuloy pa rin siya sa pagtitig sa'kin. Hindi ko naman siya pinapansin, pero ramdam at kita ng peripheral vision ko na kanina pa niya kong tinititigan.

Ano kayang kailangan nito?

"Ma-fall ka na rin sa'ken," rinig kong sabi niya ng mahina.

Napatingin naman ako sa kanya habang patuloy si Ma'am sa pagdidiscuss.

"O baka... nahulog ka na sa'kin?" sabi pa niya.

"Ano sa tingin mo?" tanong ko sabay titig sa kanya.

Para namang nabigla siya kaya nag iwas siya ng tingin. Pansin ko naman ang unti-unting pagpula ng kanyang tenga.

"Ang init," sabi niya kaya tumayo siya at lumabas ng room.

At wow, hindi man lang siya pinuna ni Ma'am?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon