7.6 [I]

6.9K 209 4
                                    

Part 6.

(Flashback)

Bianca's POV

"Mommy!" tawag ko kay mama. "Kelan po ako papasok ng school? Nalulungkot na po kasi akong maglaro nang mag-isa sa bahay eh!"

"Sa sunod na linggo na," nakangiti niyang sagot.

"Magugustuhan po kaya nila ako?"

"Oo naman!" sagot niya. "Basta parati mo silang ngingitian!"

Tinanda kong mabuti ang habilin na 'yun ni mama.

Kung pala-ngiti daw ako parati, magugustuhan nila ako.

At hindi nga siya nagkamali.

"Laro tayo!" yaya ko sa kanila kaya naglapitan sila sa akin.

Ang dami kong naging kalaro; ang dami kong parang naging kapatid sa school.

Lahat sila, gustong makipaglaro sa'kin. Kayang tuwang-tuwa ako lagi pag pumapasok sa school.

Pero napansin ko, may isa pa pala ako na hindi ko pa nakakalaro.

Hindi kasi siya ngumingiti sa iba at tanging 'yung kapatid niya lang ang parati niyang kalaro. Sa kanyang kapatid lang 'din siya ngumingiti.

"Gusto mo bang maglaro ng dolls?" yaya ko.

Nilabas ko lahat ng manika mula sa bag ko at inalok 'yun sa kanya.

Pero imbes matuwa siya o makipag-laro sa'kin, hindi niya ako pinansin.

Bakit kaya siya ga'non?

Paano siya magugustuhan ng iba kung ganun siya?

Hindi ko naman alam kung bakit simula 'non, araw-araw ko siyang napapansin. Para bang may nagsasabi sa'kin na gusto ko siyang maging kaibigan.

Dahil 'dun, naisipan kong kaibiganin ang kapatid niya.

At natuwa ako nang maging kaibigan ko rin siya.

Kaso, napapansin ko, unti-unting kumokonti ang mga nagiging kalaro ko. Ayaw daw kasi nilang makipaglaro kina Cha at Bea.

Kaya mas pinili ko na lang makipaglaro sa kanila.

Pero isang araw, nasaksihan ko ng hindi sinasadya ang pagkamatay ng tatay at kapatid ni Cha. Doon rin siya lalong nag-iba.

Lalo siyang hindi makausap at hindi ko na siya nakitang ngumiti.

Naging pala-absent din siya sa klase kaya naging halos mag-isa ako lagi.

At sa paglayo niya lalo sa mga taong nakapaligid sa kanya, naramdaman ko na kailangan niya ako— na kailangan niya ng kasama; ng karamay at ng makakausap.

Para bang kung walang may lakas ng loob na lumapit sa kanya, bibigay na siya.

Gustong gusto kong makinig sa kanya. Pero, hindi niya ako magawang ipasok sa mundo niya; mundo niya na mas piniling mapag-isa.

Isang araw, nagising na lang ako na sentro na siya ng panunukso mula sa mga kaklase namin.

Nabalitaan kasi ang pagkabaliw ng kanyang ina; dinala kasi ito sa isang mental hospital.

Binabalewala ko na lang talaga ang mga 'yun, pero, hindi ko kinaya.

Pakiramdam ko kasi— kung maririnig ni Cha ang pangungutya nila sa nanay niya, masasaktan siya.

Kaya isang araw, naglakas loob akong sagutin ang panunukso nila.

"Hindi 'no!" nangangatal kong sabi. "Mabait ang mama ni Cha! Baka mama mo 'yung baliw kaya niya naiisip 'yun!"

Tandang-tanda ko ang araw na 'yun. 'Yung araw din kasing 'yon pumasok na muli sa school si Cha.

Nang makita ko siya, para bang nabuhayan ulit ako. Kaya nilapitan at kinausap ko siya ng kinausap. Ginawa ko ang lahat para maging magkaibigan kami.

Parati din akong pumupunta sa bahay nila dahil parati kong nakikitang wala siyang kasama 'dun.

Kinwentuhan ko rin siya ng kinwentuhan para mawala sa isip niya na nag-iisa siya. At kahit hindi niya pinapakita, malakas ang pakiramdam kong parati siyang nakikinig sa'kin.

Pinaramdam naman niya sa'kin na hindi ako nag-iisa; na may kasama akong lumaban sa buhay ko, nung naging ako naman ang sentro sa pang-aapi ng mga kapwa ko kamag-aral.

Pagnilalabas ko sa kanya ang mga saloobin ko, ramdam kong nawawala agad ang sakit na nakuha ko mula sa pananampal, panununtok at pananaldyak nila sa akin.

<NOW PLAYING: Damsonegongbang - Loving With All Your Heart>

Siya ang naging lakas ko para ipagpatuloy ang buhay ko.

Siya din ang tanging naging kasama ko sa malungkot sanang buhay ko.

Kaya kung may magtatanong man sa akin kung sino ang mas nakinabang sa pakikipagkaibigan ko sa kanya, marahil isasagot kong ako.

Pero kung may magtatanong sa akin kung ano bang nalaman ko sa kanya simula nung maging magkaibigan kami— marahil ang isasagot ko, wala... wala pa.

Parati niya akong pinakinggan noon; pero bakit ni minsan hindi ko siya narinig na dumaing o naglabas ng saloobin sa akin noon?

Wala ba talaga akong kwentang kaibigan?

O hindi lang talaga ako deserve na makinig sa mga kwento at saloobin niya?

You've never needed me in the first place; it was me all along who needed you.

Kaya, pag nakikita ko sila— kung mas pipiliin niyang samahan ang taong makakapagbukas ng puso niya, wala na akong sasabihin pang iba sa kanya kundi- sige lang, sumama ka sa kanya. Alam kong mas naiintindihan ka niya kesa sa'kin.

After all, nagsimula naman akong nag-iisa. Kaya hindi na bago sa akin ang magsimula na mag-isa ulit.

Ayoko ring i-sarili at ilayo siya sa taong maaaring makakapagpasaya sa kanya.

Pero, kung dumating na nga kaya ang panahon na 'yon— may iba pa kayang handang makinig sa'kin?

May makikinig pa kaya sa'kin?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon