11.9 [C] (1)

6K 143 10
                                    

Part 9.

Charice POV

"..."

"..."

Pasimple akong napalunok nang umubo ang tatay ni Gosu.

Napatingin din ako sa nanay niya.

"She—"

Napatingin akong pareho kina Gosu at sa papa niya nang sabay silang magsalita.

Pinapasok kasi ako ni Gosu sa bahay nila at sinabi niyang doon na ako matulog sa guest room nila. Gabi na daw kasi saka sinabi kong... ayaw ko muna umuwi.

"Just 1 day..." mahinang sabi ni Gosu dahil pinagpapaalam niya ako sa tatay niya.

Nakita kong tumingin ang mama ni Gosu sa asawa niya at tumango ito na parang sinasabing payagan siya.

Natahimik lang naman ang papa niya atsaka umubo na lang ulit.

"[그래] geurae," sabi ng papa ni Gosu atsaka pumasok na sa kaloob looban ng bahay nila.

(Translation: Fine)

Ngumiti naman sa'kin ang mama ni Gosu atsaka inalalayan akong pumunta sa guest room.

"Pasensya na po," nahihiya kong sabi habang todo alalay diya sa'kin sa mga gagamitin ko.

Pagkaupo ko naman sa kama na naroroon ay nakita ko si Gosu na may dala-dalang mga makakain at inalok sa'kin 'yon.

"Are you sure you don't need anything?" tanong niya pa nang sabihin kong matutulog na ko.

Tumango ako kaya tiningnan niya lang ako.

Sasaraduhin na niya yung pinto nang, "Gosu..."

Napatigil siya at tiningnan niya ako.

Napatingin ako sa sahig at napahinga ng malalim.

"Thank y—"

"I love you," sabi niya kaya naalala ko ang una naming pagkikita.

Tiningnan ko siya at nakita kong nag hand gesture siya na parang sinasabing tumawag ako sa kanya kung may kailangan ako.

"I love you too," mahina kong sabi kaya napangiti siya at sinarhan na niya ang pinto.

Nanatili lang akong nakaupo sa kama at pinagmasdan ang paligid.

Tumayo ako dahil nakita kong bukas ang bintana.

Nang sarhan ko 'yon ay nakita kong madilim pa ang paligid.

Ihahawi ko na sana ang kurtina nang makita ko ang langit na may mga iilang bituin.

Napansin ko ang pinakamaningning doon kaya naalala ko si papa.

"Cha, bukas na ang alis ko."

Bago pa may mamuong luha sa mata ko ay hinawi ko na ang kurtina para hindi ko na makita ang langit.

Bumalik ako sa kama at umupo.

Naramdaman ko naman sa aking pagkakaupo ang cellphone ni mama.

At oo, dinala ko 'yon kasi... pakiramdam ko, kung hindi niya ito napansing nawawala... baka hindi siya umabot sa airport...

Hindi kasi siya nagigising maliban sa alarm niya dito...

Kinuha ko ang cellphone niya at binuksan 'yon dahil wala naman itong password.

Pumunta ako sa alarms niya at in-off ko lahat ng 'yon.

Nang magawa ko 'yon, pinatong ko na ang cellphone niya sa table na malapit sa'kin.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon