5.6 [G]

7.6K 239 20
                                    

Part 6.

Charice POV

"Andito na po tayo, Ma'am," rinig kong sabi nung driver.

Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.

Ang daming tao! Nasa labas pa lang ako, kitang kita ko na agad 'yung kislapan nilang mga damit!

Binuksan nung drayber 'yung kotse kaya bumaba na ako.

Ba't ba nangangatal ang kamay ko? Kinakabahan ba ako?

Dahil ba 'to sa pagsuot ko ng high heels kahit alam kong mahihirapan akong maglakad?

O dahil may suot suot akong kwintas na baka hindi niya magustuhan?

"ANAE?!" rinig kong tawag ni Gosu.

Natigilan ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko bago ako tumingin sa kanya. Nakita ko, ang... gwapu ng gagu.

Ayoko lang ipakita sa kanya na na-gwa-gwapuhan ako sa kanya kaya tumingin ako sa ibang direksyon.

Pagtingin ko ulit sa kanya, parang may gusto siyang sabihin sa'kin pero hindi niya magawa.

Dahil dun, napatingin na lang siya sa drayber at nilapitan siya.

"Manong, ba't di niyo sinasagot 'yung tawag ko?" rinig kong tanong niya. "Tawag ako ng tawag pero di mo sinasagot! Akala ko tuloy may nangyari ng masama sa asawa ko."

"Sir, kasi po—"

"Ikaw 'yung pinagkatiwalaan kong maghatid sa kanya tapos pakakabahin mo ako ng ganto!"

Na-awkward-an naman ako kasi pinagtitinginan na kami nung iba dito.

"Sir, sorry po," rinig kong sabi nung drayber.

Naawa tuloy ako sa kanya.

"H'wag mo siya pagalitan. Ako naman 'yung may dahilan," singit ko.

Tiningnan niya ako at hinawakan ang kamay ko. Napansin niya atang nakatingin ang lahat kaya pinapasok na niya ako sa mala-mansyon nilang bahay.

Na'san kaya sina Bianca?

"Di ka na galit sa'kin?" tanong ko kasi ang tahimik niya.

Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala 'yung mga tao sa'min. Na-conscious tuloy ako kasi hawak hawak niya ang kamay ko.

"Is this the lady you're always telling me about?" rinig kong sabi ng isang lalaki na may edad pero may ka-gwapuhan din.

"닥쳐 [dak-chyeo]!" rinig kong sabi ni Gosu.

(Translation: Shut up!)

"Oh c'mon, son! You don't have to be so shy," sabi nung lalaki.

Tatay niya ba 'yun??? Mukha siyang artista!

"Hi, hija," bati sa'kin nung lalaki at ngumiti.

Di ko tuloy alam kung ngingiti ako o hindi.

"I'm fine with you but I hope you won't affect his work."

"Tara na nga!" rinig kong sabi ni Gosu.

Hinila ako ni Gosu dun sa parang garden nila sa labas; dun sa walang masyadong tao.

Natahimik lang naman kami. Napaka-laking silence ang nangyayari.

<NOW PLAYING: HowL & J - Perhaps Love >

"Uh, gutom ka na?" tanong niya.

Naramdaman ko naman ang ihip nung malakas na hangin.

Grabe, ang lamig. Pero di ko na lang pinahalata. Nasa labas kasi kami eh kaya malamang malamig.

"Medyo," sagot ko.

Tumahimik ulit.

Pero rinig ko 'yung classical music na tumutugtog galing sa loob ng mansion.

"Galit ka sa'kin?" tanong ko.

"Bakit?" tanong niya.

Hindi ako nakapag salita.

"Siguro... nagtampo lang," sabi naman niya.

So nagtampo pala.

"Hindi mo kasi ako namiss," dagdag niya. "Eh miss na miss kita."

Natahimik na lang ako.

"Akala ko nga di ka na pupunta dito. Kinabahan tuloy ako," sabi niya matapos ang isang minutong katahimikan.

Tumingin ako sa langit kasi nakatingin din siya 'dun.

Napa-ehem ako kaya napatingin siya sa'kin.

Napatingin tuloy ako sa pool na malapit lang sa garden, "Namiss kaya kita."

"Sus," rinig kong mahina niyang sabi.

"Namiss ko mga kurne mong lines," dagdag ko.

Natawa siya at nagseryoso, "Ganun? Kala ko naman kung anong namiss mo."

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa pool. Napatingin din siya sa'kin nung maramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya.

"Eh, ano ba kasing gusto mo sa mga lalaki?" tanong niya. "Ayaw mo sa sweet, sa korni. Ayaw mo rin ata sa mayabang. Eh sa gwapo? Sa matalino? Parang ayaw mo rin dun. Ayaw mo ata talaga sa'kin!"

Natawa ako ng konti.

"Ba't natawa ka? Sabihin mo na lang kasi. Willing naman ako magbago-"

Hindi ko na siya pinatapos, "Wala akong sinabing ayaw ko sa'yo."

"So gusto mo ko?" tanong niya.

"Hindi rin," agad kong sagot.

Nakita kong napanguso siya sa sinabi ko at tumingin ulit siya sa pool.

"So ganun. Wala lang," rinig kong sabi niya ng mahina. "Wala siguro akong effect sa'yo or di mo lang talaga ako type—"

Napatigil siya sa pagsasalita. At hoy, hindi ko siya hinalikan. Walang kiss dito. H'wag kayong mag-isip ng kung ano.

May inabot lang ako sa kanya.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon