Epilogue

13.8K 259 144
                                    

"Anae!" rinig kong tawag sa'kin ni Gosu at inalis ang blindfold ko.

"Happy anniversary!" sabi pa niya.

Tiningnan ko naman ang paligid ng kwarto at nakita ko ang mga stolen pictures ko na nakita ko dati sa kwarto niya.

"I love you!" rinig ko pang sabi niya kaya aad kong tinakpan ang bibig niyang nakanguso papalapit sa pisngi ko.

Natawa naman siya dahil dun.

Nilapitan ko naman ang mga litrato doon at ang napukaw ng tingin ko ay ang litrato namin na kinunan ng isang paparazzi last August.

Tiningnan ko siya na kasalukuyang nilalaro ang mga balloons na ginawa niya.

Naalala ko tuloy 'yung article tungkol sa kanya dati.

[BREAKING] ESK CEO's Daryl Seuk Kang revealed to the media his true relationship with Arisa + Arisa also spoken up

After photos of him and her girlfriend was leaked on the internet while they're on a date, ESK's CEO told the media that Arisa was not the topic while he and his father was talking inside the ZS Entertainment headquarters.

"The insider was wrong. I was talking about my girlfriend and she misunderstood us," Daryl Seuk Kang said to the reporters. "I'm not cheating on her nor am I dating her in the first place."

When a reporter asked whether he was really dating a Filipina, he revealed, "Yes, I'm dating the ice princess." He also said that it's his girlfriend's nickname and he finds her cute for everything she does.

"I'm head over heels in love with her," he said as he waved to reporters before going inside his car.

Meanwhile, Arisa was seen in Gimpo airport and told the reporters that she was just fooling around and said that she will reflect on her actions better next time. ZS Entertainment also reported that Arisa will be withdrawing from her upcoming drama and said that she will rest for a while.

"Anae, tumatawag ang mama mo," rinig kong sabi ni Gosu kaya napatakbo ako para kunin ang phone ko na hawak niya.

"Mama?" tawag ko nang magload ang videocall niya.

"Cha!" agad naman niyang sabi at kumaway. "Kakatapos ko lang sa work!"

Pinagmasdan ko lang siya habang pinapakita niya sa'kin na pumapasok siya sa loob ng kwarto niya.

Kumwento siya ng kumwento sa'kin at pinakinggan ko lahat ng 'yun.

"Nakapag enrol ka na ba, Cha?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako kay Gosu.

"Pupunta na nga kami ngayon," sabi ko kaya nagpaalam na siya tutal nasabi rin niya kanina na inaantok siya.

"Mag iingat kayo lagi d'yan ha," sabi pa niya.

"Kelan kayo uuwi?" tanong ko pa pero nababa na niya ang tawag.

"Cha, nasa tapat na ko ng bahay niyo," text naman ni Bianca kaya napatingin ako kay Gosu.

Last day na kasi ng enrollment para sa college.

Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang kukunin ko kaya nag-isip isip muna ako. Hindi ko kasi alam kung ano at san ako magaling.

Lumabas na naman kami ni Gosu sa bahay nila at pumunta sa bahay ko kasi andon 'yung mga requirements.

"Wala kang photocopy ng birth certificate," rinig kong sabi ni Gosu nang tingnan niya ang mga documents ko. "Nasaan ang original?"

Nakita ko naman si Bianca na nasa tapat ng bahay namin at nang makapasok ay dali-daling nag-ayos ng dala niyang documents para sa enrollment.

Si Gosu naman ay umupo sa sofa sa sala tutal tapos na siyang mag enrol.

Speaking of, nag launch ng app ang ESK sa China at successful ito. Sobrang init din ng pagtanggap ng mga netizens dun sa app. As for their plan sa Korea, hinold muna nila ito. Hopefully, next year— if the timing is right.

Pumunta naman ako sa kwarto ni mama dahil naalala kong sinabi niya sa'kin last time na nakapagrequest na daw siya dati ng kopya ng PSA birth certificate ko. Kinuha na rin niya daw ako noon nung kumuha siya para sa kanyang passport.

Tiningnan ko naman sa kaliwang bahagi ng cabinet niya sa may kwarto tutal sabi niya dun daw niya nilagay.

Sa dami ng papel na andito na puro kay mama, hindi ko siya agad makita. Dahil dun, tiningnan ko na rin ang kanang bahagi at napansin kong puro document ni papa ang nandun.

Nakakita naman ako ng lumang papel na parang birth certificate kaya hinila ko 'yon mula sa cabinet.

Napatitig naman ako sa nakasulat dun:

Certificate of Live Birth of the Adopted Child.

*end of Book 1*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon