Chapter 4

9.6K 275 11
                                    

Part 1.

Jaeki's POV

"You're back?" bati ni Ji habang papasok si Daryl ng school.

Tiningnan lang siya ni Daryl.

"So ano? Ngumiti ba siya nung bumati ka?" tanong ni Ji sabay ngisi ng nakakaloko.

"시끄러워 [sikkeureowo]!" inis na sabi ni Daryl at umupo.

(Translation: Shut up!)

Loko talaga ni Ji.

Kahapon kasi nakita namin si Charice sa Supermarket na malapit sa condo ni Ji.

Eh bumati kasi si Ji kay Charice. Ang nakakapagtaka nito eh ngumiti si Charice sa kanya kaya napa-react agad siya.

Natawa nga kami eh. Selos agad siya eh. Parang casual greeting lang naman 'yon di ba?

Pero siguro kaya siya nakapag react ng ganon eh hindi kasi common makita na ngumiti 'yun ng konte.

Pero ano naman kayang nangyari ngayon? Mukhang badtrip eh.

"Pinaalis ka?" tanong ni Yoon Jae.

Mukhang natumpak ni Yoon Jae kasi napatigil ng konti si Daryl.

"I left," sabi naman ni Daryl.

"Perhaps, she got pissed when you greeted her?" loko ni Ji sabay tawa.

Sinamaan naman ni Daryl ng tingin si Ji at parang akmang susuntukin.

Hindi na naman bago 'yon kasi ganyan talaga 'yang dalwang yan. Mamaya naman labeng-labeng na rin 'yan.

"Pero you really left?" tanong ko kaya tumingin siya sa'kin.

"I saw her... with Gian," sagot niya.

"And?" tanong ko pero di na siya nagsalita.

"Do you want me to teach you something?" tanong ko, kasi- first of all- I'm the expert in getting all the girls I want ;)

"I know how to make her think of you all the time," sabi ko pa.

Seryosong tumingin sa'kin si Daryl, "H-How...?"

Lumapit ako sa kanya at umarteng nang aakit, "T~o~u~c~h~"

Narinig ko naman ang parang pagsusuka at pandidiri nung tatlo dahil sa ginawa ko (maliban kay Daryl).

"What?" inis na sabi ni Daryl.

"Always keep in t~o~u~c~h~" sagot ko. "But not excessively. Yung tipong mabibitin siya."

Mukha namang hindi niya ako maintindihan.

"Just touch," sabi ko at hinawakan ng bahagya ang kamay niya. "And go."

Narinig kong napatawa si Ji, "Isn't that a brand of a liquid eraser?"

"Touch and go?" tanong ni Daryl na tila seryoso sa pakikinig sa'kin. Ni hindi nga niya napansin ang side comment ni Ji eh.

"Oo," sagot ko. "At pag nagawa mo 'yon ng tama, parati ka nang nasa isip niya. Hanggang sa hahanap-hanapin ka na niya."

Pinagmasdan ko si Daryl na parang paniwalang-paniwala sa sinasabi ko.

Well, sino ba ako? As I said, ako lang naman 'yung expert ;)


Charice POV

Pagdating ko sa school, parang kumonti ang mga tao. Na'san din si Bianca?

"Pasaan kayo?" tanong ko kina Kimberly kasi parang may pupuntahan sila. May hawak na papel eh.

"Uy Cha! Mag reregister kami," sagot ni Kimberly. "Last day na ng registration para dun sa event eh."

So nalaman laman kong half day lang pala ngayon.

Kung bakit half day? Para lang daw dun sa registration nung event.

Para kasi atang tradisyon na 'yun sa SKU kaya pinaghahandaan din ng school at ng mga estudyante.

Hindi naman ako aware kasi parati akong hindi umaattend ng mga programs na hindi related sa acads.

Pero kung alam ko lang na half day lang pala ngayon, hindi na sana ako pumasok. Sayang naman 'tong effort ko para pumasok. Hays.

Pinagmasdan ko lang naman 'yung area kung san nag reregister.

At ang daming nakapila.

Nalaman ko rin na meron pa pala 'yon na parang pre-elimination chever.

Pero anyway, mag-isa naman ako ngayon kasi busy si Bianca makipag sapalaran at pumila doon.

"Sasali ka?"

Napalingon ako sa kumausap sa'kin at nakita kong tumabi sa'kin si Gian.

"Hindi," maikling sagot ko.

Tumango lang naman siya.

Kung alam kong andito 'to, dapat pala sinamahan ko na lang si Bianca. Ang awkward eh.

"Di pa pala ako nagbrebreakfast," sabi ko ng mahina at dali-daling umalis sa tabi niya.

Pumunta agad akong cafeteria at binili 'yung Breakfast Set A dahil gutom na rin naman ako.

Pagkaupo ko naman ay agad kong kinain 'yun.

<NOW PLAYING: K.Will - Say it! What are you doing?>

"Oi, congrats."

Tumigil naman ako sa pag kain at lumingon kung san nanggaling 'yung boses nung nagsalita.

Nakita ko lang si Gosu at tinitigan ko lang siya.

"Congrats," ulit niya sabay abot ng kamay niya.

Tiningnan ko lang 'yung kamay niya.

Para saan naman kaya?

"Just do it," sabi ni Gosu habang nakalahad pa rin yung palad niya.

Is this a prank? May glue ba sa kamay niya or something?

Limang minuto na ata ang nakakalipas ay nakalahad pa rin 'yung kamay niya. Pinagtitinginan na nga kami dito kaya inabot ko na lang 'yung kamay ko at nakipag shake hands sa kanya kahit hindi ko alam kung anong meron.

Pagkatapos kong kamayan siya, nilagay niya yung kamay niya sa bulsa.

Tinuloy ko na lang ulit 'yung pagkain ko.

Pagtingin ko ulit sa kanya, napansin kong naglalakad siya na may kasamang malalaking hakbang at tumatalon. Nakangiti rin siya na parang asu.

What a weird guy.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon