11.6 [T] (2)

5.4K 124 4
                                    

Charice POV

"Hindi nga, Cha?" tanong ni Bianca. "Kelan pa?"

Kinuha ko naman ang phone ko at inabot sa kanya.

Napanganga't napatakip siya ng bibig sa nabasa niya.

"Nung nasa ospital ako?" tanong pa niya kaya kinuha ko ang phone ko mula sa kanya.

Umupo naman ako sa may kama niya at kinalong ang aso niyang ibinili sa kanya nung kinakasama ng mama niya.

"Hindi ko ata talaga siya mahal."

Tumahol naman 'yung aso kaya hinaplos ni Bianca ang balahibo nito.

"Anong breed nito?" tanong ko para maiba ang topic tutal siya din naman ang nagbukas ng topic simula nung kumalat sa school 'yung balita.

Hindi tuloy ako nakapasok kanina kasi may mga media na naghihintay sa'kin kasi nabalitaan nila na dun daw pumapasok ang girlfriend niya.

Hindi na lang din pumasok si Bianca para samahan ako.

"Pomeranian daw," sagot niya.

"Ayaw mo sa corgi?" tanong ko pero hindi naman siya sumagot at tiningnan lang ako.

Bigla namang umalis sa'kin 'yung aso kaya hinabol ito ni Bianca.

Napatingin naman ako sa orasan at nakita kong malapit na mag 9 PM.

"Uuwi na ko," paalam ko kay Bianca kaya napatingin din siya sa orasan.

Nagpaalam na rin naman ako sa mama niya.

Pagkauwi ko naman, nakita ko si mama na nagbabalot ng maleta.

"May tanim-bala pa ba?" tanong ko tutal hindi niya napansing nakauwi na ako.

Napatingin naman siya agad sa'kin at tinigil ang ginagawa niya.

"Cha!" sabi niya at ngumiti ng konti.

"Parang aalis ka na ah," mahina kong sabi.

Natahimik naman siya at napansin kong hindi siya makatingin sa'kin ng ayos.

"Cha," mahinang tawag niya nung papunta na sana ako sa kwarto ko.

Tumigil naman ako at tiningnan siya.

"Bukas na ang alis ko," tuloy pa niya kaya parang nabingi ang tenga ko.

<NOW PLAYING: Monday Kiz & Punch - Another Day>

Para ding may nagriring sa tenga ko. Tinitinnitus ba ako?

"Ah," sabi ko matapos ang mahaba kong pause. "Talaga?"

Napalunok naman ako at tumingin sa maleta niya para hindi ko matitigan ang mata niya.

"Bon voyage," tuloy ko at pumunta sa kwarto ko.

Agad kong kinuha ang laptop ko at paulit-ulit na pinindot ang power on nito kasi ayaw magbukas.

Napapikit ako ng mata at huminga ng malalim nang maramdaman kong nangangatal ang mga kamay ko.

(Flashback)

"Mama?" tawag ko kay mama nang makauwi ako sa bahay galing school.

Binuksan ko ang pinto at nakita si mama sa loob.

Agad akong pumunta sa may telepono para tawagin si tito.

"Tito," sabi ko na pigil-pigil ang pag-iyak. "May nangyari ulit kay mama! Anong gagawin ko?!"

"Kumalma ka lang, kalma lang," mahinahong sabi niya sa'kin. "Tingnan mo ang pulso niya at hintayin mo ako. Pupunta agad ako d'yan."

Binaba na niya ang tawag kaya napalingon ako kay mama na puno ng dugo ang katawan.

Tumakbo ako sa kanya at gaya ng utos sa'kin ni tito ay pinaramdaman ko ang pulso niya.

Mahina ang pulso niya pero nakita kong humihinga pa siya pero kakaiba ang paghinga niya. Napansin ko ring parang asul ang labi niya at ang mga kuko niya.

"Mama, h'wag kang pipikit," sabi ko nang makita kong papikit na siya. "Dadating na si tito..."

"Kasalanan ko..." rinig kong banggit niya na hinang hina. "Kasalanan ko..."

Narinig ko ang ambulansya hanggang sa nadala at tinakbo na siya sa stretcher para dalhin sa emergency room.

Sa sobrang daming ginagawa ng nurses at mga doctor sa mama ko, hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.

Naramdaman ko naman ang paghawak sa'kin ni tito.

"Hindi ako iiwan ni mama di ba?" sabi ko na pinipigilan ang umiyak.

Hindi siya umimik at hinawakan lang ang kamay ko ng mahigpit.

"Sabi mo, pagagalingin mo siya," sabi ko pa. "Di ba, tito?"

Nang makalipas ang maraming oras sa ER, dinala si mama sa ICU ng naka-coma. At matapos ang isang buwan ay nagising din siya.

"Cha, gusto mo bang hindi na magkaganito ang mama mo?" tanong ni tito nang makalabas kami sa kwarto niya dahil tapos na ang oras ng bisita. "Kaso, may kamahalan ito at maaaring mawala ang ilan sa mga alaala niya."

Tiningnan ko si tito na seryoso ang mukha.

"Maaaring ikaw, pwede din niyang makalimutan."

"Hindi niya ko maaalala?" tanong ko.

Tumango siya at tiningnan ko sa bintana ng ICU si mama.

"Mhm," sabi ko at tumango. "Kahit magkano pa 'yan tito... basta hindi siya mawala sa'kin."

(End of flashback)

Nakita kong bumukas na ang laptop ko kaya dali-dali akong naghanap ng playlist na may masasayang kanta.

Nang magsimula nang tumugtog ang kanta ni PSY na I Luv It, naramdaman ko nang nagsisimula nang mamuo ang luha sa mata ko.

Why am I trying so hard to suppress these feelings? Why can't I just let this out?

Napapahid agad ako sa mga mata ko nang makita kong tumatawag si Gosu.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon