3.3 [E]

9.6K 297 11
                                    

Part 3.

Charice POV

Nasa cafeteria kami ngayon kasi break na. Kasama namin ni Bianca sina Prances, Kimberly, Angelli at Layzzah. Sumama kasi sila sa'min eh.

Tahimik naman kaming kumakain nang may marinig kaming sigaw ng isang babae, "ANG THE FIVE KINGS, DARATING!"

Eto na naman.

So gaya ng dati, mabilisang nag makeup ang mga kababaihan. Dito ka talaga makakapag survey kung ano ang pinakasikat na liptint.

"Ba't ba kayo nagpapaganda d'yan sa mga Five Kings na 'yan? Di rin naman kayo mapapansin ng mga 'yun eh," rinig kong himutok ni Angelli.

Tama ka d'yan Angelli. Pwede bang pakilakasan para marinig ng nasa hulihan?

"Ang fangirl nga napapansin, tayo pa bang kaklase?" palaban na sagot naman ni Kimberly.

Nagdiretso naman sila sa pabilisan nilang pagpapaganda.

"Sino nga pala gusto niyo sa kanila?" biglang tanong ni Layzzah.

"Akin si Ji," mabilis na pag aangkin ni Bianca.

"Ano ka, akin kaya si Ji!" pag aagaw naman ni Kimberly.

Nag padamihan naman sila ng alam tungkol kay Ji kaya kumain na lang ako.

"Bahala kayo d'yang dalawa. Basta akin si Gian," singit naman ni Prances.

Tumingin naman silang tatlo kay Angelli.

"Wala ako," agad na sabi ni Angelli bago pa sila nakapagtanong.

"Madaya 'to! Di pwede 'yun!" sabi naman ni Kimberly.

"Oo nga! Sino na lang gwapo, sa tingin mo?" tanong ng usiserang si Bianca.

Nag isip naman si Angelli, "Siguro si... Jun Su?"

"Yihhhhhhhhhhh!" panloloko naman nina Layzzah, Prances, Kimberly at Bianca.

"Ingay niyo!" namumulang sabi ni Angelli.

Nagtatawanan sila habang kinkwento nila ang kilig moments nila with their crushes. Ako naman, eto, diretso na lang sa pagkain; mabubusog pa ako.

"Teka, parang walang may gusto kay Yoon Jae," puna ni Kimberly.

"Tahimik kasi," sabi naman ni Layzzah.

"Pogi naman siya ng slight," sabi ni Kimberly. "Pero imposibleng walang may gusto kay Gosu sa'tin?"

"Mahirap kase," sagot naman ni Bianca. "Para kasing taken na 'yon. Kahit landiin mo, di ka papansinin kung hindi ikaw ang first love niya."

"Eh teka, wala pa sinasabi si Cha ah," puna ni Kimberly kaya nagtinginan sila sa'kin.

"Hah? H'wag niyo na siya tanungin," nag aalalang sabi ni Bianca. "Wala 'yan interes sa ganyan."

"Ano ka ba, tsundere kasi si Cha," natatawang sabi ni Prances kaya napatigil naman ako sa pagkain ko at sinamaan siya ng tingin.

"Joke," agad na sabi ni Prances at uminom ng maraming tubig.

"Pero, hindi nga Cha!" nakabungisngis na sabi ni Layzzah. "Sino crush mo sa kanilang lima?"

"Hindi ako interesado," sagot ko.

"Madaya din 'to! Pinaka-gwapo na lang!" sabi naman ni Prances sabay inom ulit ng maraming tubig.

"Wag ka nang mahiya, atin atin lang naman 'to eh," sabi pa ni Layzzah.

"Oo nga, saka di naman meaning ng gwapo para sa'yo eh crush mo agad," paliwanag pa ni Kimberly.

"Wala," sagot ko.

Sumimangot sila.

"Yung ano na lang; 'yung taong napapatingin ka sa kanya pag nadating sila. Yung tipo bang hindi mo maialis yung mata mo sa kanya," pagpupumilit pa rin ni Kimberly.

Tahimik lang naman si Bianca sa tabi ko. Siguro di alam kung kelan patitigilin yung tatlo sa pangungulit sa'kin.

Pero sabagay, sa sinabi nila, iisa lang naman yung taong pumasok sa utak ko eh.

Masabi na lang. Baka akalain pa nilang interesado ako sa mga babae.

"NASA HALLWAY NA SILA!" anunsyo nung babae kanina na sumigaw.

"Dali, sinoooo?" pangungulit ni Layzzah.

Napatingin lang ako kay Bianca saka sa kanilang apat na nag aabang ng sagot ko.

Napatingin ako sa kanila at nag-isip.

"Siguro si Gosu?" sagot ko at nag act pa na parang no choice ako.

May paghampas pa sa'kin si Bianca na agad naman niyang tinigilan nang tingnan ko siya ng masama.

Mag yi-yihhhhh na naman sana sila kaso bumukas na yung pinto kaya dali dali silang nag ayos ng pwesto.

<NOW PLAYING: BTS - Boy In Luv>

Nakita ko naman 'yung limang mga gagu at hindi sila pumunta dun sa may counter para bumili.

Parang namang nakatingin 'yung Ji sa aming table.

Napansin ko ring nakatingin 'yung Jun Su pati na rin 'yung Yoon Jae.

Yung Gosu naman, nakapwesto sa gitna nilang apat at nakapamulsa lang habang naglalakad.

Nakatingin siya sa kaliwang direksyon kahit naglalakad siya pauna.

Ano na naman kayang trip ng mga 'to?

Mamaya pa ay nasa tapat na ng table namin silang lima at nasa unahan 'yung Gosu at nasa harapan ko siya.

Napansin ko 'yung pagtawa ng bahagya nung Ji habang nakatingin lang ako sa kanila.

Napatingin tuloy ako kay Gosu na saktong tumingin din sa'kin matapos niyang ayusin 'yung kwelyo niya.

Maya-maya pa ay bigla siyang ngumisi at lumapit ng konti sa may mukha ko.

Ramdam ko naman ang pagkatahimik ng mga tao dito sa cafeteria.

"Ako pala pinaka-gwapo para sa'yo?" nakangising sabi niya.

Tinitigan ko siya at ramdam kong uminit ng konti ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Alam mo ba 'yung pakiramdam na parang na-reveal na crush ko siya?

At no- hindi. Hindi ko naman sinabing crush ko siya 'di ba?

Pinakitaan ko siya ng ano-ang-sinasabi-mo-d'yan look.

Sinagot naman niya yung tingin ko na parang sinasabing wag-ka-na-mag-deny at ngumisi ulit bago pa sila umalis ng cafeteria.

Seriously?

How did he even know?!

May extraordinary hearing ba siya para malaman niya 'yon?

Atsaka, pinaka-gwapo??? Ang feeler talaga 'non! Argh!

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon