6.2 [I]

7.5K 249 7
                                    

Part 2.

Charice POV

"First!" rinig kong tawag ni Jaeki.

Eto na naman sila. May GPS ba sila kaya nila nalalaman kung na'san si Gosu?

Lumapit naman si Jaeki at bumulong pero rinig ko.

"May nakita daw si Jun Su na Charice ang name sa LS area."

"So?" tanong ni Gosu. "Hindi ba sabi ko, di ko na pinapahanap?"

"Pero malaki ang chance—" sabi naman niya.

"Hindi na nga di ba?" inis na sabi ni Gosu.

"확실해 [hwagsilhae]?" tanong ni Yoon Jae.

(Translation: Are you sure?)

Hindi naman nagsalita si Gosu.

"Woah! What's with that death glare?" tanong ni Jaeki sabay taas ng kamay na parang sumusuko.

Sumingit si Ji na natatawa, "Ayaw daw kasi niyang isipin ng kanyang wifey na may ibang babae siya."

"Ang ingay niyo," banggit ni Gosu habang ramdam kong hinihigpitan niya ang hawak sa braso ko.

"Onga pala, loyal 'yan eh, sobra," tatawa-tawa ding sabi ni Jaeki.

Nagpatuloy lang naman ako sa pagkopya. Bahala sila d'yan.

"Go away," utos ni Gosu sa kanila. "You're disturbing us."

Mukhang inaasar siya ng mga 'yun kaya nag gesture siya na parang manununtok kaya nagsialisan na rin sila.

Tuloy tuloy pa rin naman ako sa pagsusulat at hindi tumitigil sa kahit anong dahilan.

Nang matapos ay tiningnan ko muna kung nakopya ko ba lahat at ng tama. Ang gulo kasi ng sulat niya eh.

"Anae," tawag niya pero di ko siya tiningnan kasi nag che-check pa rin ako kung nakopya ko ba ng tama.

"Wifey!" ulit niya kaya napatingin na ako.

"You're the only girl here," sabi pa niya sabay turo sa kanyang esophagus— este sa dibdib pala niya.

"Ha?" tanong ko.

"I'm loyal to you, anae."

Tiningnan ko lang siya.

Wait. Akala niya ba nagseselos ako?

Bago pa ko nakapagsalita para sabihing "Paki ko?", tumunog na 'yung bell.

Tumayo na ko pero hinawakan niya 'yung pulso ko kaya napatingin ako sa kanya.


Daryl's POV

Binitawan ko ang pulso niya at kinuha naman 'yung workbook niya, "Nakopya mo ba lahat?"

Paano ko ba sabihin sa kanya? Na I want to spend more time with her?

"Una na ko," sabi niya kasi kanina pa akong buklat ng buklat sa workbook niya.

Tumingin ako sa relo.

"Okay," sabi ko.

Kinuha ko naman sa librarian 'yung I.D. kong naka-photocopy. Mukha kasing hindi pala niya kinuha 'yung I.D. ko sa bus eh. Nawala tuloy ng tuluyan.

Hindi naman ako nag request ng panibago kasi tinatamad ako.

Habang naglalakad kami, nakita kong may kinuha siya sa bulsa. Pagkita ko, lollipop.

"Gusto mo?" tanong niya sabay bigay ng isa pang lollipop sa'kin.

Hindi naman talaga ako humihingi pero kinuha ko 'yun agad kasi baka bawiin niya eh.

Binuksan ko naman din 'yun kahit na plano ko sanang itago. Nakatingin kasi siya sa'kin na parang inaantay kong kainin.

Strawberry flavor naman 'yung binigay niya na may lasang milk na parang yogurt.

Hindi ko talaga hilig 'yun pero kasi, pareho kaming may kinakain na lollipop. Ang cute namin tingnan hehehehe.

Nung nasa harap na kami ng classroom niya, napatigil siya sa paglalakad at sumilip dun sa bintana o butas nung pinto.

Hindi naman ako naki-silip. Kinuha ko lang saglit 'yung phone ko at pinicture-an 'yung lollipop. Wala lang, souvenir lang hehehehe.

"May teacher na pala, nampyeon," rinig kong sabi niya.

<NOW PLAYING: JYJ - Found You>

HA? Teka, ano daw sabi???

Tinawag niya ba ako ng nampyeon? Pero, walang 'ko'? Joke, ang choosy ko pa.

"Anu 'yun, anae?" tanong ko na nagbabakasakaling ulitin niya.

"Bingi ka?" agad naman niyang sabi.

Napanguso na lang ako.

Teka, hindi ko pa nga pala nasasabi!

Pero ano bang magandang way para yayain siya makipag date sa'kin? Baka tanggihan niya ko kung malalaman o maririnig niya 'yung salitang "date" eh.

Should I just simply ask her if she has anything she wants to buy and I'll accompany her?

Or should I say I wanna take her home and we'll have our date while going home?

O mas better kayang sabihin ko na lang na gusto ko lang kumain after class?

Nakita ko namang bubuksan na niya 'yung pinto kaya nagsalita na ko.

"Date sana tayo mamaya kung ayos la—"

"Ok," mabilis niyang sagot sabay bukas nung pinto at pumasok na.

Nanlaki ang mata ko nang marealize kong nasabi ko 'yung word na di ko planong sabihin pero mas nagulat akong nag "ok" siya agad sa alok ko!!!

Pa-lukso-lukso tuloy akong pumasok ng classroom. Hehehehe! May date kami mamaya!

Kaya simula nung umupo ako, hindi na ako nakapag focus sa klase kasi hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin mamaya.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon