4.8 [Y]

8.2K 244 7
                                    

Part 8.

Daryl's POV

Sinundan ko ng tingin si anae ko. Ba't sa kabilang side siya umupo? Ba't umupo siya malayo sa'kin?

Tumayo ako at lumapit sa kanya, "Anae ko!"

Hindi naman niya ako tiningnan.

"Galit ka?" tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Di," maikling sagot niya at nakatingin pa rin sa court.

"Sure ka?" tanong ko.

Hindi siya umimik kaya tumingin na lang din ako sa court.

Tahimik lang kaming nanunuod ng game.

"Wala pang isang araw," sabi niya habang nakatingin pa rin sa court.

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"May bago ulit," dagdag pa niya.

Tiningnan ko siya ng nagtataka pero nakatingin pa rin siya sa court.

Napaisip tuloy ako ng malalim kung ano ba 'yung sinasabi niya. Napatingin din ako sa paligid kung may kausap siyang iba kasi baka hindi pala ako ang kausap niya.

"Sino ba 'yun?" tanong niya.

"Sino?" tanong ko at tiningnan 'yung tinitingnan niya.

Teka? Mga lalaki na 'yung naglalaro ngayon ah? Interesado ba siya sa isa sa mga 'yon?

"'Yung..." sagot niya na parang nag aalinlangan.

"'Yung...?" tanong ko kasi parang hindi niya itutuloy.

"'Yung kausap mo kanina!" inis na sabi niya.

Tiningnan ko siya at kunot na kunot ang noo niya.

Naalala ko namang kinausap nga pala ako ng seatmate ko.

Pero teka, nagseselos ba siya?

"Seatmate ko 'yun," paglilinaw ko sa kanya. "Si Lindsay."

Tiningnan niya naman ako.

"Sinabi ko lang sa kanya na papasa na rin ng project ko," paliwanag ko.

"Eh bakit sa kanya?" tanong niya.

"Kasi katabi ko siya?" sagot ko.

"Oh, ba't katabi mo siya? tanong pa niya. "Pwede naman si Ji 'yung magpasa."

"Kasi malapit surname niya sa'kin?" sagot ko.

Naghalukipkip lang siya.

"At alam mo name niya ah," mahinang sabi niya.

Napapangiti na lang talaga ako eh.

Nung unang beses ko kasi siyang nakausap— nung kinausap ko siya sa bus; parang ayaw niya ko kausap 'nun eh.

Pero dati ko pa talaga siya crush. Hindi ko nga lang siya malapitan kasi parang ang hirap niya i-approach. Parang ang cold niya kasi sa lahat. Pero ngayon, natutuwa ako pag nagsasabi siya ng ganyan.

Gustong-gusto ko talagang maging kami.

Nilapit ko ng konti ang mukha ko sa kanya, "Pwede naman akong lumipat ng section para sayo."

Tumayo naman siya at umalis sa kinauupuan niya. Sinundan ko naman siya.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon