Chapter 11

5.3K 142 14
                                    

Part 1.

Charice POV

"Uuwi lang ako," paalam ko kay Bianca habang kumakain sila ng mama niya.

Pumayag naman sila at pinaikot pa ang plato bago ako umalis.

Ayoko din kasing magstay ng matagal sa ospital. Pero babalik pa rin ako mamaya para kay Bianca.

"Cha!" tawag sa'kin ni mama nang makita niya ako.

May paghaplos pa siya sa mukha ko na para bang isang linggo akong hindi umuwi.

"San ka pumunta?"

"Ospital," sagot ko at pumasok na sa bahay.

"Bakit?" tanong niya habang abala akong nagliligpit ng gamit pamasok. "Alam mo bang natakot ako? Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko."

Talaga ba?

"Na-ospital si Bianca. Hindi ko dala ang phone ko."

"Anong nangyari kay Bianca?" tanong niya pero hindi ko sinagot dahil dumiretso na ako sa CR para maligo.

Pagkatapos kong suotin ang school uniform, nag scan ako ng notes habang inaantay magcharge ang phone ko.

Chineck ko rin ang phone ko at nakita kong malapit na mag 8 AM.

"Good morning anae," kita ko pang text ni Gosu sa mga notifs sa phone ko.

Tinitigan ko muna 'yon bago ako nagreply.

"Can we meet later?" text ko. "Kahit 5 minutes lang."

"Miss mo ko?" reply naman niya at nagsend pa ng nakangising emoji.

Binitbit ko naman ang bag ko at huminga ng malalim.

"May importante lang akong sasabihin," text ko sa kanya bago ako lumabas ng bahay.

"Cha?" rinig kong tawag ni mama kaya napalingon ako.

Tiningnan ko siya at mukhang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"Naniningil nga pala kumare mo sa'kin ng limang libo," sabi ko na lang tutal ayaw niyang magsalita. "Hindi ka daw niya ma-contact."

Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya dahil nagreply na si Gosu. Bahagya ko lang 'yon tiningnan at pumunta na ng school.

"Absent ba si Bianca?" tanong ni Layzzah habang nagtatago na ng notes sa loob ng bag kasi dumating na ang watcher.

"Mag special exam na lang daw siya," sagot ko at dumiretso na sa unahan para ilagay doon ang bag.

Nagsimula na naman ang exam.

"I can't meet you today," naalala kong reply sa'kin ni Gosu.

Napatigil ako saglit sa pagsasagot.

If I can't meet him today, should I just tell him that thru text?

Napatingin naman ako kay Prances na tumayo para magsubmit ng exam sa watcher.

Dahil 'dun, nagsagot na lang ulit ako.

"Wala akong masagot sa enumeration," bungad naman ni Kimberly nang lumabas na ko mula sa room.

Napatingin sila sa'kin.

"Tara kain muna tayo," yaya ni Layzzah.

"G!" sagot naman agad ni Prances.

Napatingin naman sila sa'kin nung ako na lang ang hindi sumasagot.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon