8.2 [C]

6.4K 188 1
                                    

Part 2.

Daryl's POV.

"Hoy, sa lahat ng picture mo, hindi ka nakangiti!" reklamo ng kapatid kong si Honey na kakauwi lang kagabi galing ibang bansa.

Hindi naman ako sumagot at naghalukipkip lang.

Naiinis kasi ako at ang daming tao.

"Sungit mo tingnan, oh!" sabi pa niya na pinapakita 'yung mga nakuha niyang pictures sa phone niya. "Ang pogi pa naman ng ayos mo ngayon. Sayang."

Nakapanuod kaya siya?

"Sinong hinahanap mo?" tanong niya pa pero tumingin na lang ako sa ibang direksyon nang makita niyang tumitingin ako sa may pinto.

"Rinig ko sa mga babae dito na ang sungit mo daw sa kanila," sabi pa niya.

Natahimik na lang ako kaya hindi na lang din siya nagsalita.

Tiningnan ko naman siya habang nag-ce-cellphone siya.

"Kamusta ka naman 'dun?" tanong ko.

"Ayos naman," nakangiting sagot niya. "Masaya!"

Tiningnan ko siya sa mata at tumingin sa ibang direksyon.

Pumunta pa rin kasi siya sa Paris College of Art kahit pinigilan siya ni appa. Tinake pa rin niya ang Bachelor of Fine Arts in Fashion Design dahil 'yon ang gusto niya talaga.

Sobrang disappointed naman si appa sa ginawa niya kasi siya ang pinagmana niya ng university. The university was his first considered achievement at alam kong he wants my sister to continue his legacy.

"Kinakausap ka na ba nila?" tanong ko.

"Nag-aalala ka ba sa'kin?" tanong niya na parang may halong loko.

Hindi na lang tuloy ako sumagot kaya nag-ayos siya ng upo at tumingin din sa tinitingnan ko.

"Mom has always been supportive," sagot niya. "Siguro nakikita niyang masaya ako sa ginagawa ko."

"Dad, on the other hand," tuloy niya kaya napatingin ako sa kanya. "You know he's an egoistic. Pero alam ko ring maiintindihan niya balang araw."

Natahimik na lang ako.

"I know you've also suffered because of me," sabi pa niya.

"Hindi ah," sabi ko agad. "Idol nga kita eh."

Nakita ko namang may namuong luha sa mga mata niya.

"Pinaglaban mo kasi 'yung gusto mong gawin," tuloy ko pa kaya hinawakan niya ang balikat ko hinaplos-haplos ito.

"Naglalaro ka pa rin ba?" tanong niya.

"Hindi na," sagot ko. "Naglalaro lang ako pag stressed."

"Aww," sabi naman niya. "Stressed ba ang 남동생[namdongsaeng] ko?"

(Translation: Younger sibling)

"Hindi naman masyado," sagot ko para hindi siya mag-alala. "May stress reliever naman ako eh."

Tiningnan niya ako ng nagtataka, "Stress reliever?"

Hinawakan ko naman 'yung suot kong kwintas kaya napatingin siya 'dun.

"당신은 지금 커플입니까? [dangsin-eun jigeum keopeul-ibnikka?]" tanong niya.

(Translation: Kayo na ba?)

"몰라 [molla]," sagot ko.

(Translation: Hindi ko alam)

"[wae]?" tanong niya. "Nililigawan mo ba?"

(Translation: Why?)

"Oo," sagot ko. "Pero hindi niya sinasabing kami na."

Napaisip naman siya 'dun.

"Sure ka bang walang iba 'yan?" tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm just concerned," sabi naman niya.

"아니 (ani)," sabi ko. "She's just not good in expressing herself."

(Translation: No)

"Like you?" sabi niya.

"No, that's way before!" tanggi ko kaya napatawa siya ng konti.

"So how about your first love?" tanong niya. "The one you told me?"

"I believe she's... the angel that God sent to me so I can meet the one," sagot ko.

Napangiti naman siya.

"Binata na nga," sabi pa niya kaya napanguso ako.

Napatingin naman siya sa oras, "Hindi ka pa ba lalabas?"

"Ang daming nakakairitang babae sa labas eh," sagot ko.

"Gosu!" rinig kong tawag ng isang member ng club. "Someone's looking for you."

Tiningnan ko lang siya.

"누구 [nugu]?" tanong ng kapatid ko.

(Translation: Who?)

"His Charice," sagot niya kaya napatayo agad ako at napatingin sa salamin.

Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Honey sa'kin, "Patience is a virtue, namdongsaeng."

"Mhm," sabi ko bago lumabas.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon