2.7 [N]

9.5K 252 3
                                    

Part 7.

Bianca's POV

"May problema ba kayo ni Cha?" tanong ni Angelli. "Laging kayo ang partner 'di ba?"

Pinagpatuloy ko lang ang pagsasagot sa workbook.

Tumahimik na lang din siya at nagsagot din.

"Siguro nga, I was just satisfying my ego," panimula ko kaya napatigil siya sa pagsagot. "Hindi ko siya kilala para magkwento ng buhay niya."

"Sino? Si Cha?" tanong niya.

Tumango ako.

"Never kasi niyang sinabi; never niyang pinakita, never niyang pinarinig... kaya never kong nalaman."

"Nag-away ba kayo kanina?" tanong niya.

"Oo," sagot ko. "At 'yun din ang first time kong narinig 'yung side niya; na never pala akong naging part ng buhay niya kaya pala hindi niya magawang sabihin sa'kin lahat."

Tiningnan ako ni Angelli at nilagay niya ang kamay niya sa likod ko.

"Pinatitigil kita kanina eh," sabi niya. "Pero at least alam mo nang hindi maganda 'yung ginawa mo."

Napaiyak tuloy ako.

Why am I so sensitive today? Dadatnan na ba ako?

Tumingin ako sa bintana para walang makakita sa'kin na umiiyak ako. Patuloy lang naman si Angelli sa paghagod.

"Bakit kasi di siya nagkwekwento?" tanong ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Siguro, ayaw niya lang maging abala sa'yo," panimula niya. "We are all fighting a battle and some are better be untold. Siguro ayaw niya malaman mo kasi feeling niya mababaw 'yon kesa sa mga naranasan mo."

"Pero anong dapat gawin ko? Should I just ask about what really happened?" tanong ko.

"'Wag," agad na sagot niya. "Hintayin mo na siya mismo ang magsabi sa'yo."


Charice POV

"Cha, 'di ba sa may ano ka lang din?" rinig kong sabi nung Prances.

"Sabay ka na sa'min," rinig kong sabi naman nung Layzzah.

"Dun din kami eh," nakangiting sabi naman nung Angelli.

Nakita ko si Bianca na katabi nila at kinakausap si Kimberly at iniiwasan ang tingin ko.

I don't need new friends though?

Tumunog naman yung phone ko kaya kinuha ko 'yun.

Pagtingin ko, text lang ng balance inquiry na sinasabing paubos na daw ang unlitxt ko.

Napatingin naman ulit ako sa kanila pero imbes na si Bianca ang nakita ko, nakita ko 'yung Jun Su.

Naalala ko tuloy na may pupuntahan nga pala ako.

"Susunduin daw pala ako ni mama," pagsisinungaling ko habang hawak pa rin ang phone ko.

"Ah, sige sige. Una na kami ah," sabi nila atsaka umalis na.

Nakita ko pa ngang tumingin sa'kin si Bianca na parang nagtataka kung kelan kami naging close ni mama.

Nang makalayo na sila, bumalik ako sa classroom kasi hindi ko alam kung san ba ang kitaan.

"I really hate that transferee girl!"

"I know right? Ang arte niya! Feeling niya kung sino na siya dahil lang sa dinadate siya ni Gosu!"

"No no no, di sila nagdadate. For your information, Hinahatid lang no!"

"Kaya nga, pero kung maka arte akala mo sila na agad!"

Si Maria ba pinag uusapan nila?

Grabi, dami agad niyang haters?

Kaya mas magandang magpaka-lowkey eh.

Tumigil naman sila sa pagtsitsismisan nang makita nila ako. Dali-dali din silang lumabas ng room.

So, wait... Hindi naman siguro ako ang pinag uusapan nila 'no? Hindi naman ako transferee...

Pero ba't sila umalis?

At dahil ako na lang mag-isa sa room, nag muni-muni na lang muna ako.

First of all, mukhang friendship over na ata kami ni Bianca. To think na broken hearted(?) din siya kanina... Siguro nga, mali na naglabas ako ng saloobin sa kanya.

Tapos, sinabihan ko pa siya ng masasakit na salita. Sabi nga nila, h'wag kang magsalita pag galit ka.

"You don't have the right to share with people about someone's life; most especially when in the first place you're not part of it,"

Siguro nga, I really went overboard with that.

Pano kung mali ang maging interpretation niya 'dun?

Pero what if I'm just being in denial? What if tinatago ko lang at hindi ko talaga matanggap na ang dahilan kung bakit nangyari 'yun ay dahil ko?

Paano kung kasalanan ko nga dahil ako ang paborito ni papa?

"OMG sina Jaeki!!!"

Natigilan ako sa pagmuni-muni nang marinig ko ang sigawan ng ibang kababaihan.

"Na'san, na'san?!"

"Ayun oh, nasa baba!"

Ay, nasa baba pala sila?

"Ayun, sumakay na sila ng motor. Umalis na."

Hah? Tama ba yung narinig ko? Iniwan nila ako?

Akala ko ba mag uusap kami? Nagsinungaling pa ko ah?

At dahil mukhang iniwan na nga ako, lumabas na ko ng room at naglakad patungo sa sakayan ng jeep.

Nakatingin ako sa kawalan nang maramdaman kong may humila sa'kin at pinasok agad ako sa isang van.

Bago pa ako nakapag react ay tinakpan na nila ng panyo ang ilong ko hanggang sa parang nawawalan na nga ako ng malay.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon