10.7 [I]

5K 152 11
                                    

Part 7.

Charice POV

"Cha!" tawag pa niya ulit at kumatok ng kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Hindi ko siya pinagbuksan.

Huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata ko.

Should I go back there?

Para lang hindi siya umalis?

Inalis ko agad ang mga namumuong luha sa mata ko.

No, I can't go back there.

Ayoko.

Pero... ayoko ring...

Huminga ulit ako ng malalim at binuksan ang laptop ko para magpatugtog ng masayang K-pop song. Tumigil naman si mama sa pagkatok sa pinto.

Sinaksak ko rin ang cable ng charger ko sa laptop para makapag charge ang phone ko.

At dahil naka-sleep ang laptop ko pag sinara lang 'yun, nakita ko ang e-mail ni mama na nakabukas pa dito.

"We are truly sorry to inform you that you didn't pass the interview for Staff Nurse in KSA conducted last January 23."

"Thank you for applying! Based on our assessment, your lack of job experience is not qualified for the job."

"Please clearly state your employment gap in your application details."

"Our company is looking for nurses with at least 1 year hospital experience. Thank you, however, for your interest."

Pagtingin ko pa sa Sent niya, lagpas singkwenta ata ang sinendan niya ng application for this year alone. Hindi pa kasama ang inapplyan niya last year.

Pinatay ko na lang tuloy ang laptop ko.

What should I do?

Ayoko munang isipin ang nararamdaman ko ngayon.

Narinig ko namang tumutunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si Gosu.

Inantay ko namang mamatay ng kusa ang call.

Tumawag ulit siya pero hindi ko ulit sinagot.

"Are you sleeping?" kita ko pang text niya.

Tiningnan ko lang naman 'yung notif na 'yon hanggang mamatay ang screen ng phone ko.

Pinatong ko sa may study table ang phone ko.

Napansin ko naman ang isang box sa gilid na may nakasulat na "Happy Birthday Cha! From Bianca."

Huminga muna ako ng malalim habang pinapakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng pakikinig ng tumutugtog ngayon.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera.

Kinuha ko rin ang box na regalo ni Bianca at nagselfie ako kasama 'yon.

"Pinadalhan ako ng gift ni Bianca," text ko pa.

Nagreply naman si Gosu ng maraming puso sa pinadala kong selfie sa kanya.

Nagsend din siya ng selfie na nakangiti.

Napahinga naman ako ng malalim nang malaman kong hindi niya nahalata na pilit lang ang ngiti ko sa selfie na sinend sa kanya.

"Antok na ko," paalam ko pa sa kanya.

"Okay, goodnight! I love you!" reply naman niya kaya tinago ko na ang phone ko.

What should I do?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon