10.8 [A]

5K 142 5
                                    

Part 8.

Her mother's POV

Diyos ko, nasaan na kaya si Cha?

Saan kaya siya pumunta? Bakit hindi siya sumasagot sa tawag ko?

Lumayas ba siya sa bahay dahil sa nalaman niya?

(Flashback)

"Have you submitted the result of your medical, Maricel?"

"Yes Sir," sagot ko. "I have submitted all of the requirements since a month ago."

"That's good, Maricel. It is very likely that you can arrive here before this week ends."

"Really, Sir?"

"Yes," sagot niya na may pagtango pa. "I also heard from my wife Leonora that you're coming back with her. She seems very excited to work with you."

(End of flashback)

Napahinga ako ng malalim.

Hindi ko inexpect na ang bilis ng proseso. Hindi ko tuloy nasabi kay Cha na posibleng umalis na ako this week.

Paano ko sasabihin?

Baka isipin niya matagal ko nang plinano ito.

Napaupo na lang ako sa upuan hanggang sa napadpad ang mga mata ko sa graduation picture ko na naka-sabit sa dingding.

(Flashback)

"Ayan na pala ang ating cum laude!" banggit ng kaklase ko nung college na kakauwi lang galing U.S.

"Aba! Maricel!" bati nila. "Kamusta ka na?"

Ngumiti naman ako sa kanila at umupo sa table kung nasaan sila.

Nakita ko rin ang mga lobo na nakalagay na 'Class Reunion' na dinesenyo nila.

"Tamang tama, hindi ba malapit lang ang bahay niyo mula dito?" tanong pa nila kaya napangiti na lang ako. "Mukhang mansyon na siguro 'yun!"

"Naku, tinirhan na 'yun ng kapatid ko," sagot ko sa kanila.

"Sayang naman!" sabi naman nila. "Ano namang minana mo sa kanila?"

"Marami-rami din," sabi ko na lang hanggang sa may dumating na ulit kaya sa kanya napunta ang atensyon.

"Huy!" tawag sa'kin ni Leonora, ang pinaka-best friend ko nung college ako. "Musta na ikaw?"

Tumabi siya agad sa'kin at nakipagkwentuhan.

"May hiring sa'min!" balita pa niya. "Gusto mo ba ipasok kita?"

"Saan ba?" tanong ko.

"Sa Dubai," sagot niya.

"Dubai ka lang, Leonora?" singit naman ng isa kong kaklase. "Ba't hindi ka pa nag Canada para madala mo agad ang pamilya mo dun? Na-petition ko na nga lahat ng anak ko 'don."

Ngumiti si Leonora, "Masaya naman ako sa trabaho ko."

"Ayan na ang chief nurse sa UK!" rinig kong sabi ng kaklase ko kaya napatingin kaming lahat sa pumasok.

"Di ba 'yan ang may gusto sa'yo dati, Maricel!" tukso pa nila sa'kin.

Pinagmasdan ko lang si Hernando na parang mayor kung maglakad.

"Kung siya ang pinakasalan mo, nasa UK ka na rin siguro," bulong pa sa'kin nung isa kong katabi.

Kinuha ko na lang ang juice na nasa mesa at uminom ng konti.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon