Chapter 3

10K 256 4
                                    

Part 1.

Charice POV

"San ka galing?" bungad na tanong ni mama habang binubuksan yung gate. "Sino 'yung naghatid sa'yo?"

Nagsimula na lang akong pumasok ng bahay.

"Lalaki?" tanong niya pa. "Boyfriend mo?"

Hindi ko naman siya pinansin dahil kung anu-ano na lang ang sinasabi niya.

"Naka-Mercedes siya ha!" komento niya pa kaya natigilan ako.

"Anong nangyari sa kapatid mo?!" naalala kong galit na galit na tanong ni mama sa'kin dati. "Iniwan mo sa school?!"

"Mama, may kumuha sa kanya—" sagot ko pero pinalo niya na ako.

"Hinayaan mo lang siyang makuha?!" tanong niya habang patuloy akong pinapalo. "Hindi mo man lang prinotektahan ang kapatid mo?!"

Naramdaman ko tuloy ang sakit ng katawan ko nang pinilit kong makatakas mula sa gustong kumidnap sa'min.

"Anong klaseng kapatid ka? Paano kung may mangyaring masama sa kanya?!" tanong pa niya. "Ba't di ka pa kasi sumama din sa kanila?! Duwag ka ba?!"

"Ma, tama na 'yan," rinig kong sabi ni papa. "Alam ko kung sino ang kumuha sa kanya kaya ako ang magliligtas sa kanya. H'wag mong isisi sa anak natin ang kagagawan ko."

Pinagmasdan ko si papa na lumabas ng bahay. Nakita ko namang tumingin sa'kin si mama.

"Kasalanan mo 'to kung may mangyayari sa kanila," rinig ko pang sabi niya bago siya pumunta sa kwarto niya.

Kasalanan ko?

Bakit? Muntikan na rin naman akong ma-kidnap ah?

Pero bakit ganun? Ni hindi mo man lang ako tinanong kung may nangyari din bang masama sa akin?

Bakit si Bea lang ang tinatanong mo?

Anak mo rin ako, di ba?

"Kumain ka na ba?" rinig kong tanong ni mama kaya napatingin ako ng saglit sa kanya.

Ba't hanggang ngayon, wala ka pa ring pakialam sa'kin?

"Pero manliligaw mo ba—" sabi pa niya pero di ko na siya pinatapos at dumiretso na lang ako sa kwarto at nagsarado ng pinto.


Daryl's POV

"That's a clear rejection, right?" sabi ko to break the silence.

Kanina pa kasing tahimik si Mr. Go habang pinapaandar ang sasakyan eh.

"You can say that, young master," sagot naman niya sa akin.

Natahimik naman ako.

Am I really rejected? Agad???

Pero kung hindi ako kikilos, mauunahan ako!

"But often times, there are some who don't like showing their feelings to people."

Napaisip ako at huminga ng malalim, "You're trying to comfort me, aren't you?"

Hindi naman siya sumagot.


Charice POV

Papasok pa lang ako eh pansin kong nagtatakbuhan na 'yung iba kong kaklase papasok ng school.

Napatingin tuloy ako sa orasan.

Maaga pa naman ata? Hindi pa naman ako late ano?

"Dali! Baka abot pa natin!" rinig kong sabi nung isa.

"Andun pa ba sila?" tanong naman nung kausap niya.

"Ang alam ko," sagot naman niya.

Tiningnan ko lang sila at sinundan ng tingin. Parang sa cafeteria sila pumunta.

Well, as if I care.

Dumiretso na lang ako paakyat ng hagdan nang hilahin ako ng hindi ko kilalang babae.

"Tara, tingnan natin nangyayari sa cafeteria!" yaya pa niya.

Papakitaan ko pa lang sana siya ng hindi-ako-interesado-sa-tsismis look, pero hindi na niya ako tiningnan at hinila na lang papunta don.

Nandon na ko nang makita niyang iba pala ang nahila niya. Sorry naman siya ng sorry sa'kin.

"Grabi, tingnan mo yung itsura niya!" rinig kong bulong nung isa. "Parang iiyak na nga eh!"

Aalis na sana ako (tutal hindi naman talaga ako tsismosa) nang makita ko si Bianca na nangungulbit ng mga tao sa hindi kalayuan.

Nangsasagap na naman siguro ng tsika.

"I DID THIS- FOR YOU TO NOTICE ME DARYL!" rinig kong sigaw ni Maria Charice habang humihikbi.

Okay, so ano 'tong over-dramatic teleserye scene na 'to?

Nakita ko namang napamulsa lang si Gosu doon na para bang sinasabi na wala siyang pakialam sa sinasabi nito.

"I'VE LIKED YOU FOR YEARS!" dagdag pa ni Maria. "WE'RE CHILDHOOD FRIENDS, REMEMBER?"

Napatawa si Gosu sa sinabi niya.

So, may connection sila?

"YOU WERE LOOKING FOR ME! YOU SAID YOU FELL IN LOVE WITH ME BACK THEN! BUT WHY ARE YOU TREATING ME LIKE THIS?!"

What is happening to the world?

"If you are that person, what is the thing that you gave me?" tanong niya. "The one you said to keep?"

Hindi naman siya nakasagot.

"To tell you the truth, we don't have that kind of relationship. So if I were you, I'd better stop pretending now. You're getting ridiculous."

Lumakas ang bulong bulongan sa cafeteria.

I don't get it though?

Natahimik lang naman si Maria habang umiiyak pa rin. Hinahaplos naman nung Nikka ang likod niya.

"They're busted!" nakangising sabi nung ilan na andon.

Umalis na lang ako don. Hindi kasi ako mahilig manuod ng teleseryes.

"Huy!"

Napatigil ako saglit nang marinig ko ang boses ni Gian.

Not again!

"Natanggap mo text ko?" tanong niya.

Text...? Natulog agad ako kagabi eh?

"Parang hindi," natatawa niyang sabi. "Okay lang. Sabihin ko na lang ng personal."

"Ang alin?" tanong ko.

Ngumiti siya, "Na liligawan kita kahit sa ayaw o sa gusto mo."

"I'd rather you didn't," sabi ko agad nang hindi ko namamalayan.

Nawala tuloy 'yung ngiti niya.

Dahil parang ang bastos pakinggan, dinagdagan ko agad, "If you don't mind."

Umalis na ko nang hindi siya nakapagsalita pa.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon