1.2 [N]

16.7K 395 34
                                    

Part 2.

Charice POV

Napamulat agad ako nang marinig ko ang tilaok ng manok mula sa phone ko. Yon kasi ang alarm ko eh.

At kahit ayaw ko pa, pinilit kong tumayo mula sa higaan. Pasukan na naman kasi at ngayon ang first day.

Napansin ko naman ang salamin kaya napatingin ako 'don.

"You're so cold to people. Why don't you open up?"

Napapikit ako muli nang maalala ang mga komento nila sa'kin nung bata pa ako.

Open up?

Hindi lahat ng mukhang may paki, may pakialam talaga.

Dumiretso naman ako sa CR para maligo at magtoothbrush. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina.

And as usual, "Cha! Morning!" ang bati agad ni mama sa'kin.

And as usual din, tumingin lang ako sa kanya.

Tahimik akong umupo at kumuha ng tinapay at nilagyan 'yon ng pansipit saka nilagay sa toaster.

Napansin ko namang umalis si mama sa kusina at pumasok sa kwarto. Bibigyan na siguro niya ako ng baon.

Tumayo naman ako at lumapit sa may bag ko.

"Cha, baon mo... ingat," sabi at bilin pa ni mama habang bitbit bitbit ko na ang bag ko para pumasok.

Kinuha ko naman yung pera na inaabot niya na hindi tumitingin sa kanya atsaka umalis na.

Sumakay na rin ako ng jeep para makapunta sa school.

"Goodmorning Chaaa~" bungad naman niya kaya tumingin lang ako sa kanya.

Tumawa siya ng pagka-lakas lakas, "K! Ganyan ka naman!" sabi pa niya at tumawa na naman.

"San good morning ko?" tanong niya pa na may pag nguso pa.

Siya nga pala si Bianca, ang maingay at kaisa-isahan kong best friend.

"Kala mo siguro kina-cute mo 'yan?" sabi ko naman in my usual tone of voice.

"Woy, grabi ka!" sabi niya at hinampas ako, gaya ng lagi niyang ginagawa. "Cute naman ako ah?"

Tiningnan ko na lang siya.

"Wait, 'yan ba ang ka-una-unahang beses na nagsalita ka sa araw na 'to?" bida-bida pa niyang sabi.

"Atsaka, nagpapacute ako para mapansin ni crush!" sabi niya sabay tawa na may halong kilig pa ata. "Andun siya oh!"

Hindi ko naman tiningnan 'yung sinasabi niyang crush. Baka mag-ingay na naman siya ng walang tigil tungkol sa crush niya eh.

Pumunta na lang ako dun sa may mga corkboard para malaman kung anong section namin.

"Uy, namissh mo ko?" rinig ko namang tanong niya habang busy ako sa paghahanap ng pangalan ko.

"Sabagay, kelan ka ba naging sweet sa'kin?" dagdag pa niya at ngumuso pa ulit.

"Parang hindi ka laging nasa bahay," sabi ko naman habang hinahanap pa rin ang pangalan ko. "Sawang sawa na nga ako sa mukha mo eh."

Tumawa naman siya ng tumawa.

"Hala! Hindi tayo magkaklase!" balita niya sa'kin habang nakatingin dun sa kabilang corkboard.

What? Talaga?

Tiningnan ko naman agad kung saan siya nakatingin.

13. Gyo, Bianca Joyce
14. Ilao, Prances Romina
15. Mendoza, Charice Eliza
16. Pellosis, Pamela
17. Ryeuk, Jaeki Eun
18. Suhoon, Jun Su Glenn

Tumawa agad siya, "Kinabahan ka vah?!"

Hindi ko naman siya sinagot.

"Pero OMG! Kaklase natin 'yung isa sa mga wafu!"

Ituturo pa niya sa akin kung sino 'yung wafu pero iniwan ko na siya doon para pumunta na sa room namin.

"Baka si wafu 'yon!" kinikilig na sabi sa'kin ni Bianca na nasa likod ko na pala.

"Wafu? Pangit naman ng name," agad namang sabi ko.

"Shunga mo talaga! Wafu is gwapo!" pag-clarify pa niya.

Napa-face palm na lang ako sa isip ko. Hindi pa pala siya nakakamove on sa jeje days niya.

"Wafu? Dapat gagu," mahinang sabi ko.

"Gagu ka d'yan! Kaya ka walang jowa eh, wala ka kasing ka-taste taste!" sabi pa niya sabay nguso. "Ang pogi kaya nila!"

"Hah, nagsalita ang meron," mahinang sabi ko ulit.

Hindi naman niya 'yon narinig kasi hinila na niya ako sa gusto niyang upuan.

"Tara malapit kay wafu!"

Tiningnan ko lang siya.

Seriously? Kelan ba matatapos ang pag wa-wafu niya ng pag wa-wafu?

"Hehehehehe, ayaw mo?" tanong niya. "W-well, maganda pag naging ka-close natin siya para naman—"

"Dun na lang tayo sa medyo gitna," sabi ko naman sa kanya kaya natahimik siya.

"Yes Ma'am," parang pusa niyang sabi.

Tiningnan ko siya ng masama nang sumimangot siya sa suwestyon ko. At dahil ayaw niyang pumayag sa gitna, binitiwan ko kamay niya at ako ang mag-isang pumunta sa gusto kong pwesto. Sumunod naman siya agad sa'kin.

Pagkaupo ko, napansin kong may natutulog na lalaki sa may likod na inuupuan ko.

"Uy!" bulong sa'kin ni Bianca.

Tumingin ako sa kanya.

Ano na naman kayang kailangan niya?

Tinuro naman niya gamit yung labi niya ang likod ko. Napatingin tuloy ako 'don.

"Ayoko ata dito," bulong niya pa.

Napatingin naman ako dun sa lalaking natutulog. Napansin kong pinagbubulungan ata siya ng iba naming kaklase. At hindi gaya nung sinasabing wafu ni Bianca, kakaiba ang bulong na naririnig ko tungkol sa kanya. Mukhang mga natatakot sila.

Ano kayang meron?

Dito ba kami uupo o hindi? Kaso ayoko sa may unahan eh, 'yon na lang kasi ang natitira. Ang bagal kasi ni Bianca.

Aalis na sana kami para umupo sa ibang lugar nang bigla siyang nagising.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon