C h a p t e r 1

2.5K 79 16
                                    

< Shaila Mae Bergonia P.O.V >

Pain can change everything. Kaya niyang pasamain ang mabuti. At kayang palungkutin ang masaya.

Well I'm not like this before. I'm a happy go lucky. Pero lahat ng bagay nagbabago. Dahil nasaktan? Siguro. Maraming beses na nasaktan. Maraming beses na-reject.

Na kahit sarili Kong pamilya ay kinahihiya at dina-down ako. But I don't care anymore. I don't need them. Kaya Kong buhayin ang sarili ko.

Pagtapak ko pa lang sa labas ng school ay maramin na ang nagbubulungan. Ang iba ay tumatabi sa dinadaanan ko. Well, laging ganyan ang scenario dito tuwing nakikita ako. Na akala mo ay ako na ang pinakamasamang tao na iniiwasan nila. But who cares? Wala silang alam.

"Good morning, Shai! Ngumiti ka naman, natatakot na sila sayo, oh!" Bungad sa akin ni Justin na nakangiti. Tinignan ko lang siya ng blangko.

Nagsimula namang nagbulungan ang mga students na nasa paligid namin.

"Paano kaya nagagawa ni Jah 'yun?"

"Oo nga, e. Hindi ba siya natatakot?"

Napairap na lang ako dahil sa mga bulungbulungan nila. Well, hindi yun bulungan dahil naririnig ko.

"Tabi." Walang gana kong sabi sa kanya pero ngumiti lang siya. Hindi ako makapaniwala na nakakangiti siya sa tuwing kaharap ako.

Nang hindi siya umalis sa harap ko ay tinulak ko siya kaya nagbulungan na naman ang mga chismosang mga ka-schoolmates namin. Hindi ko na lang sila pinansin at nilagpasan na lang sila.

"Hoy, sabay tayo mamaya kumain ha?" Habol niya sa akin kaya napatigil ulit ako sa paglalakad at hinarap siya. As usual. Nakangiti na naman.

"Kailan ka ba titigil?" Walang emosyong sabi ko pero nanatili pa rin siyang nakangiti. Unbelievable!

"Hindi ako titigil, kaya masanay ka na." Sagot niya. Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang siya ay nakasunod sa akin na kung ano-anong kalokohan ang sinasabi.

"Alam mo ba kung ano ang kapatid ng mestizo?" Tanong pa niya nung makarating na kami sa room namin.

"Wala akong pake." Sagot ko saka umupo sa upuan ko. Nakita ko naman na nag pout siya kaya mas lalo akong nainis.

"Grabe ka talaga mang basag ng joke!" Sabi pa niya saka umupo sa tabi ko na akala mo natalo sa bingo.

Corny naman kasi ang mga jokes niya. Imbes na matawa ka, maiinis ka pa.

Ilang pambabasag pa ang ginawa ko sa kanya habang hinihintay namin ang lecturer. Buti na lang ay dumating na siya kaya nakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas ay titigil na siya sa kasasabi ng jokes niya na hindi naman nakakatawa. O baka hindi ko lang magawang tumawa? I don't know.

Nung break time na ay nakasunod lang siya sa akin. Minsan nakakasawa na dahil lagi na lang niyang ginugulo ang sana ay tahimik kong buhay.

"Alam mo ngumiti ka naman. Hindi ba nakakatawa ang mga jokes ko? Natatawa naman si mama, ah." Mahabang sabi niya na hindi ko malaman kung ako ba ang kausap o ang sarili niya.

"Hindi ba talaga nakakatawa?" Tanong pa niya saka ako tinignan ako na akala mo ay siya na ang pinaka inosenteng tao sa mundo.

"Hindi." Tipid kong sagot saka nagsimula nang kainin ang binili niyang meryenda namin.

Para naman siyang natakluban ng langit at lupa dahil sa sama ng mukha niya. Napapailing na lang ako dahil sa pagkaisip bata niya.

"Ah!" Sigaw niya na akala mo ay nakaisip siya ng magandang idea. Medyo nagulat pa ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano na naman?" Inis na tanong ko. Actually gusto ko na siyang suntukin dahil sa kadaldalan niya. At ang isa pang nakakainis ay ang ngiti niya na abot tenga.

"Ano ang pinaka mahabang parte ng mukha ng kalabaw?" Tanong niya kaya napairap na lang ako. Here we go again. That corny jokes of Justin is waving again. Well, he's Justin De Dios. Anong aasahan mo sa kanya?

"What?" Walang gana kong tanong. Kahit na alam kong wala namang kwenta ang susunod niyang sasabihin.

"E'di i-LONG. Hahahaha." Sagot niya sabay tawa ng malakas. Tinignan ko lang siya ng blangko kaya tumigil siya sa pagtawa at nag pout na naman. He's cute. Wait, what? No, he's not!

"Masaya ka na?" Tanong ko na lang saka tumayo na at lumabas sa canteen dahil malapit na ang sunod kong klase. Sumunod naman siya na naka pout pa rin. Grrrr!




------

To be continued...

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now