C h a p t e r 13

686 48 29
                                    

Justin's P.O.V

"Hoy, Jah! Ano yung pinost mo sa facebook?" Bungad sa akin ni Sejun pagkarating ko pa lang sa studio.

Okay na ako. Wala na akong lagnat pero ang puso ko masakit.

"Wala." Deretyong sagot ko saka siya nilagpasan. Sinamaan ko naman si Ken ng tingin dahil sa lakas ng tawa niya.

"Anong pakiramdam ng mabalewala, pinuno?" Tawa naman ni Josh na sinundan ni Ken.

"Matagal na akong nabalewala." Sagot niya kaya napatingin si Stell sa kanya. Pati ako ay napatingin rin sa kanya.

"Hala si Yaz!" Biglang sigaw ni Stell kaya agad naman na napatingin si Sejun sa pinto.

"Siraulo." Inis na sabi ni Sejun kay Stell kaya nagtawanan na naman sila. Tsk! Sino si Yaz? Yun ba yung kabaliktaran ng no? (Note: Yes 'yun amputeks😅)

"Nabuang na naman si Justin! Tumatawa mag-isa!" Biglang sigaw ni Josh kaya nawala ang ngiti ko.

"Anong nakakatawa ha!?" Sigaw na tanong ni Sejun kaya napahawak ako sa tenga ko!

"Diba si Yaz yan yung sagot kapag hindi no?" Sagot ko kaya nabatukan ako ni Ken. Siraulo! Ganyan ba nila itrato ang bunso nila?

"Yes yun! May lagnat ka pa ata!" Sabi naman ni Stell. Napailing na lang ako dahil hindi nila naa-appreciate ang mga jokes ko.

"Pwede mong i-share yung nangyari sa inyo ni Shaila kahapon." Biglang basag ni Sejun maya-maya.

Napatingin naman kami kay Josh at Stell na nagtawanan.

"Anong nangyari?" Tanong naman ni Stell at nagkatingin silang tatlo nila Ken at Josh. Si Sejun naman ay napapailing na lang. Anyare?

"Mga buang! Napaka green ng mga pag-iisip niyo! Tinalo na ang earth!" Sigaw sa kanila ni Sejun. Tsk!

Napabuntong hininga ako ng maalala ang nangyari kahapon.

"Alam mo naman siguro ang kalagayan niya, Jah. Hayaan mo na muna siya." Seryosong sabi ni Stell saka tinapik ang balikat ko.

Tama siya.

Mahirap ipilit ang mga bagay na hindi kasya. I love her. Pero siguro hindi ko na lang ipipilit pa ang sarili ko dahil baka mas may masasaktan pa.

---

Ken's P.O.V

Isang lingo na ang nakalipas. Sa isang lingo na 'yun hindi ko na ulit nakita si Shaila at Justin na magkasama.

Masama na kung masama pero gusto ko 'yun. Nahihiya ako dahil masaya pa ako na nahihirapan ngayon si Justin dahil nilalayuan siya ni Shaila. Pero wala, e. 'Yun talaga 'yung nararamdaman ko.

Nandito ako ngayon sa coffee shop na pagmamay-ari niya.

Hindi naman niya ako iniiwasan kaya nakakapunta parin ako dito.

'Yung nagbibigay sa akin ng mga gifts sa kanya parin pinabaabot. And malinaw na sa akin na hindi talaga siya 'yun. Pero masaya parin ako dahil kahit na iniiwasan niya si Jah ay hindi niya ako or kami dinamay 'dun.

"Oh Ken, wala pang pinabibigay si Starlight mo na gift." Sabi nito ng makita niya ako. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Hindi naman kasi 'yun ang pinunta ko dito. Kun'di siya.

Nakikita ko kasi sa mga kilos at sa mga mata niya na nasasaktan siya. At nasasaktan 'din ako 'dun.

"Dumalaw lang at kakamustahin." Sagot ko rito.

"Pasensya na Ken, pero aalis ako ngayon. Sila manang na lang bahala sayo dito. Mauna na ako." Sabi pa nito at dali-daling lumabas ng coffee shop. Wala naman na akong nagawa kun'di ang tanawin na lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Lagi ko 'yun ginagawa. Lagi ko siyang dinadalaw sa coffee shop kapag free time ko. Minsan sa bahay nila.

Lagi niya ring nasasabi sa akin ang mga hinanakit niya. 'Yung tungkol kay Jah. Lahat 'yun sinasabi niya sa akin. Kahit masakit, pinapakinggan ko siya.

Ramdam ko naman kasi na mahal na niya si Jah.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong tanggap ko 'yun. Ang katunayan ay hindi. Hindi ko matanggap na iba ang mahal niya. Pero wala naman akong magagawa 'dun. Maybe balang araw matatanggap ko rin. O baka balang araw matututunan niya rin akong mahalin.

---

Shaila's P.O.V

Isang taon na ang nakakalipas. Sa isang taon na iyon ay ginugol ko ang oras ko sa coffee shop at sa mga ibang bagay.

Nagpapasalamat na lang din ako at sinamahan ako ni Ken sa isang taon na iyon.

Naging okay naman ang lahat. Naging okay na rin ang pakitungo ni mama sa akin.

Naging successful na rin ang SB19. Si Carlene at Justin naman ay naging official loveteam na rin. May project na rin silang ginagawa.

Ang ibang members ganun din. May kanya kanya na silang projects sa showbiz. Nakaka-proud dahil isa ako sa mga tagahanga nila.

Sa isang taon na 'yun ay lagi akong pumupunta sa mga mall shows and concerts nila. Pero hindi nila yun alam. Maliban kay Ken. Ni minsan hindi ako nagpakita sa kanila simula nung nangyari sa bahay nila Justin.

Sa lahat ng concerts nila nandun ako. Lahat ng chismis about sa kanila alam ko. At masaya ako na ganun pa rin si Justin.

"Ate Shai, tulala lang kay Jah?" Biglang sabi ni Stellar na nasa tabi ko. Nandito kasi kami sa isang event kung saan nagpe-perform ang SB19.

Si Stellar 'yung babae na nagpapa abot sa akin ng gift kay Ken. Hanggang ngayon hindi pa siya nagpapakilala. Tsk!

"Manahimik ka nga!" Inis na sabi ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako.

Biglang nagtilian ang mga kababaihan ng biglang lumabas mula backstage si Carlene. Nakatingin lang ako sa kanila ni Justin na magkahawak kamay habang kumakanta sa harap namin.

Parang biglang bumagal ang oras. Parang sila lang dalawa ang nakikita at naririnig ko.

Hindi ko inakala na kasama pala si Carlene sa event na 'to. Ito pala yung sinasabi nila na pasabog. Para akong nasabugan sa pasabog nila ah.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang nagtama ang mga mata namin. Biglang nawala ang ngiti niya. Ang mga mata niya ay punong-puno ng sakit at lungkot.

Naputol ang titigan namin ng biglang hawakan ni Carlene ang mukha niya paharap sa kanya. Nginitian niya si Carlene. Ngiti na dati ay sa akin niya lang pinapakita. Pero ngayon sa iba na.

Nagtilian ang mga tao sa buong paligid. Sobrang ingay. Pero parang wala na akong marinig.

Bakit ganon? Bakit masakit nung parang wala na lang ako sa kanya? Psh! Tanga ko rin, e 'no? Diba yun yung huling sinabi ko sa kanya noon? Na simula sa araw na iyon ay ituturing na namin ang isat-isa na parang hindi magkakilala?

Biglang may luhang pumatak sa mata ko kaya tumalikod na ako. Tinanong pa ako ni Stellar kung saan ako pupunta pero hindi ko na siya pinansin at tuloy tuloy na akong umalis sa lugar na 'yun.








To be continued...

EDITED VERSION!

VOTE, FOLLOW AND COMMENT!

Because Of You | SB19 Justin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon