C h a p t e r 1 8

588 41 0
                                    

Justin's P.O.V

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko dahil sa binalita sa akin ni Stellar. Naaksidente daw si Shaila at nasa hospital siya ngayon. Malala ang kalagayan.

"Jah! Dahan dahan naman, baka pati tayo maaksidente." Sabi ni Josh na nasa tabi ko. Habang ang tatlo ay nasa likod.

"Wala akong pakealam. Gusto ko ng makita siya." Sagot ko na pinipigilang pumatak ang mga luha na kanina pa gustong kumawala.

Nang makarating kami sa hospital ay agad na akong tumakbo sa loob at sumunod naman ang apat sa akin.

Nadatnan ko si Stellar na nakaupo doon sa labas ng Emergency Room. Tumayo siya ng may mukhang pag-aalala ng makita ako.

"K-kumusta siya." Nahihirapang tanong ko.

"C-critical a-ng k-ondisyon niya." Garalgar niyang sagot. Napaupo ako sa tabi ng kinauupuan niya kanina.

Bakit ba 'to nangyayari? Ano bang kasalanan niya?

"Jah..." Hinimas ni Sejun ang likod ko para siguro pagaanin ang pakiramdam ko. Pero si Shaila lang ang makakagawa nun sa ngayon.

Ilang sandali pa lumabas na ang doctor kaya agad kaming lumapit ni Stellar.

"Kayo ba ang pamilya niya?" Tanong niya sa amin. Tumango naman si Stellar bilang sagot. "She's in coma because of the head injury na natamo niya." Patuloy pa nung doctor.

Napatakip naman si Stellar sa bibig niya at agad na napayakap sa akin.

"L-lahat na lang nagiging balakid sa kasiyahan niya. P-pati ba naman ang mundo?" Mapaklang sabi niya.

Inilibot ko ang paligid pero wala ang mga magulang niya dito. Ni hindi man lang pinuntahan? Ganon na ba sila? Wala ba talaga silang pakealam sa kanya?

"Alam na ba ng mga magulang niya?" Tanong ni Stell kaya umalis na sa pagkakayakap sa akin si Stellar.

"H-hindi pa. At wala akong balak sabihin sa kanila. Hahayaan ko na lang na makarating sa kanila ang balita." Malamig na sabi niya saka pumunta na sa kwarto kung nasaan si Shaila.

---

Dalawang araw na ang nakalikipas pero hindi parin siya nagigising.

"Gising na Shai..." bulong ko habang hinihimas ang kamay niya. "Miss na miss na kita." Patuloy ko pa saka pinunasan ang luha na pumatak sa mga mata ko.

Ang sakit. Ang sakit na makita siya na nahihirapan. Kung pwede lang na akuhin ang lahat ng paghihirap na nararanasan niya ngayon ginawa ko na.

"Jah..." napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ken.

Umupo siya sa kabilang side ng hospital bed.

"I-- ahm--"

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko. Para kasing may gumugulo ngayon sa kanya.

"W-wala. Magpahinga ka na muna, ako na ang magbabantay." Sagot niya kaya tumango na lang ako.

Nagpapasalamat ako na nandito sila ngayon dito. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko.

---




To be continued...

EDITED VERSION!

Because Of You | SB19 Justin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon