C h a p t e r 14

655 43 11
                                    

Shaila's P.O.V

Nang makalayo ako sa event ay dun lang ulit ako nakahinga ng maluwag. Ano bang nangyayari? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ba dapat masaya ako kasi masaya na siya kay Carlene?

Napailing ako dahil sa mga iniisip ko.

Naglakad na lang ulit ako hanggang sa makarating ako sa isang park.

Napatawa pa ako ng mapakla ng ma-realize ko na laging sa park ako napapadpad kapag ganitong marami akong iniisip.

Ang kaibahan lang ay, kung noon laging nasa tabi ko si Justin. But now? He's not here.

Wala sa sarili akong naupo sa isang bench at pinagmasdan ang mga taong masaya na naglalakad.

Muntik na akong mahulog sa pagkakaupo ko ng biglang may sumulpot na bata sa harap ko.

Tinignan ko lang siya na nakangiti sa akin. Multo ba 'to?

"May nagpapabigay po." Sabi niya saka inilahad ang isang panyo sa akin. Nagtataka man ay tinanggap ko na lang.

"Kanino galing?" Tanong ko. Bigla naman niyang itinuro ang kinaroroonan nung taong nagbigay ng panyo.

Hindi ko maaninag kung sino pero matangkad na lalaki ang nandoon.

Bigla akong kinabahan. Baka kidnapper! Stalker? Mamamatay tao? Napailing ako at tatanungin na sana ulit ang bata na nagbigay ng panyo pero wala na siya sa harap ko. Muli ko namang tinignan ang lalaki pero wala na rin ito.

What the hell? Baka multo sila?

Napaiktad ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Biglang kinabahan ako kaya agad kong hinawakan ang kamay niya saka ako tumayo at pinilipit ang kamay niya.

"A-aray..." daing niya. Napabitaw naman ako sa kamay niyang makita kung sino ang walang hiya.

"Huwag mo kasi akong gugulatin ng ganyan!" Inis na sabi ko sa kanya pero tinawanan lang ako.

"Bakit ka ba kasi umalis dun sa event?" Tanong niya. Nairap na lang ako dahil ngumisi siya.

"Ano bang pakealam mo?" Sagot ko pero tinawanan lang ako saka umupo.

"Alam mo? Dalawa lang 'yan. Una, may ginawa kang importante dito sa park. Pangalawa, nasasaktan ka dahil kila Justin at Carlene." Mahabang sabi nito.

"None of the above." Sagot ko saka siya tinalikuran. Kapag nag explain pa ako sa kanya hahaba lang ang usapan. Mas mabuti ng tapusin ko na!

"Hoy! Maniwala ka, Shaila! Nasa dalawang yun ang reason! Huwag kang indenial!" Sigaw niya pero hindi ko na pinansin.

---

Kakarating ko lang sa bahay. Agad na akong nag shower at humilata na agad sa kama. Gusto kong bumaba para kumain pero nandun si mama sa sala.

Nagpaikot-ikot lang ako sa kama. Tinakpan ang mukha ng unan. Tumunganga sa kisame.

Hindi ko alam kung ilang oras ako na ganun ang ginagawa. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko na nasa bag ko.

Walang gana akong bumangon sa pagkakahiga at kinuha ang cellphone. Text yun galing kay Stellar. Nakiki-chismis!

Napairap na lang ako nung mabasa ang text niya. Nag-effort pa akong kunin ang taenang cellphone na to tapos ang wala namang kwentang pang-aasar ni Stellar ang matatanggap ko!

Hinagis ko na lang sa tabi ko ang cellphone ko pero ilang sandali lang ay biglang tumunog ito. May tumatawag.

"Hello!" Inis na sagot ko pero walang sumagot kaya tinignan ko kung sino ang tumawag at mapatakip na lang ako sa bibig ko ng makitang unknown ang caller.

"H-hello?" Ulit ko sa mahinahon na tono. Taena, akala ko kasi si Stellar!

"I miss you!"

Sasagot pa sana ako pero agad na niyang pinatay ang tawag. What the? Sino ba 'yun? Prank call?

Sinubukan kong tawagan ang number na yun pero hindi ko ma-contact. What the? Minumulto ata ako ngayong araw na 'to amputeks!

Muntik ko pang matapon ang cellphone na hawak ko ng biglang may kumatok sa pinto.

"Ma'am, Shaila. Kakain na 'daw po kayo." Sabi ni manang pagkabukas ko ng pinto. What the? Anong nangyayare? May himala ba sa araw na 'to at ngayon lang ako yayaing sumabay sa hapunan.

"Busog pa ako, e." Sagot ko kahit na ang totoo ay kanina pa ako nagugutom.

"Ma'am may bisita po kasi kayo sabi ni ma'am Leila kaya dapat ka pong sumabay ngayon sa hapag." Nakayukong sagot niya.

Wala na akong nagawa kun'di ang bumaba. Ang pinagpapasalamat ko na lang ay sa wakas makakakain na ako.

---

Napatigil ako sa tapat ng pinto papasok sa dining area ng makita ang lalakeng pinaka ayaw kong makita.

Anong ginagawa niya dito?

Tinignan ko si mama. Nakatingin siya ng seryoso sa akin.

Gusto kong tumalikod at babalik na lang sa kwarto ko pero parang hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"Shaila, this is Jon Salamero. And his mother Elena." Nakangiti ngunit seryosong sabi ni mama sa akin.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila at dahan-dahang umupo sa tabi ni mama at nasa tapat ko si Jon.

"Bagay talaga sila mare." Biglang sabi nung mama ni Jon kay mama. What the hell?

"Oo nga, mare. Meron silang chemistry." Sagot naman ni mama at nagtawanan sila. Ako naman ay tahimik lang na nakayuko. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari.

Chemistry? Tsk! I hate science!

"Anyways, Shaila anak. Jon is your fiance now." Biglang sabi ni mama kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

Fiance?

"As soon as possible gusto namin na ikasal na kayo." Bigla namang singit nung mama ni Jon.

Tinignan ko si Jon na nasa tapat ko. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Binalik ko kay mama ang tingin ko.

"Walang kasal na magaganap." Malamig na sabi ko saka tumayo. "Excuse me." Patuloy ko saka sila iniwan 'dun.

Kasal? Nagpapatawa ba sila? Ganon ganon na lang 'yun?








To be continued...

EDITED VERSION!

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now