C h a p t e r 3

962 57 4
                                    

< Shaila's P.O.V >

Lunes na naman kaya hindi muna ako pupunta sa coffee shop. May mga maaasahan naman ako 'dun kaya okay lang na wala ako.

Pagkababa ko pa lang sa sala ay ang masama na namang mukha ni mama ang bumungad sa akin.  Ano na naman ba? Araw-araw na lang? Tsk!

"Ano na naman ang nabalitaan ko na nasa coffee shop ka na naman naglalagi? Baka mapabayaan mo na ang pag-aaral mo!" Galit na sabi niya sa akin. Napatawa ako ng mapakla. Ano bang pakealam niya? Ni hindi nga niya alam ang nangyayari sa akin, e. Tapos ganyan na sinasabi niya?

Minsan nakakasawa na. Gusto ko na siyang sagutin, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nanay ko pa rin siya. May respeto pa rin ako kahit papaano.

"Papasok na ako." Malamig na sabi ko saka siya nilagpasan.

Pagkalabas ko ng bahay ay nadatnan ko doon si Justin. Nang mapansin niya ako ay agad siyang lumingon na nakangiti na naman.

Sana balang araw makakangiti rin ako gaya ng pagngiti niya. Pero siguro hindi na iyon mangyayari pa.

Nilagpasan ko lang siya at dumeretyo sa garahe pero pinigilan niya ako. Sasabay na lang daw ako sa kanya. Pumayag na ako dahil baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Wala akong gana.

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ng bigla siyang nagsalita. "Hindi masama magsabi ng problema. Kung gusto mo ang makakausap nandito lang ako." Pagbasag niya sa katahimikan. Nanatili lang akong nakatingin sa daan.

"Huwag mong isipin na wala kang kakampi. Dahil simula ngayon kakampi mo na ako." Patuloy niya.

---

Isang lingo na ang lumipas. Gaya ng sinabi ni Justin ay lagi nga siyang nasa tabi ko. Nasanay na rin ako sa mga jokes niya. But still, hindi ko pa rin siya pinapansin.

Ayaw ko ng magtiwala ulit. Ayaw ko nang maulit ang nangyari noon.

Nagtiwala, pero sinira lang niya.

Nandito ako ngayon sa coffee shop dahil wala akong pasok. Nandito rin siya. Ewan, lagi siyang nakasunod. Hinayaan ko na lang. Nakakasawa na kasi siyang itaboy.

Napatayo ako ng makita ko si mama na nasa pinto. Seryosong nakatingin sa akin.

"Umuwi ka na!" Maotoridad niyang sabi. Nanatili lang akong nakatayo habang blangkong nakatingin sa kanya.

Ano pa bang gusto niya? Nag-aaral ako ng mabuti gaya ng gusto nila. Naging successful ang coffee shop ng wala sila. Ano pa bang kulang para ma-appreciate nila lahat ng effort ko para maipagmalaki nila? Kulang pa ba lahat ng 'to?

"Please lang, huwag dito." Malamig na sabi ko. Nilagpasan ko siya at tinungo na ang pinto. Sinundan niya ako at hinawakan ang braso ko kaya napatigil ako. Hinila niya ako paharap sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong sampalin. Na gaya ng mga customer dito sa coffee shop.

"Wala ka talagang respeto." Gigil na sabi niya. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sakit.

Tinignan ko siya. Blangko. Walang bahid ng anong emosyon.

"Ano bang respeto ang kailangan mo? Ma, ginawa ko lahat ng gusto niyo. Na kahit ayaw kong gawin ginawa ko. Pero na-apreciate niyo ba? Hindi diba? Kasi lahat ng nakikita niyo ay ang pagkakamali ko. Pagod na ako. Pagod na pagod na akong manahimik. Pagod na pagod na akong magpanggap na walang pakealam. Pagod na akong magpanggap na walang nararamdamang sakit." Deretyong sabi ko.

Pinunasan ko ang luha ko na kanina pa bumubuhos. Tinalikuran ko na siya at naglakad sa kung saan man ako dalhin ng paa ko.

Wala akong pakealam kung saan ako mapunta. Basta gusto kong lumayo. Gusto kong mapag-isa. Gusto Kong umiyak!

Nakarating ako sa park ng hindi ko namamalayan. Umupo ako sa isa sa mga bench doon dahil nakaramdam na ako ng pagod. 'Yun na lang siguro ang nararamdaman ko. Ang pagod at sakit.

Patuloy pa rin ako sa pagluha dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sakit na matagal ko ng tinatago. Sakit na matagal ko ng kinikimkim.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak ng may isang kamay na tumapat sa mukha ko. May hawak siyang panyo. Inabot ko yun at pinunasan ang luha ko. Siningahan ko na rin dahil patulo na rin yung sipon ko.

Inangat ko ang tingin sa kanya at iniabot ang panyo niya pero tinawanan lang niya ako.

"Gamitin mo na lang muna." Sabi niya saka siya tumabi sa akin. Ngayon ko lang din na- realize na siningahan ko nga pala.

Maya- maya pa ay bumuti na ang pakiramdam ko. Hindi rin nagtanong ng kahit na ano si Justin. Sinamahan lang niya ako habang umiiyak. Nagpapasalamat na lang ako sa kanya dahil sinamahan niya ako, dahil baka hindi ko na naman alam ang magawa ko.

"Salamat sa pagsama sa akin. Uuwi na ako." Malamig na sabi ko saka tumayo. Tumayo rin siya saka marahang ngumiti.

"Sasabay na ako sayo. Parehas lang naman tayo ng village nakatira."

Pumayag na lang ako dahil hindi ko na magawang magsalita. Gusto ko na lang magpahinga. Ayaw ko naman na umuwi pero saan ako pupunta? Wala.

Naglakad lang kami. Mabagal lang din ang lakad namin dahil wala talaga akong gana. Parang naubusan ako ng lakas. Paulit-ulit lang na nag p-playback sa utak ko lahat ng masasakit na salita na binibitawan nila sa akin. Masakit. Bakit ba palagi na lang akong nasasaktan? May nagawa ba ako para parusahan nila ako ng ganito?

Hindi ko namalayan na sa kakaisip ko ay umiiyak na naman pala ako.

Hinarangan ako ni Justin kaya napatigil ako sa paglalakad. Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay wala sa sarili ko siyang niyakap. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang itago pa ang sakit na nararamdaman ko.

"Ilabas mo lang 'yan. Alam kong matagal mo nang gusto ilabas lahat ng sakit. Nandito lang ako sa tabi mo." Patuloy niya habang hinahagod ang likod na mas lalong nagpaiyak sa akin.

Hindi ako showy na tao. Hindi ko pinapakita kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko ipinapakita na mahina ako. Pero ngayon? Gusto kong umiyak. Kahit na alam kong kakaawaan niya ako.

----



To be continued...

SUPPORT MY OTHER SB19 FANFIC STORIES

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now