C h a p t e r 15

646 48 5
                                    

Shaila's P.O.V

Pagkatapos kong mag walk out sa dinner kuno na 'yun ay nagkulong na lang ako sa kwarto ko. Kinakatok na rin ako ni mama pero hindi ko pinapansin.

"Marami akong pagkakamali na nagawa sa'yo. But, Shaila we need them. Kailangan natin sila para sa business natin. I'm sorry for everything, please pumayag kang magpakasal kay Jon." Mahinahon niyang sabi mula sa labas.

Dahil sa sinabi niya ay nagtalukbong na lang ako ng kumot at tahimik na umiyak.

For our business.

Again. Mas pinili nila ang negosyo kesa sa akin. Mas pipiliin nilang makulong ako sa isang tao na hindi ko naman nanaising makasama.

Sinunod ko sila ng ilang taon. Ginawa ko lahat ng gusto nila. Nag take ako ng Business Administration kahit ayaw ko. At ngayon gusto nilang magpakasal ako sa taong hindi ko mahal?

Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay. Hindi pa gising sila mama kaya nakalabas ako ng matiwasay.

Dumeretyo ako sa coffee shop. Nadatnan ko naman doon si Stellar na tumutulong sa pag-aasikaso sa mga customer.

Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin ng nagtataka.

"Anyare sa'yo? Magang-maga yang mata mo. Huwag mong sabihin na iniyakan mo si Justin?" Tanong niya na tinuro pa ang mata ko.

Iniyakan ko si Justin? Wtf? Saan niya nakuha ang mga tanong na 'yun?

"Nasobrahan lang ako ng tulog." Palusot ko pero mukhang hindi niya pinaniwalaan 'yun dahil tinaasan niya ako ng kilay. Wtf? Dati parang napakabait kung makautos sa akin na magpaabot ng regalo kay Ken tapos ngayon susungitan lang ako?

"'Wag ako! Alam kong umiyak ka kagabi! So, bakit?" Tanong niya na makahulugang nakatingin sa akin kaya inirapan ko siya.

"I have a fiance." Deretyong sagot ko.

"WHAT!?" Malakas na sigaw niya kaya ang ilan sa mga customer ay napatingin sa amin.

"Paano nangyari 'yun?" Tanong niya pa. Tumabi na rin siya sa akin. Pag usapang chismis talaga nagiging active siya ano?

"Nalulugi na 'daw ang business nila mama." Sagot ko. Napapalo naman siya sa mesa dahilan para magulat ako.

"At ikaw ang naisip nilang paraan para hindi yun matuloy?" Tanong niya na bakas sa mukha niya ang inis.

"Yeah!" Walang gana kong sagot.

"So, anong plano mo?" Tanong niya. Medyo huminahon na.

"I don't know."

---

Kinahapunan, sa bahay nila Stellar muna ako tumuloy. Ayaw ko muna umuwi sa amin dahil alam kong ang kasal na naman ang pag-uusapan namin nila mama.

"Pasensya na Shai, magulo kasi talaga si ate." Biglang sabi niya pagkapasok namin sa bahay nila.

Hindi ganon kalaki ang bahay nila pero maayos naman. Medyo magulo lang sa loob pero okay lang naman.

"Hindi ayos lang." Sagot ko saka siya nginitian ng tipid.

"Star! Siya ba ang amo mo?" Napalingon kami pareho ni Stellar dun sa babaeng nagsalita. Kagagaling niya sa second floor ng bahay.

"Oo. At tyaka hindi ko lang siya basta amo!" Masamang sagot niya dun sa babae. Malamang ate niya 'to.

"Hi, I'm Kira. Ang magandang kapatid ni Star." Baling niya sa akin saka inilahad ang kamay niya na agad ko namang tinanggap.

"Shaila." Tipid na sagot ko.

"Tama nga tong si Star. Matipid magsalita." Bulong niya pero rinig ko naman. Tsk! "Anyway, tara na nakahanda na 'daw ang hapunan sabi na mader!" Masiglang sabi niya kaya sumunod na kami sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na, siraulo lang talaga 'yan." Bulong sa akin ni Stellar. Napailing na lang ako dahil pareho lang naman silang siraulo. 

---

Justin's P.O.V

May guesting kami ulit ni Carlene. May project kasi ulit kami na gagawin this year.

"So, what is the real score between you and Justin?" Tanong nung host kay Carlene. Tumawa naman ito saka tumingin sa akin.

"We're good friends." Sagot niya. Ngumiti rin ako pero hindi ko alam kung maayos ba o hindi dahil kanina ko pa gustong matapos ang interview na 'to.

"Posible ba na higit pa 'dun ang maging relasyon niyo?" Tanong pa niya. Napatingin ako sa kamay ni Carlene na pumulupot sa braso ko.

"Hindi ko pa po iniisip 'yun sa ngayon. Ang mahalaga po ay ang pagkakaibigan namin." Sagot ko. Naghiyawan naman ang mga fans. Ang iba ay sinasabi na bakit hindi na lang daw kami.

"So, may chance?" Intriga pa nung host kaya mas lalo pang nagsigawan ang mga nanonood.

"Malay natin, diba Jah?" Sagot ni Carlene saka ako tinignan ng nakangiti. Hindi ako sumagot. Ngumiti na lang ako ng pilit sa harap ng fans namin. Ayaw kong magsalita tungkol sa amin ni Carlene. Ayaw kong paasahin ang mga umaasa na magiging kami.

Ilang sandali pa ay natapos na rin sa wakas ang guesting kaya nakahinga na ako ng maayos. Sanay naman na ako sa mga ganong tanong pero hindi ako kumportable  ngayon.

Sa studio ako dumeretyo dahil maaga kami bukas para sa practice kaya dito na kami matutulog.

Nadatnan ko doon si Ken na nakatutok na naman sa cellphone niya at si Josh na nakahiga sa sofa.

"Jah! Nabalitaan mo na ba?" Biglang sabi ni Ken na nanatiling nakatingin sa cellphone niya.

Tinignan ko naman siya ng nagtataka. Nabalitaan ang alin?

"Ano 'yun?" Tanong ko. Ibinaba naman niya ang hawak at tumingin sa akin.

"Si Shaila, ikakasal na 'daw dun sa Jon Salamero. Yung artista sa kabilang channel." Sagot niya.

Dahil sa sinabi niya ay agad na akong tumayo at lumabas ng studio.

Dumeretyo ako sa coffee shop pero wala siya doon. Sabi nung isang staff ay may importante daw siyang pinuntahan.

Pumunta rin ako sa bahay nila pero ang sabi nung kasambahay na nakausap ko ay hindi daw siya umuwi kagabi sa bahay nila.

Nasaan ka ba, Shaila?





To be continued...

EDITED VERSION!

Because Of You | SB19 Justin✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora