C h a p t e r 8

749 51 32
                                    

Shaila's P.O.V

May live questing ngayon ang SB19 sa isang network. Nandito ako ngayon sa bahay dahil medyo masama pa rin ang pakiramdam ko. Kasalukuyan ko silang pinapanood.

Ewan ko ba, simula kasi nung pinarinig sa akin ni Justin yung Tilaluha ay na curious na ako sa grupo nila. Kaya gumawa na rin ako ng fan account. Mas lalo pa akong naadik sa SB19 nung nakasama ko sila.

"So, sino ang mga celebrity crush niyo?" Tanong nung host dahilan para mapairap ako. Ito naman si Justin ay panay ang ngiti na akala mo ay yun na ang last ngingiti siya.

"Ikaw Justin, sino ang celebrity crush mo?" Baling sa kanya nung host. Tsk! Siguro pag nandyan ako baka nasigawan ko na yang host na 'yan. Napaka daming tanong yan pa talaga ang naisip. Nakikichismis lang ganon? Ay ewan!

"Si Carlene San Jose po." Sagot naman niya na nakangiti. Tumayo na ako na napapairap at pinatay yung TV. Nakakawalang gana. Wala man lang trill yung mga tanong nung host.

Note: Sorry kung iba yung name nung celebrity crush ni Jah dito ha? Bitter ako pasensya na. Hahaha.

Dahil wala akong magawa sa bahay naisipan ko na lang na pumunta sa coffee shop. Mas lalo ata akong lalagnatin dito.

Isang oras pa lang ata ako doon ay bigla na lang may mga babae ang nagsisigawan na pumasok sa loob ng coffee shop.

Napairap na lang ako nang makita ang SB19 na dahilan kung bakit nagkakagulo ang mga tao. Pati ang mga nandito kanina sa loob ay nagsitakbuhan na rin para makapag pa picture sa kanila.

Nung matapos na silang pagkaguluhan ay lumapit na si Justin sa kinaroroonan ko. Tinignan ko lang siya ng may pagtataka.

"Gusto ka lang 'daw nila i-congratulate." Sabi niya na akala mo ay nabasa ang nasa isip ko.

Ang iba naman ay lumapit na rin sa amin.

"Oy Shai, pakape ka naman!" Masiglang sabi ni kuya Stell na sinundan naman ni kuya Sejun.

Pinapunta ko na kang sila sa staff area para doon na lang sila para hindi sila pagkaguluhan. Nagpahanda na rin ako sa mga service crew ng makakain nila.

"Nabalitaan namin may sakit ka 'daw, Shai?" Biglang tanong ni Ken kaya lumapit ako sa kanila.

"Ah, oo. Pero okay naman na ako." Sagot ko. Tinignan ko si Justin na masama ang tingin kay Ken. Ano namang problema nito? Tsk!

"Mabuti naman, yung isa kasi diyan ay hindi na nakakatulog ng maayos dahil sa pag-aalala." Singit ni kuya Josh habang nakatingin kay Justin ng nakangisi.

"Apaka daldal talaga." Nakasimangot na sabi ni Justin saka tumayo at lumapit sa akin.

"Shai, huwag mo nga silang kausapin." Sabi niya na parang bata kaya kinunutan ko siya ng kilay. Tsk!

"O.A ka, Jah! Hindi namin aagawin ang kaibigan mo!" Sigaw ni kuya Sejun dahilan para magtawanan silang dalawa ni kuya Stell.

Anong nakakatawa? I don't get it!

---

Natapos na silang kumain habang naghaharutan. Napapailing na lang ako dahil sa kakulitan nila.

Kumukuha pa ako ng stolen shots nila Justin at kuya Josh dahil sa sweetness nila. Parang ang cute nila together. Hahaha.

Yung nararamdaman mo yung kilig pag nakikita mo silang magharutan ganon.

"Hoy, Shai! Anong nginingiti mo dyan!" Nakasimangot na tanong ni Justin.

"Bagay pala kayo ni kuya Josh." Sagot ko saka sila ulit kinunan ng picture. Tinignan naman ako ni kuya Josh ng nakakunot ang noo. Habang si Justin naman ay diring-diri na nakatingin kay kuya Josh. Arte!

"Shai, respeto naman. Nandito ako!" Pabirong sabi ni Ken saka niyakap si Justin. Napailing na lang ulit ako dahil sa kalokohan nila.

May agawan palang nagaganap hahaha.

Nagpaalam muna ako sa kanila sandali dahil marami na ang costumer sa labas. Nagulat lang ako ng may isang babae ang biglang lumapit sa akin.

Maganda siya. Hindi matangkad pero hindi rin naman pandak. Sakto lang.

"Ate, nakakasama mo ang SB19 diba?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot saka siya nginitian ng tipid dahil parang kinakabahan siya.

"P-pwede po pabigay po nito kay Ken?" Sabi niya sabay lahad ng isang paper bag.

"Sure." Sagot ko saka tinanggap ang paper bag. Nagpasalamat naman ito bago umalis sa harap ko.

Tinignan ko lang siya habang papalabas ng coffee shop. Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na lang ulit ako sa staff area.

"Ken, may nagpapabigay." Bungad ko kay Ken na nanonood na naman ng anime. Tsk! Wala yung iba at kung saan sila nagpunta ay hindi ko alam.

Tinignan naman niya at inabot ang inabot Kong paper bag saka ulit itinuon ang tingin sa cellphone niya. Tsk!

"Sino nagbigay?" Tanong niya na nakatingin pa rin sa cellphone niya.

Umupo naman ako sa tapat niya bago sumagot.

"Ewan ko, hindi naman sinabi ang pangalan." Sagot ko na parang walang kwenta ang pinag-uusapan namin.








To be continued...

VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME FOR MORE! THANK YOU😊

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now