C h a p t e r 23

540 45 1
                                    

Shaila's P.O.V

NAKATULALA lang ako sa kisame ng kwarto ko. Iniisip ko 'yung mga sinabi ni Justin kagabi.

Shocks! Umamin naman na siya noon. Pero kasi iba nung kagabi! Nawiwindang pa rin ako.

Flashback

"Shai..." tawag niya sa akin ng makababa ako ng kotse niya. Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay ko dahil inihatid niya ako. Nauna na naming inihatid kanina si Star.

"Bakit?" Tanong ko. Tumikhim naman siya saka umiwas ng tingin sa akin kaya kumunot ang noo ko.

"Uyy! Ano?" Tanong ko nung hindi parin siya nagsalita. "Ang gara naman nito! Ano---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"I love you." Gulat akong napatingin sa kanya ng sabihin niya iyon.

"H-ha?" Yan lang ang lumabas sa bibig ko. Nakita ko ang pagpula ng pisngi niya siguro dahil na realize niya ang sinabi niya.

"Ahm-- alam mo naman na siguro na mahal kita. Hindi lang bilang kaibigan at higit pa 'dun. Hindi ko hinahangad na mahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sayo, ayaw ko lang na itago pa ang nararamdaman ko." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Agad akong napaiwas ng tingin. Ano ba kasing sinasabi niya? Arrrgh!

"M-mauna na ako. Pasok kana, g-good night." Patuloy niya saka tumakbo papunta sa kotse niya.

Naiwan naman akong tulala at hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

End of flashback

Napabangon ako ng biglang tumunog ang cellphone na nasa side table. Si Justin tumatawag! Anong gagawin ko?

Ilang minuto kong tinitigan lang ang tumutunog na cellphone ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko! Grrrr!

Nagulat naman ako ng biglang may kumatok sa pinto at sumilip mula roon si manang. Yung nag-iisang kasama ko dito sa nilipatan kong bahay.

"Ma'am may tao po sa labas. Hinahanap ka po." Sabi niya. Tumayo naman na ako at lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko pa lang ay nakita ko na sa sala ang taong sinasabi ni manang. Pero hindi pa ako sigurado kung sino kaya nagpatuloy na ako sa paglapit sa kanya.

Agad naman itong lumingon sa akin kaya agad akong napatalikod. Tangina? Si Justin pala! Hutek bakit ba hindi sinabi ni manang na si Justin yung bisita? Napaka dungis pa naman ang itsura ko!

Agad akong nagtatakbo sa kwarto ko at nagkanda dapa-dapa pa ako dahil sa sobrang hiya na makita niya ako sa ganong kalagayan.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na pinansin. Hutek! Agad akong pumunta sa CR at naligo. Tangina nakakahiya ka talaga Shaila!

---

Nang matapos na akong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nandun pa rin si Justin pero nakatulog na siya sa couch.

Napahalukipkip akong nakatingin sa kanya. Napapakunot ang noo dahil bigla bigla ay ngumiti na lang siya. Nasiraan na nga ata.

Pero wait... parang nangyari na tin 'to dati, e. Agad ko siyang nilapitan at hinampas. Nagtutulog tulugan lang 'to malamang!

"Aray naman." Reklamo niya saka bumangon sa pagkakahiga ng naka pout. Tsk! Ang kyuttt! Sarap kurutin!

"Bakit ka nandito?" Tanong ko. Umupo na rin ako sa tapat niya. Nakakangalay kayang tumayo duhh!

"Binibisita ka." Sagot niya. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ba 'to busy? Ang alam ko marami siyang projects na ginagawa.

"Hindi ka ba busy ngayon?" Kunot noong tanong ko. Ngumiti naman siya ng alanganin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tumakas lang ako." Sagot niya. Pasaway talaga 'to!

"Tsk! Pasaway ka talaga. Bumalik ka na 'dun!" Sabi ko at tumayo. Tinignan naman niya ako saka nagpout kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Ehhhh, samahan mo ako." Sabi niya na akala mo bata. Tsk! Kailan ba 'to magbabago?

"Fine." Sagot ko inirapan siya. Wala naman kasi akong magawa. At baka mabaliw ako dito kakaisip ng mga bagay-bagay.





---

To be continued...

EDITED VERSION!

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now