C h a p t e r 3 0

681 43 1
                                    

Shaila's P.O.V

Isang lingo na ang nakalipas. Iniiwasan ko rin si Justin dahil naiilang parin ako. Kapag alam kong wala silang schedule hindi na rin ako pumupunta sa coffee shop dahil alam kong pupunta yun dun.

Kaya ngayong araw ay pupunta ako dun dahil alam kong may practice sila dahil next week ay luluwas sila papuntang probinsya para sa concert nila.

Kasalukuyan na akong nasa daan at malapit na ako sa coffee shop. Pagkababa ko pa lang sa kotse ay nakita ko siya sa tapat ng coffee shop. Nakasandal siya sa kotse niya.

Tatakbo na sana ako papasok ng bigla naman siyang lumingon sa gawi ko kaya binilisan ko na ang pagtakbo paloob.

"Shai!" Tawag pa niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. "Shai!" Sabi niya nung mahabol ako kaya napapikit na lang ako.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya kaya humarap na ako sa kanya.

"Ha? Ikaw pala hehe sorry hindi kita nakilala." Pagpapalusot ko pero hindi naman siya naniwala.

"Hindi nakilala? E, tinawag nga kita." Sagot naman nito. Napairap na lang ako dahil hindi ko na alam ang ipapalusot ko.

"Tsk!" Tanging nasabi ko at tuluyan ng pumasok sa loob at sumunod naman ito.

Umupo ako sa may counter na lagi kong pwesto at ito namang lalakeng to ay nasa harap lang at nangalumbaba at nakangiting nakatitig sa akin.

"What?" Inis na tanong ko at sinamaan siya ng tingin. Nakakainis kasi! Ang cute niya!!!

"Ang cute mo magalit hehe." Sagot niya at tumayo na ng tuwid. What the hell? Alam ba niyang aatakihin na ako sa puso dahil sa mga sinasabi niya?

"JUSTIN DE DIOS! UMALIS KA SA HARAP KO NGAYON NA!" Sigaw ko dahil hindi ko na kaya. Nakakalunod yung mga tingin niya.

"Hala! Bakit?" Inosenteng tanong niya kaya mas lalo akong nainis. Bwesit minsan manhid din ang isang 'to!

"HUWAG KANG NGINGITI SA AKIN NG GANYAN!" Sigaw ko pa talaga dahil nakangisi siya! Hayop!

"Ma'am may nang gugulo po ba?" Natatarantang tanong ni manang Nelia, isang service crew dito sa coffee shop.

May ibinulong naman si Justin sa kanya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nagtawanan pa sila kaya hinila ko na si Justin palabas.

"Nakakainis ka!" Bulyaw ko sa kanya nang makalabas kami ng coffee shop. Ginulo naman niya ang buhok kaya tinapik ko ang kamay niya.

"Ang cute cute mo talaga." Gigil pang sabi niya saka pinisil ang pisngi ko dahilan para mamula ako. Bwesit! Napatakip ako ng mukha dahil nakakahiya. Baka isipin pa niya na ano... basta!

"Hoy!" Kinalabit niya ako pero hindi ko siya pinansin. "Hoy po!" Sabi pa niya pero hindi ko parin pinansin. "Ho---"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla akong tumakbo. Tinawag pa niya ako na parang natatawa pero hindi ko na pinansin. TANGINA NIYA!

Sa parking lot ako napadpad kaya dumeretyo na lang ako sa kotse ko at doon nagsisigaw. Nakakainis!

Natigil lang ako ng may kumatok at doon ko nakita si Justin. Shocks! Bunukasan ko ang bintana at sinamaan siya ng tingin pero nakangiti lang siya.







To be continued...

EDITED VERSION!

Follow niyo ako sa IG @alyatin_12 tas usap tayo dun HAHAHAHA. Add niyo rin ako sa FB: Aly A'tin. Thank you!

Because Of You | SB19 Justin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon