C h a p t e r 9

688 52 19
                                    

Shaila's P.O.V

Kakarating lang ang iba sa kung saan man sila pumunta. Simula nung bumalik sila dito sa staff area hindi na matanggal ang masamang tingin ni Justin kay Ken at dun sa paper bag na ibinigay nung babae kanina.

Anong problema niya? Naiinggit ba siya dahil may fan na nagbigay ng gift kay Ken tapos sa kanya ay wala? Isip bata!

At dahil wala akong makausap sa kanila dahil parang may mga sariling mundo, kinuha ko na lang ang cellphone ko at binuksan ang fan account na ginawa ko nung nakaraang lingo.

Napakunot naman ako ng noo ng may nakita akong page na CarTin supporters kuno. CarTin? Carlene and Justin? Wtf?

Kunot noo kong pinatay ang cellphone ko saka ipinatong sa tabi ko na hindi pa rin mawala ang pagtataka. May pa loveteam pang nalalaman. Anak ng tokwa.

Gulat akong napatingin sa kinaroroonan ni Ken ng bigla na lang itong tumawa ng malakas na kahit si kuya Josh na natutulog ay napabangon na rin dahil sa lakas ng pagtawa niya.

"Jah! May loveteam ka na! Hahaha. CarTin! Carlene at Justin. Wow grabe!" Sabi niya na with action pa.

Kumunot naman ang noo ni Justin na tinignan si Ken na kumikindat kindat pa. Ang iba naman ay lumapit na sa kanya at nakichismis na rin.

"CarTin? Ano yun, parang shampoo lang?"

Ang kaninang nakangising si Ken ay biglang kumunot ang noo na kulang na lang ay magkaroon ng question mark sa mukha dahil sa sinabi ni Justin.

Pati rin ang tatlo ay nagtataka rin ang mga mukha na nakatingin kay Justin.

Note: (Yung shampoo na sinasabi sa joke ni Jah ay yung Keratin. Pasensya na hahaha.)

"RIP sa joke ni Justin." Biglang sabi ni kuya Josh na may pa luhod luhod pang nalalaman. Amporkchop!

Ako naman ay napapailing na lang dahil sa mga kalokohan nila. Shampoo? Hindi ko gets taena.

Wait...

Wtf? Wala talagang kwenta mag joke ang isang 'to!

---

"Ate..." muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng may biglang nagsalita.

Nandito kasi ako sa coffee shop ngayon at habang walang customer ay nagbabasa ako ng libro.

Tinignan ko yung tumawag sa akin at napakunot naman ang noo ko nung ma realize na siya yung babae na nagbigay ng regalo kay Ken nung isang araw.

"Sorry po, nagulat ata kita." Nakayukong sabi niya. She's cute. Siguro mas bata lang siya sa akin ng isang taon.

"Ah, hindi naman. Ikaw yung babae na nagbigay ng gift kay Ken, right?" Tanong ko. Tinignan naman niya ako ng alanganin saka tumango.

"P-pwede po bang pakibigay po ulit nito?" Sabi niya sabay abot sa akin yung dalawang paper bag.

"If you want, pwede kitang samahan ngayon sa studio nila para personal mong maibigay yan sa kanya. For sure natutuwa yun." Sagot ko dahilan para tignan niya ako na parang nahihiya.

"N-nahihiya po ako, e."

Kinuha ko na lang ang paper bag. Sabi ko nga nahihiya siya. Pero hindi man lang nahiya na utusan ako ano?

Justin's P.O.V

Katatapos lang ng photoshoot namin. Pumunta lang ako saglit sa CR at pagbalik ko sa dressing room ay magkausap na naman si Ken at Shaila. Meron na namang ibinigay si Shai kay Ken.

Tsk! Bakit niya binibigyan ng gift si Ken tapos ako hindi? Nakaka tampo, ah!

"Uy, may naiinggit." Pang aasar ni Josh kaya sinamaan ko siya ng tingin. Chismoso talaga.

Tumawa lang siya saka lumapit kila Shai at may kung ano-anong sinasabi sa kanila.

"Huwag kang mag-alala, Jah! Bibigyan din kita ng regalo bukas." Tawa ni Sejun. Pati ang iba ay nagtawanan na rin.

Hindi ko makuha. Bakit sila natatawa dun, e hindi naman nakakatawa? Samantalang sa mga jokes ko ay parang wala lang sa kanila? Napaka gulo talaga nila.

"Huwag ka na malungkot bunso. Hindi namin bibilhan si Ken mamaya ng fried chicken." Sigaw naman ni Stell at nagtawanan na naman sila.

"Ha?"

"Ang sabi ko huwag ka na..."

"Hakdog!" Sigaw ko sa kanila at lumabas na ng dressing room. Bahala sila diyan.

Ken's P.O.V

Hindi ako umaasa. Pero kasi yun ang nasa isip ko ngayon. Umaasa na si Shaila na lang 'yung nagbibigay sa akin ng mga gifts.

May mga letters naman dun at nakalagay lang ay yung Starlight. Maybe pangalan niya yun or pen name niya lang? Ewan pero kasi yung isip at puso ko ay umaasa na si Shaila 'yun. Pero mukhang malabo.







To be continued...

EDITED VERSION!

Because Of You | SB19 Justin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon