C h a p t e r 24

551 39 2
                                    


---

Ken's P.O.V

Tulala lang akong nakatingin sa mga kasama ko. Kakarating lang ni Justin kasama niya si Shaila.

Napabuntong hininga na lang ako ng makita silang nagtatawanan. How I wish na ako 'yung kasama niya.

"Iwasan mo 'yan, Ken." Seryosong sabi ni Stell saka umupo sa tapat ko. Tinignan ko naman siya kaya napangisi siya.

"You're in love." Patuloy niya kaya mas lalo akong naguluhan. Pinagsasabi niya? "At kay..." hindi niya tinuloy ang sasabihin bagkus ay tumingin siya sa kinaroroonan nila Shaila at Justin.

"Sinasabi mo?" Kunwaring tanong ko kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin. Malakas talaga ang radar nito.

"Huwag ka ng magkaila. Matagal ko ng napapansin. Nagkukunwari kang masaya, kinililig sa kanila. Pero deep inside you're secret loving her." Sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. Pansin niya pala.

"What should I do?" Tanong ko ng nakayuko. Palihim ko namang tinignan ang kinaroroonan nila. And there I saw how happy she is.

"Forget her. Alam mo naman siguro na gusto siya ni Jah, matagal na." Sagot niya kaya napatango na lang ako.

"Napaka seryoso naman ata ang pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Sejun at tinapik ako.

Napailing naman si Stell at tumayo na. Tinignan pa niya ako kaya napaiwas ako. Bakit pa kasi ako nagkagusto sa kanya? Tsk!

---

Kinahapunan sa isang bar ako dumeretyo. Gusto kong magpakalasing. Gusto kong makalimot.

"Ken?" Napaangat ako ng tingin ng may magsalita sa tabi ko. Hindi ko siya makilala dahil nanlalabo ang paningin ko. Nahihilo na rin ako dahil siguro sa dami ng nainom ko.

"Hey, are you okay?" Tanong niya pero hindi ko na pinansin at tumungga ulit ng alak.

Nagulat naman ako ng bigla niyang agawin ang bote na hawak ko. "Wala ka bang kasama?" Tanong pa niya.

"S-shaila..." mahinang sabi ko saka ko ipinatong ang ulo ko sa mesa. Nahihilo na talaga ako.

"Ha?"

"I- I like you..."

"H-ha?"

"Shaila..."

---






To be continued...

Note: Malapit na ending nito. Napakagulo naman kasi kaya nahihirapan na ako. Hahahahaha. Thank you for reading !!

EDITED VERSION!

Follow niyo ako sa IG @alyatin_12 tas usap tayo dun HAHAHAHA. Add niyo rin ako sa FB: Aly A'tin. Thank you!

Because Of You | SB19 Justin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon