EPILOGUE

884 49 3
                                    

Justin's P.O.V

Nakatayo ako ngayon dito sa harap ng bahay niya. Nakatayo habang tinatanaw sila.

Magkayakap.

Kaya ba nginitian ako ni Ken nung nakaraang lingo? Kaya ba ako iniiwasan ni Shaila?

Umasa ako na ako na. Na sa susunod na magmamahal siya, sa akin na. Pero hindi parin pala.

Hindi ko alam pero naglakad ako palapit sa kanila. Kahit na parang sasabog na ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko.

Ngumiti ako nung makita niya ako. Agad siyang humiwalay kay Ken na agad ding lumingon sa akin.

"J-justin." Mahina niyang banggit sa pangalan ko. I smile. I smile in front of her even though it's f-freaking hurt.

Nang hindi ko na kaya ang sakit ay tumalikod na ako at dahan-dahang naglakad palayo sa kanya.

"Justin!" Tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Baka kapag lumingon ako magiging marupok na naman ako.

"JUSTIN!" Malakas na sigaw niya kaya napatigil ako. Pero nanatiling nakatalikod sa kanya.

Nang hindi siya nagsalita ay magpatuloy na ako sa paglalakad at pumasok na lang ulit sa kotse ko at umalis sa lugar na yun.

---

Simula kanina ay hindi ko pinapansin si Ken. Nandito na kami sa Cagayan for our concert. Buti na lang at hindi na nagtatanong ang tatlo kung bakit hindi kami nag-uusap.

Nagre-ready na kami dahil ilang sandali na lang ay magsisimula na kami. "Oh, kayong dalawa! Mag ready na kayo!" Sigaw sa amin ni kuya Sejun kaya napaayos ako.

Una naming pinerform ang Go Up sunod ang love goes. Nag share din kami ng mga experience namin sa mga supporters namin dito.

Nag share din kami about sa love life namin.

"I love her but she loves som--" hindi ko na natuloy ng biglang may magsalita mula sa audience.

Tinignan ko naman ang mga kasama ko dito sa stage at nakangiti sila. Pati si Ken ay nakangiti rin.

Anong nangyayare?

"I love you, not someone." Paninimula niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Nagsisigawan na rin ang mga tao pero siya lang ang naririnig ko. "Hindi mo kasi ako pinakinggang nung nakaraan. Napaka isip bata mo kasi." Patuloy niya kaya nagtawanan silang lahat.

"Anong nangyayari?" Bulong ko kay kuya Josh na nasa tabi ko.

"Surprise!" Tanging sagot niya. S-surprise? What the..? Alam nila 'to?

"I'm very thankful that you came into my life. Because of you I feel important. I feel love na hindi ko naramdaman sa mga magulang ko. And because of you I believe in love again." Mahabang patuloy niya habang papalapit sa akin. Tinulak pa ako nung apat kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"A-anong ginagawa mo?" Bulong ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya napailing na lang ako.

"'Yan lang ba sasabihin mo?" Tanong niya. Ano ba dapat sasabihin ko?

"T-totoo ba lahat ng sinabi mo?" Pabulong kong tanong.

"O-oo..." sagot niya saka yumuko. Mukhang ngayon niya lang na-realize na maraming nakakita at nakarinig sa mga sinabi niya.

"So? Hindi si Ken ang pini--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.

"Tsk! Ano bang sinasabi mo? E, nag-usap lang naman kami 'nun." Putol niya sa sasabihin ko.

Malapad akong napangiti kaya umiwas siya ng tingin. Hinawakan ko ang mukha niya para pagsalubungin ang mga mata namin.

"Ibig sabihin totoo yung sinabi mo na mahal mo ako?" Nakangiting tanong ko at tumango naman siya.

"O-oo..." mahinang sagot niya.

"Share niyo naman 'yang pinag-uusapan niyo!" Biglang sigaw ni Kuya Stell kaya napatingin kami sa kanya.

Napayuko na lang kami dahil siguro sa hiya. Pero atleast malinaw na. Sa kanya na mismo galing na mahal niya rin ako.

----

Shaila's P.O.V

Matapos ang aminan na 'yun. Naging open na ako sa nararamdaman ko sa kanya. Ipinapakita ko na kung sino talaga ako. Kung paano ako magmahal.

Minsan nagiging masungit parin naman ako sa kanya dahil sa pagkaisip bata niya.

Kung tatanungin niyo ako kung ano ang nararamdaman ko? Masasabi ko na ngayon na masaya ako. Masayang masaya dahil sa wakas nahanap ko na.

Nahanap ko na ang kasiyahan na matagal ng pinagkait sa akin ng mundo. And thanks to him. It's all because of him.

Happiness is a choice. That's true. I choose to become happy with him. Matagal kong itinago ang nararamdaman ko sa kanya. Naging bulag ako. Indenial. At naduwag na aminin sa sarili ko na mahal ko siya. Natatakot kasi ako na baka katulad lang siya nung iba.

But I'm wrong. He's not like them. Iba si Justin De Dios sa kanila.

At sa mga taong nagbigay ng hirap sa akin. Nagpapasalamat din ako dahil kung hindi sa kanila, hindi ko siya makikilala.

Maybe they came into my life para maging daan upang makilala ko ang mga taong magmamahal sa akin.

Sa lahat ng sakit na naramdaman ko. Sa lahat ng up and downs na naranasan ko. Ito na. Ito na ang araw na kasiyahan naman ang mararamdaman ko.

Alam kong, ang saya ay may kapalit na lungkot. But for now, hindi ko na muna 'yon iisipin. Dahil ngayon ay iisipin ko na lang ang maging masaya. Masaya kasama siya.

The End.


Note: Basahin niyo!

End na talaga. Hindi to joke. Hahahaha. I know naman na it's not maganda. Sorry naman mga kapatid.

Ito lang talaga nakayanan ng utak ko. Hahaha. I'm so nahirapan kaya to make this, duh!

Anyways, thank you sa mga nagbasa. Yeiii! Dalawa lang siguro sila, I think? Hahahaha. Hindi ko rin in-expect ang ending nito. Hahahaha. Basta lumabas nalang sa utak ko. Walang plano-plano. Kasi hindi din naman matutuloy gaya ng mga outing ninyo ng mga tropa mo. Hanggang drawing na lang. Hahahaha.

Story Achievements:

•18+k reads and counting
•SB19SpottedxWattpad2020 First Winner

AGAIN THANK YOU SA INYONG LAHAT PAALAM!😘

STELL AJERO [COMPLETED]
KEN SUSON [COMPLET]
SEJUN NASE [COMPLETED]
JOSH CULLEN SANTOS [COMPLETED]

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now