C h a p t e r 5

805 49 7
                                    

Shaila's P.O.V

Kinabukasan, hindi ako pumasok. Wala naman masyadong ginagawa. At isa pa wala ako sa mood. At ayaw kong makita si Justin.

Buong maghapon lang ako sa bahay. Nagpapasalamat na lang ako dahil wala si mama. Kung saan siya pumunta ay hindi ko alam.

Nanuod lang ako maghapon ng kung ano-ano para hindi mabagot. Sumasakit na nga rin ang mata ko dahil sa maghapon na babad sa TV.

Kinagabihan, naisip kong tumambay sa labas ng bahay. Sa tabi ng kalsada. Marami namang street lights kaya okay lang.

Tamang soundtrip lang habang nagb- browse sa facebook. May pa free wi-fi kasi ang kapitbahay namin.

Nagulat na lang ako ng biglang may paa na tumapat sa harap ko kaya napatingin ako kung sino 'yun. Si Justin. Nakangiti na naman.

Tumayo na ako at aalis na lang sana pero pinigilan niya ako kaya napatigil ako.

"Ano, iiwas ka na naman?" Seryoso niyang sabi kaya napaupo na lang ulit ako. Nanatili naman siyang nakatayo at seryosong nakatingin sa akin. Napairap na lang ako dahil 'dun.

"Ano na naman ba ang sasabihin mo? May joke ka na naman ba? Sabihin mo na." Inis na sabi ko kaya tinawanan niya ako saka umupo sa tabi ko.

Baliw ba siya? Anong nakakatawa 'dun? Minsan napapaisip ako kung bakit siya tumatawa kahit na hindi naman nakakatawa. Nababaliw na ata.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko? Isip bata talaga." Bulong ko pero kinalabit niya ako kaya tinignan ko naman siya ng masama.

"Narinig ko 'yun!" Sabi niya na parang bata. Nakakainis!

Hindi na lang ako sumagot dahil nakokonsensya pa rin ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya kahapon. Hindi ko naman kasi 'yun sinasadya.

"Sorry." Mahinang sabi ko. Tinignan naman niya ako ng nagtataka.

"Sorry for what?" Tanong niya. Inirapan ko muna siya bago sumagot. Minsan slow din 'to.

"Sorry sa mga sinabi ko sayo kahapon. You're right. I need a friend to talk with. And yes, mahina ako. Nagpapanggap na matatag kahit na ang totoo ay durog na durog na." Mahinang sabi ko. Lumapit naman siya sa akin saka ako inakbayan.

Para namang kuryente na dumaloy sa buo kong katawan ang pagdampi ng kamay niya sa balikat ko. What was that? May kuryente ba siya sa katawan?

"Don't say sorry. Gaya nga ng sabi ko. Nandito lang ako para samahan ka. Kung may problema ka, just call my name and I'll be there." Sagot niya kaya medyo natawa ako. Kanta yun, e.

"Tumatawa ka na naman?" Turo niya sa akin kaya inirapan ko siya. Bakit ba gulat na gulat siya na tumatawa ako? OA, ah.

"Bat ba gulat na gulat ka?" Inis na tanong ko kaya napaayos siya ng upo at tumikhim bago magsalita.

"Wala lang, masaya lang ako dahil sa wakas ay nagagawa mo na ang tumawa." Sagot niya. Ngumiti lang ako ng tipid bilang sagot. Sana nga, sana nga maging masaya na ulit ako. At sana siya 'yung dahilan 'nun.

"Ibig sabihin, Shai magkaibigan na tayo?" Tanong niya pa na parang batang excited na mabigyan ng pagkain.

"Yeah, yeah." Sagot ko na inirapan siya dahil napaka isip bata talaga. At ilang beses ko bang sinasabi ang word na isip bata?

---

Kinabukasan, nasa tapat pa lang ako ng gate ng school ay bumungad na agad sa harap ko ang nakangiting mukha ni Justin. Napairap na lang ako dahil 'dun. Hindi ba nangangalay ang mukha niya kakangiti?

"Good morning, Shai!" Masiglang sabi niya. Inirapan ko na lang ulit siya at nilagpasan. Pero gaya ng dati ay sumunod na naman siya sa akin.

"Hoy, akala ko ba magkaibigan na tayo?" Tanong niya na akala mo ay sinaktan ko siya ng sobra.

"Ang drama mo, oo nga diba?" Medyo inis na sagot ko. Hinarangan naman niya ako sa dinadaanan ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

Napalunok na lang ako sa sarili kong laway dahil napaka lapit niya sa akin. Bakit ba kinakabahan ako!?

"Talaga? Ayeiiii! Tara na nga!" Sabi niya saka ako hinila. Napahinga na naman ako ng maluwag.

May sakit ata ako ngayong araw. Bigla bigla na lang kasing bumibilis ang tibok ng puso ko.





---

To be continued...

NOTE: Gusto ko lang sabihin na... tae nakalimutan ko.😅

Jan. 7, 2020- Edited:  Anyway 1k reads na!! Yeyy! Arat magpapainom ako😅

Jan. 11  2021: 13.6K na huhu salamat🤧

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now