C h a p t e r 12

667 42 4
                                    

Shaila's P.O.V

"Shaila..."

Gusto kong lingunin siya. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya na nasasaktan siya ngayon dahil sa akin.

Hindi ko kaya na makita siyang mabasag ng dahil lang sa akin.

Gusto kong lumapit. Pero kapag ginawa ko yun mas lalo lang siyang masasaktan. Kasi kahit anong gawin ko. Kahit gustuhin ko. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya.

Masyado na akong basag. Masyado na akong durog. Ayaw ko ng mas lalo pang mabasag. At ayaw kong madamay siya sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Kalimutan mo na ako at kakalimutan na rin kita. Matapos ang araw na 'to ituring na natin ang isat-isa na parang hindi tayo magkakilala." Mahabang sabi ko saka naglakad na palayo sa kanya.

Pagkalabas ng bahay nila napahilamos na lang ako sa mukha ko. Ano bang nagawa ko?

He's important to me. Dahil siya yung kaisa-isang tao na nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Kaya bakit? Bakit ako pa ang minahal niya?

Naglakad lang ako pauwi sa bahay. Sana hindi na lang ako pumayag na pumunta sa kanila. Hindi sana mangyayari 'to.

Malapit na ako ng biglang may humarang sa akin. It was Jon.

Tinignan ko lang siya ng blangko habang siya ay nakatingin sa akin ng seryoso.

Maybe Justin is right. Kung hindi ko lang siya nakilala sana hindi ko siya minahal at hindi ako nasaktan.

Ang mahalin siya ang pinaka pinagsisisihan ko sa buong buhay ko. Ang mahalin siya ay isang pagkakamali!

"Shai..."

"Don't you dare call me Shai. We're not close." Malamig na sabi ko at akmang lalagpasan siya pero hinawakan niya ang braso ko. "And don't you dare touch me!" Patuloy ko kaya agad niyang tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"Let me explain to you everything." Simula niya. Tumawa ako kunwari. Explain what? It's too late to explain!

"I don't want to hear anything about that fucking shit! Tahimik na ang buhay ko. Kaya bakit ka pa nagpakita?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Because I realized that I love you." Sagot niya dahilan para matawa ako. Love?

Love... Funny right? Love doesn't exist, so why do people believe in that? Love is just a word. Mga salita dahilan para utuhin ka ng iba. Para gawin kang tanga.

"Nonsense." Mahinang sabi ko saka siya nilagpasan.

Pumasok na ako sa bahay at dumeretyo sa kwarto ko. Binuksan ang TV. Pero hindi ko rin naintindihan ang mga pinagsasabi ng pinapanood ko dahil sa kalutangan kaya pinatay ko na lang ulit.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at nag online na lang para malibang ang sarili ko.

Justin De Dios
3 minutes ago

I love you. And I really mean it.

2.8k likes | 1.2k comments | 1.2k shares

Ken Suson

Hoy, Jah! Sino yan!😱
Stell Ajero Huwag mo ng alamin. Masasaktan ka lang.

Josh Cullen

Share it mo naman yan, Jah!

A'tin To

Ako talaga ang pinaparinggan niya dyan!

Asawa ko sila

Sige push mo yan teh!

Dahil sa nakita kong status ni Justin ay hinagis ko na lang ulit ang cellphone ko sa mesa buti na lang ay hindi nahulog.

Pabagsak akong nahiga sa kama at tulalang nag-isip ng kung ano-ano. Arrrgh! Wala akong maisip!





To be continued...

EDITED VERSION!

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now