C h a p t e r 7

771 53 21
                                    

Shaila's P.O.V

Mga siraulo pala ang SB19. Si Justin pa nga lang sasakit na ang ulo ko, e. Paano pa kaya kapag silang lima na?

"Hoy!" Muntik na akong mapatalon ng biglang sumulpot si Justin. Sinamaan ko siyang ng tingin ng bigla siyang tumawa. Anong nakakatawa?

"Nakakatawa 'yun? Hayop na 'to." Inis na sabi ko. Bigla namang nagsidatingan ang iba na dahilan para maging parang palengke ang buong paligid.

"Hoy, Jah! Diba may kapatid yung mestizo?" Biglang sigaw ni kuya Josh. Tinignan naman siya si Justin.

"Oo, yung pustiso." Sagot niya kaya napa facepalm yung iba. Ako naman ay kumunot ang noo. Tsk! Wala talagang kwenta mga jokes niya.

"Kayong dalawa, kung pagod kayo pwede na kayong magpahinga. Huwag kayong magkalat ng kung ano-anong jokes na hindi naman nakakatawa." Sermon ni kuya Sejun kila Justin at kuya Josh.

Nagpapalipat lipat na lang ako ng tingin sa kanila dahil hindi ako makakonek sa mga usapan nila. Puro kalokohan, eh.

---

It's my graduation day. Pero mukhang hindi ako makakapunta dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Parang may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa akin. Masakit din ang ulo ko. Bakit ngayon pa ako nilagnat?

Kinapa ko ang cellphone ko nasa side table dahil nag ring ito.

"Hello?" Mahinang sabi ko dahil parang nawalan din ako ng boses. Arrrgh!

"Asan ka?" Tanong niya. Hindi ko nakilala ang boses niya kaya tinignan ko kung sino ang tumawag. Si Justin pala.

"Sa bahay." Tipid na sagot ko. Narinig ko naman na nag 'tsk' siya sa kabilang linya. At kailan pa siya natutong mag ganon?

"Hindi ko ba alam na graduation day natin ngayon?" May inis sa tono ng boses niya. Aba, at naiinis na rin siya ngayon?

"May sakit ako, hindi ako makakapunta. Sige na magpapahinga na ako. Bye!" Dere-deretyong sagot ko at pinatay na ang tawag.

Pinilit kong bumangon pero hindi ko talaga kaya. Gutom na ako takte!

Justin's P.O.V

"May sakit ako, hindi ako makakapunta. Sige na magpapahinga na ako. Bye!" Hindi pa ako nakakasagot ay pinatay na niya agad ang tawag.

Napakunot na lang ako ng noo na tinignan ang screen ng cellphone ko. Mukhang totoo naman ang sinabi niya. Halata sa boses niya na may sakit siya.

Buong araw ay siya lang ang iniisip ko. Baka kasi walang nag-aalaga ngayon sa kanya. Kaya naman nung matapos na ang graduation ceremony ay agad na akong dumeretyo sa kanila.

Nadatnan ko naman ang mama niya na naghahanda ng pagkain. Alam kaya niya na sana ay ngayon ang graduation day ni Shai at hindi nakapunta dahil may sakit?

"Nasa kwarto niya si Shaila. Puntahan mo na lang, hindi pa siya lumalabas simula kaninang umaga." Sabi sa akin ng mama niya ng hindi nakatingin sa akin. Busy siya sa pagluluto.

Nagpaalam na lang ako sa kanya at tinungo ang kwarto niya. Kakatok na sana ako kaso bukas ang pinto kaya dahan-dahan ko na lang itong binuksan at pumasok.

Mahimbing ang tulog niya. Maaliwalas ang mukha na akala mo ay walang sakit na nararamdaman.

Hinihiling ko na sana balang araw ay magiging masaya na siya ulit. Ayaw ko nang makita pa ang Shaila na nahihirapan. Ang Shaila na nakilala ko a few years ago. Yung Shaila na muntik ng tapusin ang lahat.

Simula nung araw na makita ko siya sa gilid ng tulay na tulala. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko gagawin ang ginawa nung lalaki na yun sa kanya.

Kilala ko si Shai bata pa lang kami. Hindi kami magkaibigan o ano man. Masayahin siya, kahit na hindi siya noon tanggap ng mama niya. Ginagawa niya pa rin ang lahat para matanggap siya.

Then Jon came to her life. Mas nakita ko pa ang saya sa mga mata niya dahil sa wakas ay may isang tao na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na matagal niyang hinahanap.

Pero mas gumuho ang mundo niya dahil sa lalaki na yun. Sinaktan niya lang ang babaeng matagal ko ng pinapangarap.

Gusto kong puntahan noon si Jon para suntukin para maiganti ko man lang si Shai, pero wala akong lakas ng loob. Dahil sino ba ako sa buhay niya?

Simula nung araw na yun hindi ko na ulit nakita pa ang masayahing Shaila. Ang nakikita ko na lang ay ang Shaila na laging tulala, cold. Parang walang pakealam sa paligid.

Lahat ginawa ko para maibalik ang dating saya niya. Nagbibitaw ako ng mga jokes sa kanya araw-araw. Pero wala.

Nagulat at napabalik ako sa huwisyo ng gumalaw siya at dahan dahang iminulat ang mga mata.

Nagulat pa siya ng makita ako kaya medyo natawa na naman ako. Magugulatin. Hahaha.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya na mahina lang.

"Aalagaan ka." Sagot ko saka umupo sa gilid ng kama niya. Kumunot naman ang noo niya kaya nginitian ko siya.

"H-ha?" Ang cute niya. (Note: Jah, mas cute ako ano ba! Nagtatampo na ako ah. Hahaha.)

"Uminom ka na ba ng gamot mo? Kumain ka na ba?" Tanong ko. Yumuko naman siya saka umiling. Pasaway talaga.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at tinungo ang pinto.

"San ka pupunta?" Tanong niya kaya nilingon ko siya. Nakatingin na siya sa akin na nakapout.

Shai, huwag kang ganyan! Marupok ako! (Note: Luh? Marupok rin naman yung mga nagbabasa nito. Hahaha.)

"Huwag kang mag pout hahalikan kita pag hindi ako makapag pigil." Bulong ko. Kumunot naman ang noo niya kaya napahawak ako sa bibig ko.

"Ha?" Takang tanong niya kaya ngumiti ako ng pilit. Buti na lang hindi niya narinig?

"Ah, ang sabi ko kukuha lang ng makakain mo at gamot." Sagot ko saka tumakbo palabas ng kwarto niya.

Binatukan ko pa ang sarili ko dahil sa mga naiisip. Paano kung narinig niya? Heyeop, nakakahiya!




To be continued...

Note:  Edited Version!

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now