C h a p t e r 2 8

583 42 2
                                    

Shaila's P.O.V

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung scene sa coffee shop. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na liligawan kunno nila ako sa ayaw at sa gusto ko. (E'di sana all)

Kaya ngayon ay hindi na ako lumabas pa ng bahay ko dahil baka nasa coffee shop na naman sila ngayon para guluhin ako.

Marami na rin ang nagme- message sa akin ng kung ano-ano. Arrrgh!

Ilang beses na ring nagri-ring ang hayeop na cellphone ko. Tawag yun galing sa dalawang lalakeng 'yun!

Napatingin ako sa bintana dito sa kwarto ko ng biglang may nambato. Tsk! Mga bata talaga ngayon. Mga pasaway.

Hindi ko na lang pinansin pero nagsunod-sunod ang pambabato kaya pinuntahan ko na.

Sinilip ko ang labas at wala namang tao. Minumulto na naman ba ako? Napailing na lang ako at tumalikod na pero may sumitsit sa akin kaya biglang nagtayuan ang balahibo ko. Taena!

Hindi ako lumingon dahil baka bigla nalang bubungad sa akin ang isang nakakatakot na nilalang.

"Pst!" Muntik na ako tumakbo ng marinig ko ulit yun pero napakunot ako ng noo nung biglang tumawa yung multo. Taena. Tumatawa yung multo!

"Buang..." bigla niyang sabi kaya napalingon na ako. Taena?

"KEN?" Sigaw ko sa kanya kaya humagalpak pa siya sa tawa. Hayop na 'to. "Anong ginagawa mo dyan!" Sigaw ko pa. Inakyat nya kasi ang bintana na katapat ng kwarto ko. May lahi ata 'tong akyat bahay!

"Hindi kasi pinapansin nung kasambahay mo yung pag doorbell ko." Sagot niya. Napatampal na lang ako sa noo ko. Sinabi ko kasi kila manang na huwag silang magpapasok ng kahit na ano o kahit na sino.

"Bumaba ka nga dyan, mapagkamalan ka pang akyat bahay!" Sigaw ko pa sa kanya.

"Ang gwapo ko namang akyat bahay." Sagot pa niya saka lumundag pababa. Ako naman ay lumabas na ng kwarto ko at lumabas.

---

"'Bat ka napadpad dito?" I asked nung nasa loob na siya ng bahay. Nakaupo na siya ngayon sa sofa dito sa may sala. Habang ako ay nanatiling nakatayo. Feel at home pa ang walang hiya.

"Wala ka sa coffee shop, eh." Tipid na Sagot niya na tinaas pa ang paa sa mesa.

"Wala ka bang sched, today?" Tanong ko pa at umupo na rin. Umayos naman siya ng upo saka ako tinignan at ngumiti ng alanganin saka kinamot ang ulo. May kuto kaya siya?

"Tumakas ako." Sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Para kang si, Jus--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may ma-realize ako. Bumuntong hininga na lang siya kaya tumayo na lang ako. Napakadaldal ko kasi!

"Ah-eh anong gusto mo? Maghahanda ako. Juice? Coffee? Juice with coffee?" Deretyong tanong ko dahil nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan namin.

Tumawa naman siya ng malakas kaya tinignan ko siya ng may pagtataka. "Juice with coffee? Really? Pero huwag ka ng mag-abala pa, aalis na rin naman ako." Sagot niya saka tumayo na rin.

"Ah, o-okay?"

"Sige mauna na ako. Chineck ko lang if you're okay." Sabi pa niya at lumabas na. Sinundan ko na lang siya ng tingin at bumuntong hininga.

I know na na hurt ko siya nung mabanggit ko si Justin. Napaupo ulit ako sa sofa at muling napabuntong hininga.

Ano bang gagawin ko sa kanilang dalawa?

---

Justin's P.O.V

"SHAI!" Malakas na tawag ko sa kanya pero dere-deretyo lang siya sa paglalakad.

Sinundan ko kasi siya dito sa mall. Naka disguise din siya gaya ko dahil for sure marami na ang nakakakilala sa kanya.

"HOY!" Sigaw ko pa sa kanya kaya nilingon na niya ako na nakakunot ang noo. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao dahil para kaming tanga.

"Bakit?" Inis na tanong niya kaya nilapitan ko na siya.

"'Bat ba hindi ka namamansin?" Tanong ko saka siya inakbayan pero tinanggal niya din ang kamay ko na nakapatong sa balikat niya. Tsk!

"Sa ayaw ko, eh." Sagot niya saka ako inismiran.

"Nakakahalata na ako, ah. Si Ken pinapunta mo sa bahay mo, tapos ako hindi." May pagtatampong sabi ko kaya inirapan niya ako. Luh?

"Hindi ko siya pinapunta 'dun. At isa pa, ayaw kong masabunutan ano!" Sagot niya kaya napatawa ako. Ang cute niya kasi.

"Oh? 'Bat ka nakangiti? Bahala ka na nga dyan!" Inis na sabi niya saka ako tinalikuran kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya dahilan para...

P-para... shit!

Shet ka Justin! Para akong naubusan ng hangin sa katawan!

Two seconds lang 'yun. Pero... Shit!






To be continued...

Note: Taena anong nangyare? Hindi ko din alam! Hahahaha. Hoy dun sa nag add sa akin sa facebook noon. Kumusta? Nasakop ko na ba newsfeed mo? Hahahahaha. Ge bye!

Thank you for reading! Muah!

EDITED VERSION!

Follow niyo ako sa IG @alyatin_12 tas usap tayo dun HAHAHAHA. Add niyo rin ako sa FB: Aly A'tin. Thank you!

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now