C h a p t e r 6

785 59 15
                                    

Justin's P.OV

Tapos na ang klase ko ngayong araw kaya dederetyo na ako sa studio para sa practice namin.

Malapit na ako sa gate nang makita ko si Shai na nakaupo sa may puno ng mangga at may binabasang libro.

Naisipan ko na lapitan siya para ayain na samahan ako ngayon sa practice namin. Wala naman na kaming ginagawa masyado ngayon dahil malapit na ang graduation.

"Hoy!" Tawag ko sa pansin niya kaya naihagis niya ang libro sa kung saan. Magugulatin talaga hahahaha. Ang cute niya talaga pag nagugulat.

Note:(Sana all cute pag nagugulat)

"Baliw ka talagang demunyo ka! Paano kung naihampas ko 'tong libro sayo ha? E'di si Ken na ang main visual niyo!" Inis na sabi niya. Tinawanan ko na lang siya dahil sa ka cute'tan niya.

"Grabe ka naman Shai." Sabi ko na nagpapaawa pero pinandilatan niya lang ako ng tingin kaya napa pout ako.

Grabe talaga siya sa akin, kapag iba naman ako nagpapaawa naaawa naman sila ah. Pero bakit sa kanya hindi?

"So ano naman kailangan mo? May joke ka na naman ba?" Tanong niya. Grabe naman, kapag ba lalapit ako sa kanya may joke agad?

"Wala akong joke. Magpapasama lang sana ako sa practice namin." Sabi ko saka alanganing ngumiti. Kumunot naman ang noo niya.

"Bakit kailangan mo pang magpasama, e hindi ka naman na bata. Ay oo nga pala isip bata ka." Sagot niya kaya na pout ulit ako. Ang harsh niya talaga sa akin.

"Sige na. Para makilala mo na ang iba pang member, diba supporter ka namin?" Pagpipilit ko. Ilang sandali siyang natahimik saka umirap.

"Fine." Sagot niya saka inirapan. Bakit ba lagi siyang umiirap kapag masama niya ako?

---

Nandito na kami sa tapat ng studio. Hinila ko na si Shaila dahil kanina pa niya inililibot ang paningin sa kabuuan ng building.

Pagka pasok namin ay nadatnan namin ang apat na may kanya kanyang mundo.

"Oy, Jah! Kailan ka pa natutong mambabae?" Biglang sigaw ni Josh ng mapansin niya kami. Napalingon naman sa amin sina Ken, Sejun at Stell.

Tinignan ko naman si Shai na nakakunot ang noo niya. Sira ulo talaga ang Josh na 'to.

"Hoy, hindi ko siya babae!" Inis na sigaw ko kay kuya Josh.

"Wala talagang galang na bata."

"E'di hoy po."

"So sino siya, Jah?" Nakangiting sabi ni Ken kaya sinamaan ko siya ng tingin. Siraulo!

"Ay oo nga pala. Siya si Shaila. Kapitbahay namin, schoolmate, klasmeyt sa isang subject at..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si kuya Stell.

"Girlfriend mo!? So, siya pala ang---" hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ko na ang bibig niya. Masyadong madaldal.

"Pwede patapusin mo muna ako? Kaibigan ko siya." Inis na sabi ko pero tinawanan lang nila ako kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Ipakilala mo naman kami sa kaibigan mo bunso." Singit ni Sejun at diniinan pa talaga ang word na 'kaibigan'.

"Ah, kilala na niya kayo. Pero sige na nga. Ah Shai, siya si Sejun the hotdog man." Pakilala ko kay Sejun. Sinamaan naman ako ng tingin ni Sejun kaya nagpatuloy na lang ako.

"At siya naman si Stell, ang don ng strawberry farm sa Bagiuo. At ito naman si Ken, ang manok sa manukan. At ito naman si Josh, ang may ari sa ihawan dyan sa kanto." Patuloy ko kaya hinila nila akong apat at binatukan.

"Shaila, bakit mo ba naging kaibigan 'to?" Tanong ni Stell kay Shai. Napapakamot na lang siya sa batok dahil sa kalokohan ng mga kasama ko.

"Ah, aksidente lang?" Hindi siguradong sagot niya sa tanong ni Stell.

Aksidente? Hindi 'yun aksidente! Itinadhana 'yun!






---

To be continued...

Because Of You | SB19 Justin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon