C h a p t e r 26

587 38 4
                                    

Shaila's P.O.V

Lingo ngayon at hindi muna ako pumunta sa coffee shop dahil magsisimba muna ako. Pagkatapos nun ay pumunta ako sa grocery store para bumili ng nga kailangan ko sa bahay.

Nang magawa ko na ang dapat kong gawin ay pumunta na ako sa coffee shop. Nadatnan ko doon si Ken kaya napakunot ang noo ko. Nilingon ko pa ang paligid kung kasama niya ang apat pero mukhang siya lang nandito.

"Ken?" Tawag ko sa atensyon niya kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti lang ito ng tipid saka ako sinenysan na maupo sa tapat niya na siya namang ginawa ko.

"I like you." Biglang sabi niya pagkaupo ko palang. Napatikhim ako dahil sa gulat. Wala man lang preno.

"W-what?" Kabadong tanong ko kahit na narinig ko ang sinabi niya. What the hell. I know naman na jino-joke time niya lang ako.

"You heard it. I like you, Shaila. Pero I know that you like someone." Sagot niya sa tanong ko. Muli akong napatikhim. Parang natuyo ang lalamunan ko.

"B-but, h-how?" Kinakabahan pa ring tanong. Taena hindi naproseso ng utak ko ang mga pinagsasabi niya.

"I like you since we're in high school." Sagot niya. Napakunot naman ang noo ko. P-paano? "We're schoolmates that time. Ako 'yung nag-abot sayo ng panyo nung umiiyak ka sa isang puno." Patuloy niya. Napansin siguro na naguguluhan ako.

Naaala ko na meron ngang nagbigay sa akin ng panyo noon. At ang nakalagay lang sa panyo na yun ay KS. Pero hindi ko kilala kung sino ang nag-abot dahil nakayuko lang ako.

"I-ikaw? I-ikaw rin ba ang nagbigay nung panyo nung matapos ang concert niyo?" Tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot. May nakalagay din kasi na KS ang panyo na 'yun na ipinaabot niya 'dun sa bata na napagkamalan ko pang multo.

"I thought, it was----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil parang hindi yun magandang sabihin iyon sa kanya.

"Justin..." patuloy niya sa sasabihin ko. "Dahil siya 'yung inaasahan mong dadating that time. Pero hindi siya dumating diba? Ako 'yun. Ako yung dumating hindi siya. Hindi si Justin. " Mapakla niya pang sabi.

Bakit? Bakit niya ako nagustuhan? Bakit ako?

Ano ang dapat kong gawin? Meron ba? Ako ba ang sisira sa pagkakaibigan nila ni Jah? Shit!

Napatayo ako ng makita ko si Justin sa likod ni Ken. Nakatayo habang nakatingin sa akin. Nakangiti siya pero alam kong pilit lang 'yun.

"Justin..." mahinang sabi ko sa pangalan niya dahilan para mapalingon si Ken sa kanya.

"M-may bisita ka pala..." sabi niya saka tinignan saglit si Ken na nakayuko na ngayon.

"Ah, m-may pinag-usapan lang kami." Kinakabahang sagot ko. Ewan ko pero kinakabahan ako sa kung ano man ang iniisip niya ngayon. Gusto kong mag explain pero para saan?

"S-sige, baka nakakaabala pa ako sa inyo." Sagot niya saka tumalikod at nagsimula ng maglakad palabas.

Ewan ko pero bigla na lang akong tumakbo at hinabol siya. "Jah!" Sigaw ko sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Bakit?" Tanong niya saka lumingon sa akin. Napalunok ako dahil hindi ko alam ang sasabihin. Bakit ko ba kasi siya hinabol?

"W-wala." Sagot ko saka yumuko. The hell! Shaila, buang ka!

Nakita ko naman na tumalikod na naman siya at naglakad na ng tuluyan palayo. Napabuntong hininga na lang ako na bumalik sa loob ng coffee shop. Pagkarating ko dun ay wala na dun si Ken kaya nakahinga ako ng maluwag.

Ano bang nangyayari? Napakagulo ng plot twist ng buhay ko! Hindi ko kinakaya. Mukhang may galit sa akin si TADHANA!







To be continued...

Note: Malapit na ending nito. Napakagulo naman kasi kaya nahihirapan na ako. Hahahahaha. Thank you for reading !!

EDITED VERSION!

Follow niyo ako sa IG @alyatin_12 tas usap tayo dun HAHAHAHA. Add niyo rin ako sa FB: Aly A'tin. Thank you!

Because Of You | SB19 Justin✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora