C h a p t e r 2 9

601 41 0
                                    

Shaila's P.O.V

Pagkatalikod ko ay agad niya akong hinila dahilan para m-maglapat ang mga labi namin sa isat-isa. It's f-freaking two seconds! Pero parang yun na ang pinakamabagal na segundo sa buong buhay ko!

Dahil sa gulat ko ay natulak ko siya. Kahit siya ay gulat din sa nangyari. W-what the hell?!

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumalikod ako at iniwan siya 'dun. Feeling ko ay nag-akyatan lahat ng dugo ko patungo sa pisngi ko.

Napahawak ako sa dibdib ko ng tumigil ako sa paglalakad. Sobrang lakas ng tibok nito. Kailangan ko na atang magpa Check up dahil hindi na normal ang tibok.

"Shaila?!"

"Ay palakang mukhang paa!" Gulat kong sigaw ng may tumawag sa pangalan ko.

"Grabe ka naman, Shai!" Reklamo niya. Aatakihin naman ako nito.

"Star naman, alam mo namang magugulatin ako!" Inis na sabi ko rito na tinawanan niya lang. Kainis!

"Ano ba kasing nangyari sa'yo at mukhang may humabol sa'yo?" Tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin. Tangina pinaalala pa!

"W-wala, napagod lang." Sagot ko. Tinignan naman niya ako ng may pagdududa kaya inirapan ko siya.

"Nakita ko si Justin kanina, nagkita ba kayo?" May kahulugan niyang tanong. Taena! Malakas talaga ang pakiramdam nito!

"Hindi." Deretyong sagot ko. Pero ang ang bruha ay hindi parin kumbinsido.

"Weh?"

"Bahala ka na nga!" Inis na sabi  ko at tinalikuran na siya pero sinundan parin niya ako. Ngayon na lang nagpakita, puro pang-iinis na naman ang ginagawa! Naku naman!

Nang makauwi ako sa bahay ay yun parin ang nasa isip ko. Tangina naman! Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama ko.

Muntik pa akong mahulog dahil sa kalikutan ko. Napasabunot na lang ako sa buhok ko saka tinakpan ng unan ang mukha doon ko inilabas ang panggigigil ko.

Tangina ank bang nangyayari? Kinikilig ba ako? Nababaliw? Tangina hindi ko alam. Ilang beses din akong bumangon, tumayo tapos hihiga ulit. Tangina nababaliw na nga talaga ako!

At dahil hindi ako makatulog ay gumawa na lang ulit ako ng Twitter account ko. Nalimutan ko na kasi yung password nung isa.

@shaishai_12

You stock in my mind, can't get out.

199 Comment  | 99 retweet |235 like

@jahmalaya

Si ate Shaila 'to!

@hatdogs

Halata naman kasi ate Shaila na ikaw 'to!

@starbright

Huwag kang magkaila sa akin Shai! Ikaw to!

Napanganga na lang ako ng marami na agad ang nagco-comment, like and retweet kahit na kakagawa ko lang. Hayeop at may nabasa pa ako na kilala niya daw ako. May sa mang huhula ata ang mga A'TIN.

--

Justin's P.O.V

Napahilamos na lang ako sa mukha ko nung wala na siya sa harap ko. Naku naman Justin! Nakakahiya!

Pakiramdam ko tuloy ay pulang pula na ako dahil sa nangyari.

Hanggang sa pag-uwi ko 'yun lang ang nasa isip ko. Para na tuloy akong baliw dahil ngingiti na lang ako bigla habang hawak ko yung bibig ko.

"Anyare sayo?" Tanong ni Kuya kaya napatingin ako sa kanya.

"W-wala." Sagot ko saka umiwas ng tingin.

"Wala? E, bat kanina ka pa parang baliw na nangingiti dyan?" Tanong niya pa kaya napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Wala nga." Sagot ko at tumayo na. Maraming tanong na naman 'yan kapag nanatili pa ako dito.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nag-open ng account ko sa Twitter. Meron pa akong nakita doon na fan account na may username na ShaiTin Shipper.

Napangiti na lang ulit ako dahil may pa loveteam na kami. Hahahaha.

"You stock in my mind, can't get out."

Pagbasa ko sa tweet na iyon. Hindi ko alam kung sino dahil wala siyang icon na gamit at ang username niya ay shaishai_12. Bagong gawa lang din 'ata.

Pinatay ko na lang ulit ang phone ko at humiga na sa kama. Nagpagulong gulong ulit ako dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Shit!

Kinabukasan maaga akong pumunta sa studio. May practice kasi kami for our next concert na gaganapin sa probinsya ng Cagayan.

"Mukhang inspired ang bunso natin ngayon ah!" Bungad ni kuya Sejun ng nakapasok ako sa studio.

Nakita ko naman si Ken na mukhang may malalim na iniisip at nakatingin lang sa cellphone niya.

"Peymus na siya." Biglang namang sabi ni Kuya Stell at tinapik ang balikat ni kuya Sejun.

Nilapitan ko si Ken at umupo sa tabi niya. Ayaw kong ganito kami. Yung hindi nagpapansinan.

"Ken..." tawag ko sa kanya at kinalabit. Tinignan naman niya ako at nginitian. Napakunot tuloy ako ng noo.

Bigla siyang tumayo at tinapik ang balikat ko. Wala man lang siyang sinabi. Napaka weird talaga.

---

To be continued...

NOTE: Hindi ko alam kung matino pa ba ang mga updates ko. Wala ng edit edit to. Kung ano na lang na type yun na yun.😅✌

EDITED VERSION!

Follow niyo ako sa IG @alyatin_12 tas usap tayo dun HAHAHAHA. Add niyo rin ako sa FB: Aly A'tin. Thank you!

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now