C h a p t e r 27

554 42 5
                                    

Shaila's P.O.V

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala dito sa may counter. Nandito pa rin kasi ako sa coffee shop.

Gusto kong tawagan si Star dahil kahapon pa siya walang paramdam. At isa pa, paano ko siya kakausapin gayong involve si Ken sa problema ko?

Napabuntong hininga na lang ulit ako. Taena ano ba talaga ang nagawa ko noong past life ko at pinaparusahan ako ni universe ngayon?

"Cappuccino nga and one slice of this." Bigla akong natauhan ng may biglang nagsalita sa harap ko.

Agad ko namang tinawag yung isang staff para siya na ang umasikaso sa customer dahil wala talaga ako sa mood ngayon.

Matapos magbayad ay pumunta na siya sa bakanteng table. Pero may nakabanggaan ito. Pagtingin ko si... Kuya Sejun?

"Sorry miss..." hinging paumanhin niya dun sa babae pero biglang napalitan ng pagkagulat ng makita ang babae. "Yaz..." rinig kong bulong niya.

Tinignan ko rin ang babae at pati siya ay nagulat din nung makita si Kuya Sejun. Magkakilala kaya sila?

Ilang sandali pa ay bigla na lang tumakbo palabas yung babae. Wtf? Buti na lang bayad na siya.

Agad kong nilapitan si kuya Sejun na hanggang ngayon ay nakatingin parin siya sa pinto kung saan lumabas ang babae.

"Kuya..." tawag ko sa kanya kaya agad niya akong nilingon.

"Ah, napadaan lang ako dito. Akala ko kasi nandito sina Ken at Justin mukhang wala naman." Sagot niya saka nilingon ang paligid.

"Galing sila kanina dito." Sagot ko. Totoo naman na galing sila dito. Tsk!

"Ganun ba? Sige mauna na ako." Sabi pa niya saka agad ng lumabas ng coffee shop. Gusto ko pa sana siya tanungin kung kilala niya yung babae pero huwag na lang, mukhang nasagot naman na dahil binanggit niya yung pangalan nung babae kanina. Mukhang may past sila.

Bumalik na lang ulit ako sa counter at tumunganga na naman. Saan naman kaya nagpunta ang dalawang 'yun?

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa inis. Bakit ba kasi napaka komplilado ng buhay ko? Bwesit!

---

Kinahapunan busy ako sa coffee shop dahil marami ang customer namin na mga estudyante na galing sa school. Nabulalabog lang ako ng may lumapit na isa sa mga kasama ko dito.

"Ma'am!" Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng biglang pagsigaw niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Itinuro naman niya ang labas ng coffee shop at napanganga na lang ako ng makitang nagkakagulo na pala ang mga tao. Anyare?

Tumayo na ako para puntahan kung ano man ang kaguluhang nagaganap sa labas pero napanganga na lang ulit ako nung makitang nasa labas sina Ken at Justin. May hawak na...

Bulaklak?

What the hell?

"Shaila!" Sabay nilang sabi nung makita nila ako at pati ang mga fangirl nila ay nagsitinginan sa akin. What the hell!?

"Ah-eh, hi?" Sabi ko ng hindi sigurado saka sila nginitian ng tipid.

Sabay silang lumapit sa akin kaya napaatras ako. Taena, Baka sabunutan ako bigla ng mga fangirls nila!

"Para sayo."

"For you."

Sabay na naman nilang sabi at sabay na inabot ang mga bulaklak. Napanganga na lang ako ng marinig ang sigawan ng mga fangirls nila.

"Sana all!"

"Akin na lang, Jah!"

"Ken, sa'kin mo ibigay!"

At dahil kanina pa nakalahad ang mga kamay nila ay napilitan akong abutin ang mga ito.

"S-salamat?" Hindi siguradong sabi ko.

"SANA ALL, ATE GIRL!" Sigaw nung isang babae kaya napatingin ako sa kanya. What the? Kung pwede lang sana ay siya na ang nasa kalagayan ko! Now na! Taena! Akala ba nito masaya ako ngayon? Ha? Hakdog!



To be  continued...

Note: Sabi sa inyo, eh. Magulo talaga ang plot hahahaha.

EDITED VERSION!!

Follow niyo ako sa IG @alyatin_12 tas usap tayo dun HAHAHAHA. Add niyo rin ako sa FB: Aly A'tin. Thank you!

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now