C h a p t e r 4

882 55 8
                                    

< Shaila's P.O.V >

Isang linggo na rin ang nakalipas. Naging busy na rin kami kasi malapit na ang final exam at graduation.

Si Justin? Ewan, hindi ko na rin masyado nakikita. May practice 'daw sila ng mga kagrupo niya.

Meron daw kasi siyang sinalihang grupo. Ewan basta. May grupo sila na nagpeperform. SB19 yung name ng grupo nila.

Normal lang naman ang buhay ko nitong mga nakalipas na araw. As usual. Boring. Pero nagpapasalamat na lang ako dahil hindi ko na naririnig ang mga corny jokes ni Justin kasi lagi siyang nasa practice. Baka mas lalo akong ma-stress.

Ilang araw pa ang lumipas at natapos na ang final exam sa wakas. No more stress. Puro practice na lang for graduation.

Hindi ko rin masyado nakakausap si mama. Mas okay na 'yun baka kung ano na naman ang mangyari. Hindi ko rin sinasabi na malapit na akong magtapos. She doesn't care naman. Wala na akong aasahan na pupunta sila ni papa. I don't care.

Wala naman akong ibang pinupuntahan. Minsan sa bahay, sa school at sa coffee shop. Yeah, boring.

Nandito ako ngayon sa library. Tamang basa lang. Tamang tambay dahil gusto ko ng tahimik na paligid.

Pinapakinggan ko ang kanta nila Justin na Tilaluha. Parang ginawa lang yun para sa akin. Maganda yung song lalo na sa part ni Justin. Ewan, nakakagaan sa pakiramdam ang boses niya.

Yung part niya talaga ang pinaka paborito kong part ng song. Napangiti na lang ako ng hindi ko namalayan ng mag flash sa isip ko ang ngiti niya. Nakakagaan din sa pakiramdam ang mga ngiti niya. Parang wala siyang problema na dinadala.

"Uyy, ngumingiti na siya." Nagulat ako at nawala ang ngiti ko ng bigla siyang sumulpot sa harap ko. Mahina lang ang boses niya kasi nasa library kami.

"Tsk!" Inirapan ko lang siya. Why the hell he always wearing that smile? Nakakainis!

"Ngiti ka na ulit. Ano ba 'yan. Ang cute mo, e." Sabi pa niya kaya napaiwas ako ng tingin. And why the hell I'm feeling awkward? I hate this guy!

"Hoy!" Tapik niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy po! Hehehe." Sabi pa niya kaya natawa ako ng konti. Ang kulit lang.

Bigla namang nanlaki ang mata niya sa gulat kaya kumunot ang noo ko. Ganon na ba hindi kapanipaniwala ang pag tawa ko? Wtf?

"Tumawa ka na!" Gulat niyang sigaw kaya napatampal na lang ako sa noo ko. Bakit ba gulat na gulat siya?

"Kayong dalawa, LABAS!" Sigaw ng librarian. Napapailing na lang akong tumayo at lumabas.

Ewan ko pero bigla na lang nagflasback sa isip ko kung kailan ba ako last na tumawa. Simula nung araw na 'yun. Hindi ko na magawang sumaya.

Minahal ko siya. Pinagkatiwalaan. Akala ko siya na ang taong magmamahal sa akin ng buo. Hanggang isang araw, Alexandra came to the picture.

Sinabi niya lahat na palabas lang lahat ng ginawa ni Jon. Na pinagpustahan lang nila ako. That day, para akong baso na inihulog na mataas na building. Wasak na wasak. Durog na durog na kahit na anong gawin mo ay hindi na mabubuo pa.

Ibinuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Ni hindi na nga ako nagtira para sa sarili ko. Kasi ang alam ko, parehas kami ng nararamdaman. Ang akala ko mahal niya rin ako. Mali pala ako.

Ang akala kong magiging dahilan para sumaya ako ay siya palang dahilan para masaktan ako.

Simula nun napabayaan ko ang pag-aaral ko. Naging miserable ang buhay ko na dahilan para mas lalong magalit si mama sa akin. Na puro na lang problema ang dala ko sa buhay niya.

Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang naging bunga ako ng kasalanan? Hindi ako tunay na anak ni papa. Na-rape si mama noon. At ako ang naging bunga.

Lahat ng galit ni mama sa taong gumawa non sa kanya, sa akin niya binuhos.

Lahat ng sakit na nararamdaman ko noon gusto ko nang tapusin. But Justin came. Pinigilan niya ako sa ano mang kagagahan na gagawin ko.

Simula nun sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magtitiwala sa kahit na kanino. Hindi na ako nagpakita pa ng kahit na anong kahinaan. Dahil lahat yun ay gagamitin nila para hilain ka pababa. Bumangon ulit ako. Nag-aral ng mabuti para kahit papaano ay ipagmalaki ako ni mama. Pero wala pa ring nangyayari.

I owe my life to Justin. Dahil kung wala siya noon dun. Baka matagal na akong patay. Pero para pa ring patay dahil hindi ko na ulit magawang sumaya.

"Lalim ng iniisip mo, ah. Sorry na kung napalabas tayo." Pag basag niya sa katahimikan kaya napabalik ako sa huwisyo.

Tinignan ko lang siya ulit ng blangko. Alam kong balang araw, magsasawa rin siya kakalapit sa akin. Na gaya ng iba ay iiwan din niya ako bigla.

Minsan na akong nagtiwala. Pero sinira nila. Ayaw ko ng mangyari ulit 'yun.

"Shai..." mahinang sabi niya saka hinawakan ang balikat ko dahilan para matauhan ako. Umiiyak na pala ako sa harap niya.

Tinalikuran ko siya. Aalis na lang sana pero hinarangan niya ako. Nakatingin siya sa akin ng seryoso.

"Layuan mo na ako." Mahina ngunit malamig kong sabi sa kanya. Pero nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. "Layuan mo na ako dahil hindi kita kailangan sa buhay ko. Hindi ko kailangan ang kahit na sino. Dahil kaya kong mabuhay ng mag-isa." Patuloy ko.

Tinabig ko siya para makaalis siya sa harap ko. Nagsimula na akong humakbang palayo pero muli siyang nagsalita.

"Hindi mo kaya. Hindi mo kayang mag-isa. Nagpapanggap ka lang na matapang ka, pero mahina ka. Lagi na lang ba, Shai? Na sa tuwing may taong gustong tumulong sayo ay ipagtatabuyan mo palayo?" Seryoso niyang sabi. Nanatili lang ako sa pwesto ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Dahil totoo. Mahina ako.

"Shai, hindi lahat ng tao sasaktan ka. Bigyan mo lang sila ng pagkakataon na ipakita na hindi sila gaya ng iba na sinaktan ka." Dadag niya pa.

Hindi ako nagsalita. Tama siya. Nagtatapang tapangan lang ako para lang mapalabas sa iba ang tunay na nararamdaman ko.

Nilingon ko ang kinaroroonan niya kanina pero wala na siya doon. Napaupo na lang ako sa gilid ng hallway. Bakit ba ganto? May sumpa ba ako? Bakit hindi ako binibigyan ng pagkakataon ng mundo na sumaya?




---

To be continued...

Because Of You | SB19 Justin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon