C h a p t e r 21

545 43 0
                                    

Justin's P.O.V

"Layuan mo ang anak ko." Madiin na sabi sa akin ng mama ni Shaila. Nagkita kasi kami ngayon para magkausap.

"Hindi ko po 'yun magagawa." Mahinahon kong sagot. Bakit ko 'yun gagawin kung alam kong kailangan niya ako?

"Sa ayaw at sa gusto mo, lalayuan mo ang anak ko!"

Napatawa ako sa sinabi niya. Magalang akong tao, pero parang hindi ko yun magagawa ngayon sa kanya.

"Para ano po? Para ipakasal sa taong hindi naman niya gugustuhing makasama?" Seryosong tanong ko.

"Who are you to say that to me!? Ano ka ba ng anak ko?" Galit niyang sabi. Sasagot na sana ako pero may biglang pumutol sa sasabihin ko.

"Siya lang naman ang nagmahal sa akin ng totoo. Pagmamahal na hindi ko kailanman naranasan sa inyo."

Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa mama niya. Wait. N-nakakaalala na ba siya?

"Bakit niyo siya papalayuin sa akin? Para ikulong sa taong dahilan ng lahat ng paghihirap ko?" Sabi pa niya. Tahimik lang naman na nakikinig ang mama niya. Habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"Nung nasa hospital ako, sino ang nasa tabi ko? Hindi ba siya? At kayo wala."

"Shai..." hinawakan ko ang kamay niya dahil nagsisimula ng mangilid ang luha niya.

"Si Justin ang naging pamilya ko nung time na kailangan ko kayo. Kaya bakit niyo pa siya gustong layuan ako? Para masaktan na naman ako?" Patuloy niya at hindi ako pinansin.

"Shai, tara na." Sabi ko saka siya hinila. Buti na lang at hindi na siya pumalag. Nang makalabas kami doon ay agad ko siyang tinignan ng seryoso.

"Nakakaalala ka na?" Tanong ko. Bigla naman siyang ngumiti at natawa ng kaunti saka napakamot sa ulo.

"Hindi pa. Kapanipaniwala ba ang acting niya?" Bigla akong napatingin sa sumagot. Si Stellar. Nakangisi habang nakatingin sa akin. Siya siguro nag-ustos na gawin 'yun ni Shai.

"Akala ko pa naman..."

"Huwag ka na mag-alala, Jah! Naniniwala naman ako na hindi ko talaga gusto si Jon gaya ng naaalala ko." Putol niya sa sasabihin ko.

"Huwag na nga kayong magdrama. Tara sa mall gagala tayo ngayon!" Sigaw ni Star at kinaladkad na kami.

"Jah, libre mo naman kami ng merch." Biglang sabi ni Star habang naglalakad kami. Tinignan ko naman siya ng nakakunot ang noo.

"Huwag mong ikunot ang iyong noo!" Biro niya kaya natawa ako. Buang rin pala ang isang 'to.

"Merch ba? Sige gugupitin ko yung kalendaryo namin. May merch din naman yun." Sagot ko saka tumawa. Pati si Shai ay tumawa rin dahil sa sinabi ko.

Tinaasan naman niya kami ng kilay na mas lalo ko pang ikinatawa.

"Mais ka nga talaga!" Inis na sabi niya. Grabe naman sa mais. Oo na!

"Hahahaha. Pero seryoso, gusto mo ng merch?" Tanong ko pa kaya tumango siya. "Bumili ka." Sagot ko kaya natawa na naman kami ni Shai.

"Sige tumawa pa kayo! Ang saya niyo, e no?" Inis niyang sabi kaya mas lalo pa kaming natawa.

"Sa susunod Justin, isama mo si Ken ng sumaya naman siya." Tawa ni Shai kaya napatingin ako ng Star ng nakangisi.

"Ikaw ah, may gusto ka pala sa manok na 'yun." Pang-aasar ko dahilan ng pagpula ng mukha niya.

"Shai, alam mo? Sana hindi mo rin nakalimutan ang pagkatahimik mo!" Sigaw niya kay Shai na tinawanan lang niya.

"Tara na nagugutom na ako." Pag-aaya ko sa kanila na agad naman nilang sinunod.

Sana ganito na lang lagi. Yung masaya lang. Walang bida-bidang problema ang sisira ng lahat.





To be continued...

Thank you for reading!

EDITED VERSION!

Because Of You | SB19 Justin✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt