C h a p t e r 2 0

598 43 1
                                    

Justin's P.O.V

Bukas na ang concert namin. Hindi na rin ako nakapunta nung mga nakaraang araw sa hospital. Nakalabas na rin naman siya ngayon kaya gumaan na ang pakiramdam ko.

Ang sabi sa akin ni Star ay sasamahan na lang muna si Shai sa bahay na tinutuluyan niya.

Kinakabahan na rin ako dahil sa issue noon. Hindi ko alam kung galit ba ang mga A'TIN sakin o kay Shaila. Ayaw ko lang na madamay sila Sejun sa gulo na kinasasangkutan ko.

"Jah, huwag mo muna isipin ang mga bashers. Mas marami ang nagmamahal sayo." Sabi ni kuya Sejun saka tinapik ang balikat ko.

"Oo nga Jah, nandito kami para ipagtanggol ka. At pati na rin ang mga A'TIN na tunay na nagmamahal sayo." Sabi naman ni kuya Stell kaya agad ko silang niyakap.

"Salamat mga kuya."

Bigla namang tumawa ng malakas si Ken kaya agad kaming naghiwalay sa isat-isa. Dimunyu!

"Buang talaga ang isang 'to." Natatawang sabi ni kuya Stell saka bumalik na sa kinauupuan niya kanina.

Muli akong napabuntong hininga. Sana bukas maalala na niya ako.

---

Shaila's P.O.V

Simula nung sabihin ni Star na si Justin ang tanging nagpakita sa akin ng tunay na pagpapahalaga ay parang may kung anong naramdaman ang puso ko. At nung makita ko ang malungkot niyang mukha bago siya tumalikod sa amin nung araw na 'yun, parang sinasaksak ang puso ko.

Sana maalala na kita, Justin.

"Shai, tara na hindi pwedeng ma-late tayo sa concert nila." Sabi ni Star sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Sinabi rin sa akin ni Star na lagi 'daw kami noon pumupunta sa mga concert ng SB19 kaya hindi 'daw namin papagpasin ang araw na ito.

Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Siya yung magd-drive ngayon dahil natatakot siya na baka maibangga ko na naman.

"Magaling ba talaga ang SB19?" Tanong ko sa kalagitnaan ng biyahe. Tinignan naman niya ako na parang hindi makapaniwala.

"Seriously? Pati sila nakalimutan mo?" Kunot noong sagot niya. Tsk!

"Tatanungin ko ba kung naaalala ko?" Tanong ko rin kaya napairap siya. Aba!

"Sana 'yang katarayan mo na lang ang nakalimutan mo." Bulong niya na rinig ko naman. So, hindi 'yun bulong. Ano ba talaga? Ewan ko sa inyo!

Nang makarating na kami doon ay agad na kaming umupo sa may pinaka harap. Tsk! Si Star pa ba? Gusto niya 'daw na sa harap kami para makita niya sa malapitan si Ken. Si Ken lang ata ipinunta niya dito.

Marami na rin ang tao kaya medyo maingay na rin ang paligid. May mga nakikita pa ako na masama ang tingin sa akin tapos magbubulungan. Problema nila? Naiingit ba sila sa kagandahan ko? (Na amnesia ka lang Shaila kumapal na yang mukha mo!)

Hinayaan ko na lang sila at itinuon na lang ang pansin sa harap. Nagsisimula na rin kasi.

Una nilang kinanta ang Go Up. Parang narinig ko na yun dati, tama nga siguro ang sinabi ni Star na lagi kaming pumupunta sa mga concert nila.

Bilib na talaga ako sa kanila. Ang galing nila. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay si Justin. Lalo na nung kinanta nila ang Hanggang sa Huli.

Makikita sa kanyang mga mata ang sakit. Sakit na pakiramdam ko, ako ang may gawa.

---

Kasama ko ngayon si Jon. Naglibot lang kami dito sa mall, bumili ng kung ano-ano, at kumain ng kumain.

I don't know why pero parang may mali sa nararamdaman ko pero hindi ko naman alam kung ano yun.

"You okay?" Tanong niya kaya agad akong napatingin sa kanya saka pilit na ngumiti.

"Oo naman." Sagot ko.

Bigla siyang humarap sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad. Hinawakan niya ang dalawang kong kamay at tinignan ako ng deretyo sa mata.

"Kahit ano man ang mangyari, tandaan mong mahal na mahal kita." Sabi nito kaya napangiti ako. "Tara na." Patuloy niya. Tumango ako at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Napatigil lang ulit ako sa paglalakad ng makita ko si Justin. Nakatingin siya sa amin at kitang kita ko sa mga mata ang sakit.

Hindi ko alam pero biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako rito. Inalalayan naman ako ni Jon na umupo sa isang bench.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Tinignan ko ang lugar kung saan ko nakita kanina si Justin pero wala na siya dun.

Bakit ganon? Bakit si Jon ang sinisigaw ng isip ko pero bakit iba ang sinisigaw ng puso ko?

"Shai..." hinawakan ni Jon ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Jon, sino si Justin sa buhay ko bago ako mawalan ng alaala?" I asked. Kita ko naman sa reaksyon niya na nagulat siya sa tinanong ko.

"B-bakit mo natanong?" Tanong niya rin.

"I just want to know na truth. Gusto kong malaman kung ano ba ang mali." Sagot ko. Napahilamos siya sa kanyang mukha.

"Mas mabuting si Justin na lang ang mag sabi sayo." He answered saka tumayo. "Tara na." Patuloy niya saka ako inalalayan na tumayo at maglakad.







To be continued...

EDITED VERSION!

Because Of You | SB19 Justin✔Where stories live. Discover now