C h a p t e r 11

713 45 11
                                    

Shaila's P.O.V

Isang lingo akong nagkulong sa bahay. Hindi pumunta sa coffee shop o lumabas man lang.

Hindi ko din chine-check ang phone ko dahil wala namang silbi dahil maliban sa isang staff sa coffee shop at ni Justin ay walang nakakaalam sa number ko.

Sa buong lingo na yun ay nanuod lang ako ng kung ano-ano. Yung mga guestings ng SB19 at minsan ay natutulog lang ako maghapon. Lumalabas lang ako sa kwarto ko kapag gutom ako at kapag alam kong wala si mama.

Bumangon ako sa pagkakahiga at tinungo ang CR para makaligo. Pagka tapos nun ay lumabas ako ng kwarto dahil nagugutom na ako. It's already 8 in the morning.

Pagkarating ko sa dining area ay may nadatnan na akong mga nakahandang pagkain. Meron ding sticky note na naka dikit sa mesa.

Kunot noo ko itong kinuha at binasa. Note galing kay mama.

'Hindi ako uuwi mamayang gabi. Naghanda na ako ng agahan mo. Mag-ingat ka.

-mama

Kunot noo ko lang tinignan ang sticky note at ang mga nakahandang pagkain. Ngayon lang kasi 'to.

May nakain bang masarap si mama at ganito ang kinalabasan?

Kahit nagtataka ay umupo na lang ako at nagsimula ng kumain.

Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit ngayon lang ay naranasan kong ipaghandaan ni mama ng agahan.

Buong buhay ko kasi ay ang pagbubunganga niya lang ang bungad niya sa akin tuwing umaga.

Ang saya lang sa pakiramdam.

Nang matapos na akong kumain ay bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko. Wala naman akong ibang pupuntahan bukod sa kwarto ko lang.

Pahiga na ako sa kama ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na lang pinansin nung una pero nagsunod-sunod ang pagtunog nito kaya napairap na lang ako saka sinagot ang kung sino man ang tumatawag.

"Hello?" Kunot noong tanong ko. Unknown number kasi.

"Shaila, si Josh 'to." Sagot niya. Josh?

"Kuya Josh? Bakit ka napatawag? May problema ba?" I asked. Bumuntong hininga naman siya bago sumagot.

"May sakit kasi Justin. And wala yung family niya sa bahay nila. Tutal ay magkaibigan naman kayo, ikaw na yung naisip namin na tawagan para alagaan siya." Sagot niya. Hindi naman halata na rapper siya 'no?

"B-busy ako ngayon, e." Dahilan ko. Kahit na wala naman talaga akong gagawin maghapon. Ayaw ko lang talaga lumabas ngayon.

"Sige na Shai! Kawawa naman si bunso!" Rinig kong sigaw ni kuya Sejun na sinundan naman ni kuya Stell.

"Fine." Pagpayag ko saka pinatay ang tawag.

Napairap na lang akong nagtungo sa CR para magpalit saglit saka na umalis ng bahay.

---

Nang makarating ako sa bahay nila ay agad na akong nag door bell at agad naman akong pinagbuksan ng katulong nila.

"Nasa second floor po yung kwarto ni sir, ma'am." Biglang sabi nung maid kaya napabalik ako sa huwisyo.

Pinagmamasdan ko kasi ang kabuuan ng bahay. Hindi ko akalain na mayaman pala ang De Dios na 'to.

"Ah, sige po." Sagot ko saka tinungo na ang itinurong kwarto ni manang.

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng kwarto niya ay bumuntong hininga muna ako saka dahan dahang binuksan ang pinto.

Nadatnan ko naman siya na nakahiga at mahimbing na natutulog.

Anong gagawin ko dito?

At dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay umupo na lang ako sa dulo ng kama niya at pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto.

Simple lang ang design. Black and white ang theme at maaliwalas sa paningin. Mas malinis pa ata to kesa sa kwarto ko.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko ng bigla siyang gumalaw. Taena, mamatay naman ako neto sa gulat!

Napatingin ako sa kanya at pasimpleng pinagmasdan siya habang tulog. Parang napakainosente niya. Parang walang kalokohan ang tumatakbo sa isip.

Napakunot naman ang noo ko ng bigla siyang ngumiti. Teka, nananaginip ba siya?

"Enjoying the view, huh?" Biglang sabi niya kaya napaayos ako ng upo. What the hell? Kanina pa ba siya gising? O sadyang malakas lang talaga ang pakiramdam niya na may nakatingin sa kanya?

"M-may sakit ka ba talaga?" Tanong ko na lang saka tumayo at tumalikod sa kanya. Para namang may kung anong mga nagpa-party sa bandang dibdib ko. WTF?

"S-saan ka pupunta?" Matamlay na tanong niya.

"Uuwi na lang ako. Okay ka naman na ata." Sagot ko na sinikap huwag mautal. I hate myself!

"D-dito ka lang." Hirap pa ring sabi niya kaya lumingon na ako sa kanya.

Pilit siyang bumabangon sa pagkakahiga kaya lumapit na ako sa kanya at inalalayang mahiga ulit.

"Huwag ka na kasing tumayo!" Inis na Sabi ko saka sinipat ang noo niya. Ang taas ng lagnat niya.

"Huwag ka kasing umalis." Nakangusong Sagot niya kaya napairap na lang ako. Bakit ba napaka isip bata niya?

---

Justin's P.O.V

Nagising ako dahil parang natuyo ang lalamunan ko. Nabaling naman ang tingin ko kay Shaila na mahimbing na natutulog habang nakaupo at nakapatong ang ulo sa kama ko.

Hinawi ko ang ilang hibla ang buhok niya na nakaharang sa mukha niya.

"Noon ko pa sana sinabi ang nararamdaman ko sayo. Sana noon ko pa sinabi na mahal kita. Baka sakaling ako ang minahal mo at hindi siya."

Napaatras ako ng bigla siyang nagmulat ng mata. Blangko ang tingin.

Bigla siyang tumayo pero nanatiling blangko ang tingin. Nakakatakot. Hindi ko kayang tignan siya ng ganon. Dahil isa lang ang ibig sabihin 'nun.

"Bawiin mo ang sinabi mo." Mahina ngunit seryoso niyang sabi. Deretyo paring nakatingin sa akin.

Napayuko ako. Hindi ko magawang magsalita. Bakit ko babawiin ang mga salitang yun? Kung noon ko pa gustong sabihin yun sa kanya?

"Kung totoo man 'yan. Kalimutan mo na." Malamig na Sabi niya saka tumalikod sa akin at deretyong lumabas ng kwarto ko.

Kahit hirap pa akong tumayo ay sinikap Kong habulin siya. Saktong paglabas niya ay sakto namang kakaakyat lang ni manang Delia para magdala ng pagkain.

"Uuwi na po ba kayo ma'am, Shaila?" Tanong niya kay Shai. Tumango lang ito saka nilagpasan si manang.

"Shai..." tawag ko sa kanya. Muntik pa akong matumba buti na lang ay naalalayan ako ni manang.

Tumigil siya sa paglalakad pero nanatiling nakatalikod sa gawi namin. Hindi man lang ako nilingon.

"Shaila..."

"Kalimutan mo na ako at kakalimutan na rin kita. Matapos ang araw na 'to ituring na natin ang isat-isa na parang hindi tayo magkakilala." Mahabang sabi niya at tuluyan na siyang naglakad palayo.






To be continued...

EDITED VERSION!

Because Of You | SB19 Justin✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt