C h a p t e r 2

1.1K 52 10
                                    

< Shaila Mae Bergonia P.O.V >

Kinabukasan, sinadya kong mag pa late dahil ayaw kong makita si Justin. Sasakit lang ang ulo ko na pakinggan ang mga jokes niya.

Ewan ko ba dun sa lalaki na yun. Ilang beses ko na ngang pinagtabuyan, sinigaw sigawan pero hanggang ngayon ay buntot pa rin ng buntot sa akin. Nakakaasar lang.

"Gawain ba naman ng matinong estudyante ang pumasok ng ganitong oras?" Bungad sa akin ni mama pagkababa ko sa sala. Nilagpasan ko lang siya at tinungo na ang pinto dahil mahabang panenermon na naman ang maririnig ko.

"'Yan! 'Yan ba ang turo sayo sa iskwelahan na pinapasukan mo!? Wala ka talagang respeto." Sigaw niya sa akin. Nanatili lang akong tahimik. Sawa na akong magpaliwanag sa mga taong ayaw makinig.

Sanay na rin ako. Na sa tuwing gigising ako sa araw-araw, puro pagkakamali ko ang napupuna nila. Pero wala akong pakealam. Isipin nila ang gusto nilang isipin.

Buong buhay ko, never ko na experience na ipagmalaki ng mga magulang ko. But I dont care. Kaya kong mabuhay ng wala sila.

And I did! I have my own business now. Business na pinatayo ko sa sarili kong pagsisikap.

May kaya ang pamilya namin, pero hindi ako umaasa sa pera nila. Pinaghihirapan ko ang bawat pera na winawaldas ko 'daw.

Never akong humingi ng pera sa kanila. Binibigyan nila ako pero tinatanggihan ko. Dahil pag nagkataon, isusumbat lang nila sa akin.

"Hoy!" Nagulat ako dahil sa sigaw ni... arrrhg! Sino pa nga ba e'di si Justin. Akala ko pa naman makakaligtas na ako. Hindi pa rin pala.

At hindi ko man lang namalayan na nasa school na ako dahil sa kalutangan ko.

"Gusto mo bang masapak?" Inis na tanong ko pero gaya ng nakasanayan, nakangiti na naman siya.

"Napaka brutal mo talaga. Pero bakit ka late?" Sabi pa niya pero hindi ko siya sinagot. "Hoy!" Kalabit niya sa akin.

Napapikit na lang ako dahil sa inis. Bakit ba kasi siya lapit ng lapit sa akin? Para ano? Para pagaanin ang loob ko tapos sa huli iiwan lang ako pag nasanay na ako?

"Ano ba?! Tumigil ka na, nakakainis ka na!" Inis na sigaw ko kaya nakaagaw kami ng atensyon. Napayuko lang siya at nilaro ang mga daliri na akala mo bata na napagalitan ng nanay. "Layuan mo na ako. Kung naghahanap ka ng taong sasaktan mo, please huwag na ako." Mahinang patuloy ko saka siya nilagpasan.

Minsan hindi ko nakokontrol ang sarili ko. Nasisigawan ko na lang bigla ang mga tao. Kaya siguro masama ang tingin ng lahat sa akin. Pero wala akong pakealam 'dun. Pero sa kaso ni Justin? Hindi ko alam pero masakit sa akin na makita siya ng ganon ka lungkot. Siguro dahil nasanay ako na masaya siya? Ewan.

----

Tatlong araw na ang nakalilipas. Sa mga araw na iyon ay walang Justin na nangulit sa akin. Nakikita ko siya pero iba na ang kasama niya.

Maybe he realize that, hindi ako kawalan sa kanya. Or maybe tama ako. Kinukuha niya lang ang tiwala ko at kapag nasanay na ako, bigla na lang siyang mawawala bigla.

Inalis ko na lang sa isip ko ang gumugulo sa akin at itinuon na lang ang sarili sa coffee shop na pagmamay-ari ko.

Nandito ako kasi wala namang pasok at ayaw kong mamalagi sa bahay dahil pag nagkataon puro panenermon lang ang maririnig ko.

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas. Kumunot ang noo ko nang makita si Justin. Magtatago na sana ako pero bigla niya akong tinawag kaya napapikit na lang ako sa inis.

Buti na lang at hindi niya pa napapansin na ako 'to.

"Yun ngang best seller niyo po." Magalang na sabi niya kaya lumingon ako sa kanya ng nakayuko.

"Okay po, Sir. Hintayin niyo na lang po." Sagot ko at mabilis na pumunta sa counter at sinabi sa isang crew ang order niya.

At dahil ayaw Kong makita niya ako dito, pumasok na lang ulit ako sa maliit kong Office at dun na lang muna tumambay.

Nabulabog lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng hindi man lang kumatok. Alam naman nila na ayaw na ayaw Kong naiistorbo.

"Anong kailangan mo at nakalimutan mo pang kumatok? Gaano ba kaimportante ang sasabihin mo?" Tanong ko na hindi tumitingin kung sino ang taong iyon. Nakatutok lang ako sa laptop ko.

"Ikaw ang kailangan ko." Sagot niya kaya napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. H-how? I'm one hundred percent sure na hindi niya ako nakita kanina!

"What are you doing here?" Tanong ko kaya kinunutan niya ako ng noo.

"Grabe ka naman, Shai. Ganyan mo ba i-welcome ang customers niyo? Kanina nga lang tinawag mo pa akong sir." Sagot niya na naka pout na naman kaya napairap na lang ako.

"So ano nga ang maipaglilikod ko sa inyo, sir Justin?" Sarkastikong tanong ko Maya tumawa na naman siya. Arrrgh! Bakit ang cute niya!? And why the hell I said that?! Ang gulo mo Shaila!

"Pwede paupuin mo muna ako?" Sabi niya sabay turo sa upuan na nasa harap ko. Pero hindi pa ako pumapayag ay umupo na siya. What the hell?

Tinignan ko lang siya na gaya ng nakasanayan ay nakangiti na naman habang inililibot ang tingin sa buong paligid.

Nang magsawa na ay sa akin na niya ibinaling ang tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" Inis na tanong ko ng hindi pa rin siya nagsasalita at nakangiti lang siya. What's with him? Para talaga siyang tanga.

"Na-miss kita." Sagot niya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. WTF? Ano bang sinasabi niya?

----




To be continued...

Because Of You | SB19 Justin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon