C h a p t e r 1 6

640 48 3
                                    

Shaila's P.O.V

Dalawang araw na ang lumipas. Kalat na rin sa internet ang kasal kuno namin ni Jon.

May mga natuwa na fans meron ding hindi.  Tsk! Kung ayaw nilang ikasal ako sa iniidulo nila, mas ayaw ko rin huwag silang mag-alala.

"Shai, ang dami mo ng haters. Sikat ka na fren." Basag ni Stellar sa katahimikan. Nandito kami ngayon sa isang subdivision dahil naghahanap kami ng pwede kong tuluyan kapag ayaw kong umuwi as bahay.

"Pakealam ko sa kanila? Isaksak pa nila sa baga nila yang idol nila na hayop na yun." Inis na sagot ko.

Napaka big deal sa kanila yun? E, sa malamang hindi naman sila kilala nung hayop na 'yun.

"Ang harsh mo sa magiging asawa mo." Sabi pa niya at diniinan pa ang word na 'asawa' tsk!

"Mandiri ka nga!" Inis na sabi ko at nauna ng maglakad.

Tapos na kami tumingin ng bahay. May napili na rin kami at bukas bibili na kami ng mga gamit.

"O to the M to the G!" Biglang niyang sigaw kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa cellphone niya na gulat na gulat.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko. Tinignan niya naman ako saglit pero agad din niyang binaling ulit ang tingin sa hawak niyang cellphone.

"May kumakalat na issue about you and Justin." Sagot niya. Lumapit na rin ako sa kanya at tinignan ang tinitignan niya.

"Anong issue?" Tanong ko.

"May picture na kumakalat. May mga fans din ni Jon na umaaway sayo. Tignan mo!" Sabi niya sabay pakita sa akin ang mga comment ng mga tao.

"Sino nagpakalat?" Tanong ko habang nagbabasa ng comments.

"Hindi ko alam." Sagot niya saka tumingin sa akin ng alanganin.

Agad kong kinuha ang phone ko sa bag at nag-open ng facebook.

Pagbukas ko palang ay sabog na ang notif ko at marami na rin ang mga nagme-message sa akin.

Puro pamba-bash.

"Ikakasal na pero naisipan pang manlandi."

"Anong meron sa kanya? Hindi naman maganda."

"Dinamay pa si Jah."

"Kawawa naman si Carlene😥"

"Masasaktan lang si Jon dahil sa kanya."

Napahilamos na lang ako ng mukha ng mabasa ang ilan sa mga comments. Ano ba kasing pumasok sa isip ng kung sino man ang nag post niyan?

Nag ring phone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si mama.

"Hel---"

"Nasaan ka?" Deretyong tanong niya. Seryoso ang tono ng boses. Napatingin ako kay Stellar ng hawakan niya ang balikat ko.

"B-bakit?" Kunakabahang sagot ko.

"Alam mo bang kalat na kalat na ang issue! Ipinapahiya mo na naman ang pamilya natin!" Sigaw niya sa kabilang linya.

Kasalanan ko na naman? Wala akong alam sa nangyayari! Sino ba kasi ang magsabi na ipapakasal ako kay Jon? Ako ba ang magpost ng picture kasama si Justin? Hindi naman diba?

"Umuwi ka ngayon!" Patuloy pa niya saka binaba ang tawag. Muli akong napatingin kay Stellar.

"Tara na." Malamig kong sabi sa kanya at nauna ng maglakad. Hinatid ko muna siya sa bahay nila saka ako dumeretyo sa bahay.

Naabutan ko sila mama at papa kasama si Jon. Seryoso ang mga tingin sa akin. Blangko lang ang tingin ko na lumapit sa kanila.

Nagulat na lang ako ng bigla akong sampalin ni papa pagkalapit ko sa kanila. Napahawak ako sa pisngi ko. Napatawa ng mapakla.

"Isa ka talagang kahihiyan!" Sigaw niya sa akin. Tsk! Wala siyang karapatan na pagsalitaan ako ng ganon! Hindi ko siya kaano-ano!

"Ayusin mo ang gulo na 'to Shaila." Mahinahon ngunit seryosong sabi ni mama.

"Shaila." Seryosong sabi ni Jon sa pangalan ko. Tinignan ko lang siya. Kasalanan niya lahat. Kung sana hindi ko siya nakilala hindi to mangyayari!

"Kung wala na kayong sasabihin, aalis na ako." Malamig na sabi ko saka sila tinalikuran. Hinawakan ni Jon ang kamay ko kaya napatigil ako.

"Hindi ka aalis ngayon." Maotoridad niyang sabi. Tumingin ako sa kanya.

"Sino ka para utusan ako?" Malamig na tanong ko.

"SHAILA!" Sigaw sa akin ni papa. Tinignan ko lang sila. Ayaw ko na! Ayaw ko ng maging sunod-sunuran sa kanila.

"Kahit anong sabihin niyo, hindi ako papayag makasal sa taong hindi ko gusto. Itakwil niyo man ako." Seryosong Sabi ko at tuluyan ng lumabas sa bahay.



To be continued...

Thank you for reading...

EDITED VERSION!

Because Of You | SB19 Justin✔Onde histórias criam vida. Descubra agora