Chapter 1

120K 1.5K 48
                                    

Chapter 1: Meet the boiz at the bar





Samantha's POV

Mabilis akong tumakbo papunta sa isang paso na may mataas na halaman. Kasunod ko dito ang tatlo kong kaibigan. Sina Yesha, Ashley, Sandra at Thea. Pigil hininga ang ginawa namin nang dumaan si Sir Von. Kung tinatanong niyo kung anong ginagawa namin. Tumatakas kami. Tumatakas kami dahil may importante kaming pupuntahan.

Hindi na bago samin ang ganito. Ang mag-cutting classes. Hindi na din mabilang kung ilang beses na kaming na-guidance dahil sa kagagahan namin. Masisisi niyo ba kami?Halos walang time samin ang mga magulang namin, puro sila trabaho kaya eto, nagbubulakbol kami.

Mula elementary, high school, hanggang college, magkakaklase kaming apat. Hindi kami pumapayag na may mahiwalay sa amin ni-isa. Ganyan ka-strong ang pagkakaibigan namin.

Para na kaming mga kambal tuko dahil hindi kami mapaghiwalay. Ganyan namin kamahal ang isa't isa. Wala kaming plastikan, pinapakita namin kung sino o ano talaga kami at ang ugali namin.

"Punyeta naman, Ash! Usog naman dun! Kitang kita na ko dito oh," rinig kong inis na bulong ni Sandra.

"Eto kase si Sam oh! Hindi umusog! 'Yan ang sisihin mo!"

"Mag-si-tigil nga kayo! Mamaya may makakita pa satin dito," inis kong sambit at agad na tumayo nung tuluyan nang makaalis si Sir Von. Tumakbo na ako papunta dun sa likod ng school namin, kasunod ko lang 'yung apat.

"Ako muna ang aakyat," usal ko at walang kahirap hirap na inakyat 'yung puno na nasa harapan ko. Sa kabila kasi nito ay ang labas na ng school.

Walang pag-aalinlangan kong tinalon ang taas noong puno pababa. "Bilisan niyo na!"

Ilang sandali pa ay pare-pareho na kaming nasa labas.

"Hoy!" Napatigil kami at sabay sabay na napalingon doon sa gate. Nakita namin doon si Mang Ben, 'yung guard ng school. Nagtawanan nalang kami at kumaripas ng takbo paalis doon.

***

"Go Sandra! Geh! Ikembot mo pa!" Sigaw namin kay Sandra na todo ang pag-sasayaw sa may dance floor. Habang kami ay nagsisigawan at naghahagalpakan ng tawa.

"Sandale! Mag-c-cr lang ako!" Sigaw ni Yesha dahil hindi kami magkakarinigan dito kapag hindi niya yun isinigaw, masyadong malakas ang sound. Tumango nalang naman ako at uminom sa may baso ko. Hindi na bago samin ang pag-inom at pag-punta sa ganitong mga lugar. Kung nagtataka kayo kung paano kami nakapunta sa mga ganitong lugar kahit na minor palang kami, well ganito lang yan kadali. We faked our ID's. Yeah,we know na masama yun pero sino ba namang makakapigil samin? (A/N:bawal yon mga bb)

"Hi,miss." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaki na tumabi sa akin. "Tara?" Nakangisi niyang sabi sabay himas sa hita ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inalis yung kamay niya. Napasimangot naman siya at inis na tumayo nalang at umalis.

Napairap nalang ako sa kawalan dahil alam ko kung anong gusto ng lalaking yun. And I'm not here for that.

"Sam! May gwapo oh!" Agad akong napalingon doon sa itinuro ni Ashley. At oo nga, ang ga-gwapo nga nila. Lima silang lahat, yung apat e halatang mga babaero dahil sa ngiti nila. Pero yung isa talaga yung nakaagaw ng pansin ko, mukhang siya yung leader nila, sobrang seryoso niya at para bang napakalaki ng problema dahil sa pagkakakunot ng noo niya. Ewan ko ba, kahit na nakasimangot siya e ang gwapo gwapo padin.

"Kita niyo yon?" Sabay turo doon sa lalaki na seryoso. "Maaakit ko 'yan!" Natatawa kong sabi at pumunta doon sa kinuha nilang table. "Hi!" Matamis ang ngiti ang ibinigay ko sa kanila.

Forced Marriage ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon