Chapter 11

39.9K 679 8
                                    

Chapter 11: The Cards





Samantha's Pov

Alam mo yung feeling na parang umaayon ang lahat sa gusto mo?

I'm getting the attention that I want from my parents. Sila din ang dahilan kung bakit magkakaroon na ako ng chance para maging malapit kay Dale.

Imagine that? I'll be marrying the man in my dreams. Ang lalaking sa tingin ko ay nakalaan na talaga para sa akin.

Nakikita ko na ang sarili ko habang naglalakad sa red carpet at papunta sa direksyon ni Dale. Hinihintay niya ako doon. Nakangiti siya at may luha sa gilid ng mata niya, masaya siya dahil ako ang mapapangasawa niya.

"Ahh!" tili ko at nagpagulong gulong sa kama. Iisipin ko palang na ikakasal ako sa kanya ay nagkukumahog na ang buong kalamnan ko.

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko. Agad ko iyon'g kinuha mula sa mesa na nasa gilid ng kama ko at sinagot ang tawag. It's Yesha.

"Girl!Bakit absent ka kanina?Hang over?Don't tell me hindi ka na talaga sanay uminom?" bungad nito at tumawa pa.

"Kinda hang over. May pinuntahan kami nina Mommy, and guess what Yesh? I have a good news!I mean, good news for me." humalakhak ako dahil hindi ko na mapigilan na maichika yon sa kanila. They're my friends so pwede ko naman sa kanilang sabihin. "Meet tayo sa coffee shop nina Sandra, ngayon. Sabihan mo din sina Ash." binaba ko na ang tawag at dali daling nagbihis.

Nakarating din agad ako sa Coffee Shop nina Sandra. The staffs greeted me, I smiled at them. Nilibot ko ang tingin sa loob ng coffee shop, as soon as I see all of them in a table, I came closer to them.

"Hi, girls!" bati ko sa kanila at naupo sa bakanteng upuan.

"Hey, Sam. So what's the chika?" tanong ni Ash habang busy ang mata sa pagtutok sa cellphone.

"Wait, let's get some drinks first, okay?Rita!" tawag ni Sandra sa isa sa mga server. "Anong gusto niyong inumin?"

"Iced coffee lang sakin." si Yesha at saka siniko si Ashley.

"Huh?Ah, Ristretto."

"Sayo, Sam?" tanong sakin ni Sandra.

"Mocha nalang"

"Iced coffee, Ristretto, Mocha and Frappuccino." si Sandra, kausap si Rita.

"Wait, bakit wala si Thea?" kaming apat lang kasi ang nandito.

"May report siya bukas, kailangan niya na daw yon matapos kaya pass muna daw siya ngayon."

"Oh. Sayang naman, hindi niya agad maririnig yung chika ko." Nakanguso kong sabi. "But, anyway. Ito na nga, diba may pinuntahan kami kanina nila mommy..."

At doon ko na sinabi sa kanila ang buong pangyayari. Halos pati sila ay hindi makapaniwala.

"Grabe! Dati ay kinababaliwan mo lang tapos ngayon e magiging asawa mo na!" hindi parin makapaniwalang sabi ni Yesha at nakatakip pa ang palad sa bibig niya.

"Baka si Samantha yarn." natatawang singit naman ni Ashley. "Pero grabe girl, as in kapag 18 ka na?Ikakasal na kayo non?"

"Yeap! Pero yung pirmahan lang naman daw, hindi yon sa simbahan. Kainis diba? Tapos wala pang honeymoon." ngumuso ako. Bakit kase walang honeymoon diba? Hindi kumpleto ang kasal kapag wala non.

"Gaga, e pilit lang naman ang kasal na yon diba? Syempre wala talagang honeymoon yon!Kahit naman nasa legal age ka na e hindi yon papayagan nina Tito Reiner." si Sandra.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now