Chapter 14

36.7K 677 7
                                    

Chapter 14: Samantha's Birthday Gift





Samantha's Pov

Maaga palang ay gising na ako. Excited na excited na ako. Darating mamaya si Dale at siya ang magiging escort ko.

Nakangiti akong bumangon sa kama ko at ginawa ang morning rituals ko ng may ngiti parin sa labi. Hindi naman halata na sobrang saya ko no?

"Good morning, My!" Bati ko kay Mommy na nakasalubong ko sa hagdan. Niyakap ko siya.

"Nako, mukhang ang saya ng debutant namin ah?" Aniya at tumawa saka ginantihan ako ng yakap. Hindi rin nagtagal at naghiwalay na din kami.

"Syempre naman, Mommy. Darating si Dale mamaya e!" Tumawa ako.

"Hay, yun naman pala. Akala ko naman e dahil sa birthday mo ngayon. Crush na crush mo iyo'ng fiancé mo 'no?" Aniya at sabay kaming naglakad pababa ng hagdan.

"Yeap! Ang saya ko nga po nung sinabi niyo na ikakasal ako sa kanya e!"

Tumawa ulit siya. "Akala nga namin magagalit ka e." Wika niya at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.

"Pero kung ibang lalaki yon, hindi ako sure, My." We laughed.

"Good morning."

Sabay kaming napalingon kay Daddy na mukhang kagigising lang din.

"Good morning, Dad!" Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Ngumiti ito at pinisil ang pisngi ko dahilan para mapangiti ako. "Happy birthday, my princess." Aniya at dinampian ng marahang halik ang noo ko.

This is my Dad, sweet, though mas madalas siyang masungit at mahigpit.

"Anong gift mo sakin, Dad?" Nguso ko.

"Dale is my gift for you." Usal niya saka tumawa.

"Well, iyon na ang pinakamagandang regalo na natanggap ko." Tumawa ako.

Ilang oras pa ang lumipas at malapit ng mag alas sinco. Nakaayos na ang lahat lahat, maging ako ay patapos nang make-up-an.

"Ang ganda ko," usal ko habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. In a few touch ay natapos na din ang bakla na nagmamake up sakin. Naayos na din ng isa pang bakla yung buhok ko.

"Nako, napaka byutiness mo, ma'am! Magmumukha kang si Cinderella kapag naisuot mo na din yung gown mo!" Ani ng isang bakla.

Ngumuso ako. "Si Belle ang gusto ko."

Tumawa ang dalawa. "Pwede na rin! Kaso kulay asul ang gown mo kaya para kang si Cinderella."

"Tapos na ba iyan?" Pumasok si mommy at tinignan ang ayos ko. "Wow, ikaw ba yan, Sam? Oh my god, you're so pretty my baby!"

Tumayo ako at hinarap si mommy ng may ngiti sa labi. "Of course, My! Kahit wala naman po akong ayos e maganda parin po ako." I said then laughed.

"Oo na, kanino ka pa ba magmamana? Edi sakin. Sige na, babain mo na doon ang mga bisita mo. At oo nga pala, nandyan na rin ang fiancé mo." Aniya at kumindat sa akin.

Ikinalawak ng ngiti ko iyon. "Andyan na si Dale, mommy?" Nang tumango siya ay agad ko nang sinuot ang gown ko, tinulungan pa nila ako doon. It's a common blue debutant gown, may mga glitters pa ito sa dulo kaya kumikintab iyon kapag natatamaan ng ilaw. Hindi naman ito kagaya ng gown ni Cinderella, and I hate Cinderella, don't ever compare me to her.

"Oo! Kaya sige na, mauuna na ako doon ha? Kailangan na ang grand entrance mo para makapag start na." Aniya at hinalikan pa ako sa pisngi bago lumabas ng room.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now