Chapter 23

29.4K 403 20
                                    

Chapter 23: Newly Wed

Samantha's Pov

The day has come.

I'm wearing my white dress at kakatapos lang ng mga seremonyas ni Mayor which is ninong ng mommy ko. Pagkatapos 'non ay dumiretso kami sa bahay nina Dale.

Walang 'you may now kiss the bride' na nangyare! My gosh, but what do I expect? Hindi rin naman papayag sina mommy.

Pagkarating namin sa bahay nila ay agad na inilabas ng mga maid nila ang mga pagkain na ipinahanda ni Tita Elizabeth, I mean, ni mommy.

"Congrats," bati pa sa akin ni Sav na mukhang bugnutin ngayon.

"Thanks, Sav, wala ba akong gift d'yan?" Natatawa ko pang wika pero inisnaban niya lang ako. Aba? Mukhang wala sa mood ang loko ngayon.

"Wala. Hindi naman ako masaya na ikinasal ka kay kuya e," usal nito na ikinataas ng kilay ko. Ano daw? Bat naman hindi siya masaya na ikinasal ako sa kuya niya e ang ganda ganda ko naman para maging sister-in-law?

"At bakit naman?"

"Dapat kase sakin ka ikinasal!" Pagmamaktol niya bigla at nagpapadyak pa habang nakaupo sa sofa.

Lah, siraulo.

"Baliw ka ba? Mas matanda kaya ako sayo!"

"Anong mas matanda ka sa'kin? E parehas lang naman tayong 18! Tch, kainis naman kase si Mommy, pwede namang ako nalang ang ipakasal sayo tapos blah blah blah blah"

Hindi ko na narinig ang iba niya pang sinabi dahil may humila sa akin papunta sa dining room.

"Wag mong kausapin 'yon, baliw 'yon e," sambit ng humila sakin, ang asawa ko.

Nyay! Kinilig ako. What more kung tawagin niya naman akong asawa niya diba?

"Magkapatid kayo, so baliw ka rin?" Pang-aasar ko sa kanya kaya tinaliman niya ako ng tingin. "'Wag ka na nga dyan magalit, sa lahat naman ng baliw ikaw ang mahal ko e," dagdag ko pa at ewan ko ba kung bakit biglang namula ang magkabilang tenga niya.

"Let's just eat, gutom lang 'yan," aniya at ipinaghila pa ako ng upuan.

Okay. Lumelevel up na talaga siya ngayon. Ang sweet niya ha!

Naupo na din ako at nagsimulang kumain habang nag-uusap ang mga magulang namin tungkol sa business.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam muna kami ni Dale na lalabas lang sandali.

We go to their garden at namangha ako sa mga bulaklak doon. Iba't ibang klaseng bulaklak ang naroon, hindi naman halatang plantita si mommy Elizabeth.

"Sam," tawag sa akin ni Dale mula sa likod ko kaya humarap ako sa kanya ng may ngiti sa labi.

"Hm?"

He's holding a pink rose which is pinitas niya doon. He then gave it to me, wala na din 'yong mga tinik, he probably removed the thorns first before giving it to me. How sweet.

Sana magtuloy tuloy siya na ganito.

"Did you ever wish to get married in the church?" He suddenly asked.

Ngumiti muna ako bago sumagot. "Oo naman, halos lahat naman ng babae 'e pinangarap na maikasal sa simbahan."

"Of all venues, like beach, bakit sa simbahan?" Tanong niyang muli.

"Eh kase doon, hindi lang sa mga taong mahal mo maipapakita na nagmamahalan talaga kayo ng partner mo, kundi pati na rin ang Diyos, saksi doon," I answered honestly while smelling the flower that he gave me. "Bakit? Interview ba 'to?" Usal ko at mahinang tumawa.

"Nah, I'm just wondering kung bakit halos lahat ng babae ay sa simbahan gustong ikasal."

I stepped closer in to him. He didn't move a bit and let me just face him that close. We stared at each other.

"Bakit? May balak ka bang pakasalan ako sa simbahan?" I asked.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako na parang ngumiti siya. "Soon," he answered that made my eyes that big.

May plano siya?!

"Baka naman sa una lang 'yan ha?" Nakanguso kong sabi.

He just laughed there which made me stop moving and breathing for a bit.

Did he just laughed?

Teka, puno yata ng milagro ngayon, juicecolored.

"Kanina, diba kapag kinakasal may halikan na nagaganap?" Bigla niyang pagbubukas ng topic tungkol doon.

Oo, yan din ang nirereklamo ko ngayon dahil wala man lang tayong kissing scene kanina! Me gash.

Napasinghap na lamang ako ng bigla niya akong hinahin sa bewang palapit sa kanya kaya napasandal ang dalawa kong palad sa dibdib niya. Sobrang lapit namin ngayon sa isa't isa.

"D-Dale.." bulong ko at nakatitig sa mga mata niya.

He was just staring at me there when his eyes gazes at my lips. Hindi nakatakas sa mata ko ang paglunok niya.

"Damn, why is that red? Makes me wanna bite it."

Ano daw?!

Pero bago pa ako makapag react at makapag salita ay dumampi na ang labi niya sa labi ko.

Our lips met each other at ang pakiramdam na 'yon.. para kaming nasa ulap.

I felt the butterflies in my tummy which tickles my insides.

Our lips parted and we're catching our breathe. Shit! Second kiss!

"Sam! Dale! Come here, may sasabihin kami sa inyo!"

Napalayo kaming dalawa sa isa't isa nang tawagin kami ni mommy. Nagkatitigas pa muna kami bago pumunta sa kung nasan sila.

Natagpuan namin sila doon na nakaupo sa sofa at may pinag-uusapan. "Andyan na sila," anunsyo ni mommy nang makita kami ni Dale na palapit sa gawi nila.

"Bakit, My?" Tanong ko at naupo sa single couch doon habang si Dale ay nasa gilid ko lang at nakatayo.

"We bought a house for the both of you," wika ni Mommy Elizabeth na ikinagulat ko.

Bumili sila ng bahay para samin ni Dale? Omg, feel na feel ko na tuloy na mag-asawa kami.

"At ngayon, pupunta tayo doon para makita niya na rin yon, may mga gamit na rin kayo doon so mamaya din kayo lilipat sa bago niyong bahay," si Daddy.

"Pero, dalawa ang kwarto 'non. Isa para sayo Dale at isa para sayo Sam. Hindi ibig sabihin na kasal na kayo e magtatabi na kayo. Masyado pa kayong bata para doon. Maaasahan ba kita, Dale?" Baling ni Mommy kay Dale.

"Yes, Tita. Ewan ko lang po dito sa anak niyo," aniya at binalingan ako ng tingin, ngiting aso pa siya.

"Sam?" Baling naman sa'kin ni mommy.

"Of course, My! Maaasahan niyo 'ko dyan, good girl na ako 'e!"

"Yun naman pala e, tara na!" Nagpaumuna na sina Tita Elizabeth kasunod si Mommy at ang kanilang mga asawa.

"Nakakaexcite, sa iisang bubong na tayo titira!" Bulong ko sa kanya habang nakasunod kami kina Mommy palabas ng bahay. Napailing iling nalang siya doon.

"Sundin mo ang Mommy mo, baka mamaya n'yan pagtulog e gapangin mo ako," makapal ang mukha na sabi niya, tho may chance na gawin ko nga 'yon. Joke!

"Baka nga ikaw ang gumapang sa'kin dyan e! For sure, nahuhulog ka na sa'kin at gusto mo na rin ako!" Sabi ko pa pero hindi na ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. That made him silent for a while.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now