Chapter 16

36.7K 606 5
                                    

Chapter 16: First Mission






Samantha's Pov

Everything went very well. Maayos naman na ang pag-uusap na naganap, kaso nga lang.. hindi ko matanggap. Ilang araw na ang nakalipas pero hindi ko parin matanggap.

Ikakasal lang kami sa judge, not on the church. Kaiyak 'no? Pero oo nga naman, hindi naman kasi totoo talaga ang pagpapakasal namin at pilit lang yon dahil sa business kaya no need to have a church wedding.

Medyo nakakalungkot pero hindi naman mababago no'n na magiging Mrs. Smith na ako.

"Cheer up, Sam! Malay mo, kapag tumagal at nahulog na talaga si Dale sayo, pakasalan ka na talaga niya in church!" Pagche-cheer sakin nung apat.

"Alam ko naman 'no, I'm confident na mahuhulog talaga si Dale sa akin. I just have to wait." I flipped my hair.

"Anyways, you know what? Si Sir Gordon, agh, he's now my tutor. Kainis, right?" Ani Sandra at umiirap pa. "Ayos lang sana na itutor niya ko kaso nakakainis siya! Masyado siyang bossy tapos ayaw akong ipagbreak, gusto niya matapos ko muna yung activities na pinapagawa niya." Halata ang iritasyon sa boses niya.

"Wow? Lumelevel up na kayo ah? From Prof to tutor, hmm.. ano kaya ang sunod?" Nang-aasar na wika ni Ashley at humagalpak ng tawa.

"But girls, diba substitute teacher lang si Sir Gordon? Once na bumalik na si Sir Von, hindi na natin siya magiging teacher. It isn't illegal na for the both of you!" Mapanuksong usal naman ni Yesha habang si Sanda e hindi maipinta ang mukha.

"What?! Ano bang pinagsasabi niyo? Ang dudumi ha! Kahit naman na substitute teacher lang siya e ang layo naman ng agwat ng edad namin." Ani Sandra at may punto siya don.

"Pero may kasabihan naman tayo na Age doesn't matter, diba?" Paggatong ko at nginisian si Sandra.

"Argh, ewan ko sa inyo. Hinding hindi ko papatulan ang lalaki na 'yon."

"Sige, sabi mo e." Tinapunan nalang kami ni Sandra ng masamang tingin habang kami ay tatawa tawa lang.

•••

"Hi, Dale!" Sumabay ako sa paglalakad ni Dale papasok sa university. He look pissed as he gazed at me but I didn't mind it.

"Excited ka na ba? Lapit na ng kasal natin 'no?" I giggled, I just can't hide my excitement whenever the topic is about our wedding.

"No. And don't be so excited, pirmahan lang naman ang mangyayari." Seryoso niyang sabi habang tuwid na naglalakad.

Inangat ko ang paningin ko sa kanya at ngumuso, sinasabayan parin siya sa paglalakad.

"Wala bang kiss don?"

"Wala."

Mas napanguso ako don. Seriously? Anong klaseng kasal iyon kung walang kiss na magaganap?

"Pangit mo naman kabonding, pasalamat ka gwapo ko."

"Then thanks to my self." Aniya at binilisan ang paglalakad. Halos tumakbo na ako maabutan ko lang siya.

"Bakit ba nagsusungit ka na naman? Parang hindi mo ako hinalikan nung birthday ko ah!"

Kita ko ang pamumula ng tenga niya. "Pinagbigyan lang kita."

"But I didn't ask for a kiss." Ngisi ko at humarap sa kanya. "Tell me, crush mo na ako 'no?" Hindi nawala ang ngisi ko sa labi. "Aminin mo na, hindi ko naman ipagkakalat, promise." Itinaas ko pa ang isang kamay ko na parang nanunumpa.

Nangunot ang noo niya doon at inirapan lang ako. "As I've told you, pinagbigyan lang kita non." Aniya at nilagpasan na ako.

"Pero hindi naman na kailangan ng halik para doon diba?"

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now