Chapter 21

11.4K 274 12
                                    

(A/N: surprise update to HAHAHAHAHAHAHA ngayon ko lang to sinulat kaya baka maraming error.)



Chapter 21: Danger






Samantha's Pov

"Baby, what you think 'bout this?"

Lumingon ako sa mommy ko na may hawak na tatlong white dress.

"Maganda naman po lahat, My."

"Choose one, hindi naman pwedeng ito lahat ang isuot mo sa kasal mo," natatawa niyang sabi kaya natawa na din ako.

"That one, mom. Yung may kaunting beads na long sleeves." Turo ko sa nasa gitna.

"Alright, this one, then." Iniayos niya ito bago lumapit sa'kin. "Is there a problem? Mukhang matamlay ka."

Marahan akong umiling. "Wala po, My. Excited lang po ako."

Tomorrow, I and Dale will be married. Sa judge lang kami ikakasal at pirmahan lang ang magaganap pero masaya parin ako.

Hindi ko lang talaga makalimutan si Thea. It will be the happiest day of my life pero wala siya, wala ang isa sa mga kaibigan ko na laging nandyan para sa'kin.

Think about it, we've been together for almost our whole existence here in this world pagkatapos ay nawala nalang 'yon bigla na parang bula.

Paulit ulit na pero hindi ko talaga kayang tanggapin 'yon.

I'll give justice to our friendship. I'll find out what happened.

"Hindi ko 'yon makita sa'yo. Ang pagkaexcite, mukha kasing kulang. Tell me, baby. What happened?" Tanong niya at hinaplos ng marahan ang may kahabaan kong buhok.

Naramdaman ko nalang na may tumulong isang butil ng luha mula sa mata ko.

"Si Thea, My.."

Hindi ko pala kayang maging tahimik lang.

"Hindi ko po alam ang nangyare sa kanya kung bakit parang bigla niya nalang tinalikuran ang pagkakaibigan namin. She changed like as if hindi nin siya naging kaibigan at hindi niya kami naging kaibigan. That's.. not understandable."

Niyakap niya ako at hinagod naman ang likod ko upang matahan ako.

"Shh, baka may problema siya, anak? Maybe she needs space."

"Pero.. pero hindi niya naman kailangan tabuyin kami di'ba? Hindi kailangan yon, mom." Napasubsob nalang ako sa balikat ng mommy ko.

"Intindihin niyo nalang muna siya.. hindi din magtatagal at malalaman niyo ang tunay na rason niya," aniya at dinampian ng halik ang noo ko.

Tumango ako at pinunasan ang luha ko. "Yeah, hahayaan nalang muna namin siya. Pero hindi ibig sabihin 'non na mapuputol na doon ang pagkakaibigan namin."

Ngumiti si mommy at tinap ang balikat ko. "You're growing, Sam. My baby is growing. Our princess is getting matured now."

Natawa na lang ako. "Mom naman, I'm immature parin sometimes."

"Yeah, right. I know that," sambit niya na ikinatawa namin pareho.

***

Sandra's Pov

"Hindi naman kasi tama ang formula na ginamit mo kaya mali mali talaga ang kalalabasan niyan."

I'm here at the library with my professor. Yes, ang kumakausap sa'kin ngayon ay ang lalaking ito na paborito akong punain sa mga maling ginagawa ko.

"Paano ba kasi 'to?" Naiinis na talaga ako, sinusunod ko naman lahat ng sinasabi niya pero mali parin. 'O baka naman siya talaga ang may problema at hindi marunong mag-explain at magturo.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now